The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang mga anak ni Noe, ni Abraham, at ni Esau.
1 Si Adam, si Seth, si Enos;
2 Si Cainan, si Mahalaleel, si Jared;
3 Si Enoch, si Mathusalem, si Lamech,
4 Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet.
5 (A)Ang mga anak ni Japhet: si Gomer, at si Magog, at si Dadai, at si Javan, at si Tubal, at si Mesec, at si Tiras.
6 At ang mga anak ni Gomer: si Askenaz at si Riphath, at si Thogorma.
7 At ang mga anak ni Javan: si Elisa, at si Tharsis, si Chithim at si Dodanim.
8 (B)Ang mga anak ni Cham: si Chus, at si Misraim, si Phuth, at si Canaan.
9 At ang mga anak ni Chus: si Seba, at si Havila, at si Sabtha, at si Racma, at si Sabtecha. At ang mga anak ni Racma: si Seba, at si Dedan.
10 At naging anak ni Chus si Nimrod: siya ang nagpasimulang naging makapangyarihan sa lupa.
11 At naging anak ni Misraim si Ludim, at si Ananim, at si Laabim, at si Nephtuim,
12 At si Phetrusim, at si Chasluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at si Caphtorim.
13 At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth,
14 At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo,
15 At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo,
16 At ang Arvadeo, at ang Samareo, at ang Hamatheo.
17 (C)Ang mga anak ni Sem: si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram, at si Hus, at si Hul, at si Gether, at si Mesec.
18 At naging anak ni Arphaxad si Sela, at naging anak ni Sela si Heber.
19 At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y (D)Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
20 At naging anak ni Joctan si Elmodad, at si Seleph, at si Asarmaveth, at si Jera,
21 At si Adoram, at si Uzal, at si Dicla;
22 At si Hebal, at si Abimael, at si Seba;
23 At si Ophir, at si Havila, at si Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joctan.
24 (E)Si Sem, si Arphaxad, si Sela;
25 Si Heber, si Peleg, si Reu;
26 Si Serug, si Nachor, si Thare;
27 Si Abram, (na siyang Abraham.)
28 Ang mga anak ni Abraham: (F)si Isaac, at si (G)Ismael.
29 Ito ang kanilang mga lahi: (H)ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam,
30 Si Misma, at si Duma, si Maasa; (I)si Hadad, at si Thema,
31 Si Jetur, si Naphis, at si Cedma. Ito ang mga anak ni Ismael.
32 (J)At ang mga anak ni Cethura, na babae ni Abraham: kaniyang ipinanganak si Zimram, at si Jocsan, at si Medan, at si Madian, at si Isbac, at si Sua. At ang mga anak ni Jocsan: si Seba, at si Dan.
33 At ang mga anak ni Madian: si Epha, at si Epher, at si Henoch, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Cethura.
34 At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac: si Esau, at si Israel.
35 (K)Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.
36 Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec.
37 Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.
Ang mga anak ni Seir.
38 (L)At ang mga anak ni Seir: si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana, at si Dison at si Eser at si Disan.
39 At ang mga anak ni Lotan: si Hori at si Homam: at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.
40 Ang mga anak ni Sobal: si Alian at si Manahach at si Ebal, (M)si Sephi at si Onam. At ang mga anak ni Sibeon: si Aia at si Ana.
41 Ang mga anak ni Ana: si Dison. At ang mga anak ni Dison: si Hamran at si Hesban at si Ithran at si Cheran.
42 Ang mga anak ni Eser: si Bilham, at si Zaavan, at si Jaacan. Ang mga anak ni Disan: si Hus at si Aran.
Ang mga nagsipaghari sa Edom.
43 (N)Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.
44 At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.
45 At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.
46 At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.
47 At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.
48 At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.
49 At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.
50 At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.
51 At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;
52 Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;
53 Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar;
54 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom.
Mga anak ni Hesron.
2 Ito ang mga anak ni Israel: (O)si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon;
2 Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.
3 (P)Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.
4 At ipinanganak sa kaniya ni (Q)Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.
5 Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.
6 At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.
7 At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na (R)gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.
8 At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.
9 Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at (S)si Ram, at si Chelubai.
10 At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda;
11 At naging anak ni Nahason si (T)Salma, at naging anak ni Salma si (U)Booz;
12 At naging anak ni Booz si Obed, at naging anak ni Obed si Isai;
13 At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si (V)Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;
14 Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;
15 Si Osem ang ikaanim, si (W)David ang ikapito:
16 At (X)ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.
17 (Y)At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita.
11 At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at sinabi, Laksan mo ang iyong loob: sapagka't kung paano ang pagkapatotoo mo tungkol sa akin sa Jerusalem, ay kailangang patotohanan mo rin gayon (A)sa Roma.
