The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Si Joas ay naghari.
24 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y (A)nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba.
2 At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon (B)lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote.
3 At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari, at siya'y nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
4 At nangyari, pagkatapos nito, na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon.
5 At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita, at sinabi sa kanila, Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda, at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon, at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay. (C)Gayon ma'y hindi minadali ng mga Levita.
6 At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis (D)na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa (E)tabernakulo ng patotoo?
7 Sapagka't giniba ng mga anak ni Athalia, niyaong masamang babae, ang bahay ng Dios, at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon.
Ipinaigi ni Joas ang templo.
8 (F)Sa gayo'y nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
9 At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon (G)ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.
10 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban, hanggang sa natapos.
11 At nagkagayon, nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari, sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita, at nang kanilang makita na maraming salapi, na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban, at kinuha, at dinala uli sa dakong kinaroroonan. Ganito ang kanilang ginawa araw-araw, at nagtipon ng salapi na sagana.
12 At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon.
13 Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay.
14 At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, (H)na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa (I)lahat ng mga kaarawan ni Joiada.
15 Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay.
16 At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari, sapagka't siya'y gumawa ng mabuti sa Israel, at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan.
17 Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda, at nangagbigay galang sa hari. Nang magkagayo'y dininig sila ng hari.
18 At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod (J)sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at (K)ang pagiinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito.
19 Gayon ma'y (L)nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y (M)sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.
Pinagsalitaan siya ni Zacharias.
20 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.
21 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at (N)binato siya ng mga bato, sa utos ng hari (O)sa looban ng bahay ng Panginoon.
22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.
23 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na (P)prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.
24 Sapagka't ang hukbo (Q)ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan (R)si Joas.
25 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) (S)ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga (T)anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, (U)nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.
26 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si (V)Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.
27 Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa (W)kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Amasias ay naghari.
25 Si (X)Amasias ay may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y naghari na dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay si Joadan na taga Jerusalem.
2 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, (Y)nguni't hindi ng sakdal na puso.
3 Nangyari nga (Z)nang ang kaharian ay matatag sa kaniya, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama.
4 Nguni't hindi niya pinatay ang kanilang mga anak, kundi gumawa ng ayon sa nakasulat sa kautusan sa aklat ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, ang mga ama ay hindi mangamamatay ng dahil sa mga anak, ni ang mga anak man ay nangamamatay ng dahil sa ama: kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan.
Si Amasias ay napigil sa paggamit ng mga upahang mangdidigma mula sa Ephraim; tinalo ang Edom.
5 Bukod dito'y pinisan ni Amasias ang Juda, at iniutos sa kanila ang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa kapangyarihan ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng mga pinunong kawal ng dadaanin, sa makatuwid baga'y ang buong Juda at Benjamin: at kaniyang binilang sila (AA)mula sa dalawangpung taong gulang na patanda, at nasumpungan niya silang (AB)tatlong daang libong piling lalake, na makalalabas sa pakikipagdigma, na makahahawak ng sibat at kalasag.
6 Siya'y umupa rin naman ng isang daang libong makapangyarihang lalake na matatapang na mula sa Israel sa halagang isang daang talentong pilak.
7 Nguni't naparoon ang isang lalake ng Dios sa kaniya, na nagsasabi, Oh hari, huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel; sapagka't ang Panginoon ay hindi sumasa Israel, sa makatuwid baga'y sa lahat ng mga anak ni Ephraim.
8 Nguni't kung ikaw ay yayaon, gumawa kang may katapangan, magpakalakas ka sa pakikipagbaka: ibubuwal ka ng Dios sa harap ng kaaway: sapagka't ang Dios ay may kapangyarihang tumulong at magbuwal.
9 At sinabi ni Amasias sa lalake ng Dios, Nguni't anong aming gagawin sa isang daang talento na aking ibinigay sa hukbo ng Israel? At ang lalake ng Dios ay sumagot: Ang Panginoon ay makapagbibigay sa iyo ng mahigit kay sa rito.
10 Nang magkagayo'y inihiwalay sila ni Amasias, sa makatuwid baga'y ang hukbo na paparoon sa kaniya na mula sa Ephraim, upang umuwi uli: kaya't ang kanilang galit ay totoong nagalab laban sa Juda, at sila'y nagsiuwi na may malaking galit.
