The Daily Audio Bible
Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.
Mga huling araw ni Jacob.
48 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinabi ng isa kay Jose, Narito, ang iyong ama ay may sakit: at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak, si Manases at si Ephraim.
2 At may nagsaysay kay Jacob, at nagsabi, Narito, pinaparituhan ka ng anak mong si Jose: at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan.
3 At sinabi ni Jacob kay Jose, (A)Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako.
4 At sinabi sa akin, Narito, palalaguin kita, at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo, na (B)pinakaari magpakailan man.
5 (C)At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay (D)akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.
6 At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.
7 At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay (E)namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).
Si Jose at ang kaniyang mga anak ay dumalaw kay Jacob.
8 At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose, at sinabi, Sino sino ito?
9 At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, (F)Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at (G)sila'y aking babasbasan.
10 (H)Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at (I)niyakap.
11 At sinabi ni Israel kay Jose, (J)Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.
12 At sila'y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod; at siya'y nagpatirapa sa lupa.
13 At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya.
14 At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na (K)pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.
15 At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, (L)Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito,
16 (M)Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; (N)at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; (O)at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa.
17 At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang (P)kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim.
18 At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.
19 At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: (Q)gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa.
20 At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi (R)Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases.
21 At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: (S)nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.
22 (T)Bukod dito'y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid, na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo.
Ang hula ni Jacob sa kaniyang mga anak.
49 At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak, at sinabi, Magpipisan kayo, (U)upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari (V)sa inyo sa mga huling araw.
2 Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob;
At inyong pakinggan si Israel na inyong ama.
3 (W)Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, (X)at siyang pasimula ng aking kalakasan;
Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.
4 (Y)Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan,
Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama:
Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan.
5 (Z)Si Simeon at si Levi ay magkapatid;
Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.
6 Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo;
Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko;
Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao:
At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka.
7 Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis;
At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik.
Aking babahagihin sila sa Jacob.
At aking pangangalatin sila sa Israel.
8 (AA)Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid:
(AB)Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway:
(AC)Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo.
9 (AD)Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka:
(AE)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon;
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
10 (AF)Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
(AG)Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa,
(AH)Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
(AI)At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
11 Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas.
At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas;
Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak,
At ang kaniyang damit sa katas ng ubas.
12 (AJ)Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak,
At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas.
13 (AK)Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat:
At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan;
At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon.
14 Si Issachar ay isang malakas na asno,
Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan:
15 At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti,
At ng lupang kaayaaya;
At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan,
At naging aliping mangaatag.
16 Si Dan ay (AL)hahatol sa kaniyang bayan,
Gaya ng isa sa angkan ni Israel.
17 Si Dan ay magiging ahas sa daan,
At ulupong sa landas,
Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo,
Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon.
18 (AM)Aking hinintay ang iyong pagliligtas,
Oh Panginoon.
19 Si Gad, ay hahabulin ng isang pulutong:
Nguni't siya ang hahabol sa kanila.
20 Hinggil kay Aser, ay lulusog ang tinapay niya,
At gagawa ng masasarap na pagkain.
21 Si Nephtali ay isang usang babaing kawala:
Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita.
22 Si Jose ay sangang mabunga,
Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal;
Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader.
23 (AN)Pinamanglaw siya ng mga mamamana,
At pinana siya, at inusig siya:
24 (AO)Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay ng (AP)Makapangyarihan ni Jacob,
(Na siyang pinagmulan ng (AQ)pastor, ang (AR)bato ng Israel),
25 (AS)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(AT)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.
27 (AU)Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw:
Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli,
(AV)At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam.
28 Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya,
29 At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: (AW)Ako'y malalakip sa aking bayan: (AX)ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang (AY)sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo,
30 Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, (AZ)na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan:
31 (BA)Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at (BB)doon ko inilibing si Lea:
Ang kaniyang kamatayan.
32 Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth.
33 At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, (BC)at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan.
29 At umalis si Jesus doon, at (A)naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:
31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
32 At pinalapit ni (B)Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, (C)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; (D)at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39 At (E)pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng (F)Magdala.
16 At nagsilapit (G)ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit.
2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, (H)Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula.
3 At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon.
4 Ang isang lahing masama at (I)mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.
5 At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay.
6 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa (J)lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.
7 At sila'y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nagsasabi, Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay.
8 At nang matalastas ni Jesus ay sinabi, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya, bakit kayo'y nangagbubulaybulay sa inyong sarili, sapagka't wala kayong tinapay?
9 Hindi pa baga ninyo natatalastas, (K)at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
10 Ni yaong pitong tinapay (L)sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
11 Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
12 Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
20 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;
(A)Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
2 Saklolohan ka mula sa (B)santuario,
At palakasin ka mula sa (C)Sion;
3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,
At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
4 (D)Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,
At tuparin ang lahat ng iyong payo.
5 Kami ay (E)magtatagumpay sa iyong pagliligtas,
At (F)sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:
Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang (G)kaniyang pinahiran ng langis;
Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit
Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
7 (H)Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:
(I)Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
8 Sila'y nangakasubsob at buwal:
Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
9 Magligtas ka, Panginoon:
Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.
20 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
21 (A)Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
(B)Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
22 Sapagka't (C)buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.
23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
(D)Sapagka't dinadaluyan ng buhay,
24 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
25 Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
26 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
27 (E)Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978