12 At nang araw na, ay nangagkatipon ang mga Judio, at sila'y nangagpanata sa ilalim ng sumpa, na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo.
13 At mahigit sa apat na pu ang mga nagsipanumpa ng ganito.
14 At sila'y nagsiparoon sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda, at nangagsabi, Kami ay nangagpanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa, na hindi titikim ng anoman hanggang sa mapatay namin si Pablo.
15 Ngayon nga kayo pati ng Sanedrin ay mangagpahiwatig sa pangulong kapitan na siya'y ipapanaog niya sa inyo, na waring ibig ninyong mahatulan ng lalong ganap ang sakdal tungkol sa kaniya: at kami, bago siya dumating ay nangahanda upang siya'y patayin.
16 Datapuwa't ang anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ay narinig ang tungkol sa kanilang pagbabakay, at siya'y naparoon at pumasok sa kuta at isinaysay kay Pablo.
17 At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion, at sinabi, Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan; sapagka't siya'y may isang bagay na sasabihin sa kaniya.
18 Kaya't siya'y kinuha, at dinala siya sa pangulong kapitan, at sinabi, Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito, na may isang bagay na sasabihin sa iyo.
19 At tinangnan siya ng pangulong kapitan sa kamay, at pagtabi ay lihim na tinanong siya, Ano yaong sasabihin mo sa akin?
20 At sinabi niya, Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo'y ipamanhik na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa (B)Sanedrin, na waring ikaw ay may sisiyasating lalong ganap tungkol sa kaniya.
21 Huwag ka ngang palamuyot sa kanila: sapagka't binabakayan siya ng mahigit na apat na pung katao sa kanila, na nangagsipagpanata (C)sa ilalim ng sumpa, na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya'y kanilang mapatay: at ngayo'y nangahahanda sila, na nangaghihintay ng pangako mo.
22 Kaya't pinaalis ng pangulong kapitan ang binata, na ipinagbilin sa kaniya, Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinahiwatig mo sa akin ang mga bagay na ito.
23 At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa (D)Cesarea, at pitong pung kabayuhan, at dalawang daang sibatan, sa ikatlong oras ng gabi:
24 At pinapaghanda niya sila ng mga hayop, upang mapagsakyan kay Pablo, at siya'y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador.
25 At siya'y sumulat ng isang sulat, na ganito:
26 Si Claudio Lisias sa kagalanggalang na gobernador Felix, (E)bumabati.
27 Ang taong ito'y hinuli ng mga Judio, at papatayin na lamang sana nila, nang dumalo akong (F)may kasamang mga kawal at siya'y iniligtas ko, (G)nang mapagtantong siya'y isang taga Roma.
28 At sa pagkaibig kong mapagunawa ang dahilan kung bakit siya'y kanilang isinakdal, ay ipinanaog ko siya sa kanilang Sanedrin:
29 Na nasumpungan ko na siya'y kanilang isinasakdal (H)sa mga suliranin tungkol sa kanilang kautusan, datapuwa't (I)walang anomang sakdal laban sa kaniya na marapat sa kamatayan o sa tanikala.
30 At (J)nang ipakilala sa akin na may banta laban sa taong iyan, ay ipinadala ko siya agad sa iyo, na aking ipinagbilin din sa mga sa kaniya'y nangagsasakdal na mangagsalita sa harapan mo laban sa kaniya.
31 Kaya't ang mga kawal, alinsunod sa iniutos sa kanila, ay kinuha si Pablo at dinala siya sa gabi sa Antipatris.
32 Datapuwa't nang kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan, at nangagbalik sa kuta:
33 At sila, nang sila'y magsidating sa Cesarea at maibigay ang sulat sa gobernador, ay iniharap din si Pablo sa harapan niya.
34 At nang mabasa niya ito, ay itinanong niya kung taga saang (K)lalawigan siya; at nang maalamang siya'y taga (L)Cilicia,
35 Pakikinggan kitang lubos, ang sabi niya, pagdating naman ng mga nagsisipagsakdal sa iyo: at ipinagutos na siya'y ingatan sa palasio ni Herodes.
Panalangin sa umaga ng pagtitiwala sa Panginoon. (A)Awit ni David nang siya'y tumakas kay Absalom na kaniyang anak.
3 Panginoon, (B)ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami!
Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa:
(C)Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon (D)ay isang kalasag sa palibot ko:
Aking kaluwalhatian; at (E)siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon,
At sinasagot (F)niya ako mula sa (G)kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y (H)nahiga, at natulog;
Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 (I)Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan,
Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios:
Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway;
Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol (J)sa Panginoon:
Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
14 Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit;
Nguni't (A)ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
15 Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman;
At ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978