11 At si Amasias ay tumapang, at inilabas ang kaniyang bayan, at naparoon (AC)sa Libis ng Asin, at sumakit sa (AD)mga anak ni Seir ng sangpung libo.
12 At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buháy, at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa't silang lahat ay nagkawaraywaray.
13 Nguni't ang mga lalake ng hukbo na ipinabalik ni (AE)Amasias, upang sila'y huwag magsisunod sa kaniya sa pakikipagbaka, ay nagsidaluhong sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa (AF)Bet-horon, at nanakit sa kanila ng tatlong libo, at nagsikuha ng maraming samsam.
14 Nangyari nga, pagkatapos na si Amasias ay manggaling na mula sa pagpatay sa mga Idumio (AG)na kaniyang dinala ang mga dios ng mga anak ni Seir, at inilagay na maging kaniyang mga dios, at yumukod sa harap ng mga yaon, at nagsunog ng kamangyan sa mga yaon.
15 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Amasias, at siya'y nagsugo sa kaniya ng isang propeta, na sinabi sa kaniya, Bakit mo hinanap ang dios ng bayan na hindi nakapagligtas ng (AH)kanilang sariling bayan sa iyong kamay?
16 At nangyari, habang siya'y nakikipagusap sa kaniya, na sinabi ng hari sa kaniya, Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? umurong ka; bakit ka sasaktan? Nang magkagayo'y umurong ang propeta, at nagsabi, Talastas ko na (AI)pinasiyahan ng Dios na patayin ka, sapagka't iyong ginawa ito, at hindi mo dininig ang aking payo.
Si Amasias ay tinalo ni Joas.
17 Nang magkagayo'y kumuhang payo si (AJ)Amasias na hari sa Juda, at nagsugo kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na nagsabi, Halika, tayo'y magtitigan.
18 At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang dawag na nasa Libano, ay nagsugo sa sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.
19 Ikaw ay nagsasabi, Narito, iyong sinaktan ang Edom; at itinaas ka ng iyong puso upang magmalaki: tumahan ka ngayon sa bahay; bakit ibig mong makialam sa iyong ikapapahamak, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?
20 Nguni't hindi dininig ni Amasias; sapagka't sa Dios, upang sila'y mabigay sa kamay ng kanilang mga kaaway, sapagka't (AK)hinanap nila ang mga dios ng Edom.
21 Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes, na ukol sa Juda.
22 At ang Juda ay nalagay sa kasamasamaan sa harap ng Israel; at sila'y nagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang tolda.
23 At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas, na anak ni (AL)Joachaz, sa Beth-semes, at dinala siya sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa (AM)pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa (AN)pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.
24 At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak, at lahat na sisidlan na nasumpungan sa bahay ng Dios na kay Obed-edom; at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao, at bumalik sa Samaria.
25 (AO)At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel na labing limang taon.
26 Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, na una at huli, narito, di ba nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at sa Israel?
27 Mula sa panahon nga na humiwalay si Amasias sa pagsunod sa Panginoon ay nagsipagbanta sila laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa Lachis, at pinatay siya roon.
28 At dinala siya na nakapatong sa mga kabayo, at inilibing siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ng (AP)Juda.
12 Kaya nga, mga kapatid, (A)ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na (B)inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
2 At (C)huwag kayong magsiayon (D)sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo (E)sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo (F)kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
3 Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na (G)huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, (H)ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.
4 Sapagka't (I)kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
5 Ay gayon din tayo, na (J)marami, ay iisang katawan kay Cristo, at (K)mga sangkap na samasama sa isa't isa.
6 (L)At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung (M)hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;
7 O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;
8 O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
9 Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.
10 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;
11 Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; (N)magmatiyagain sa pananalangin;
13 (O)Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
14 Pagpalain ninyo (P)ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
15 Makigalak kayo sa (Q)nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.
16 (R)Mangagkaisa kayo ng pagiisip. (S)Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. (T)Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
17 (U)Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. (V)Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay (W)magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19 Huwag kayong (X)mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, (Y)Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20 Kaya't (Z)kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon:
Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak;
Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21 (A)Iligtas mo ako sa bibig ng leon;
Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22 (B)Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23 (C)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (D)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (E)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (F)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (G)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (H)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (I)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (J)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978