The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang mga digma ng mga lipi na nasa Jordan.
18 Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma.
19 At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab.
20 At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
21 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo.
22 Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag.
Mga anak ng kalahating lipi ni Manases.
23 At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain: sila'y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon.
24 At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa makatuwid baga'y si Epher, at si Isi, at si Eliel, at si Azriel, at si Jeremias, at si Odavia, at si Jadiel, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga bantog na lalake, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
25 At sila'y nagsisuway laban sa Dios ng kanilang mga magulang, at yumaong sumamba sa mga dios ng mga bayan ng lupain, na nilipol ng Dios sa harap nila.
26 At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.
Mga anak ni Levi.
6 Ang mga anak ni Levi: si Gerson, si Coath, at si Merari.
2 At ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, at si Hebron, at si Uzziel.
3 At ang mga anak ni Amram: si Aaron, at si Moises, at si Mariam. At ang mga anak ni Aaron: si Nadab, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.
4 Naging anak ni (A)Eleazar si Phinees, naging anak ni Phinees si Abisua;
5 At naging anak ni Abisua si Bucci, at naging anak ni Bucci si Uzzi;
6 At naging anak ni Uzzi si Zeraias, at naging anak ni Zeraias si Meraioth;
7 Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;
8 At naging anak ni Achitob si (B)Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas;
9 At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;
10 At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem:)
11 At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;
12 At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum;
13 At naging anak ni Sallum si (C)Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias;
14 At naging anak ni Azarias si (D)Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec;
15 At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem (E)sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.
16 Ang mga (F)anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari.
17 At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.
18 At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel.
19 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
20 Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;
21 Si Joab na kaniyang anak, si Iddo na kaniyang anak, si Zera na kaniyang anak, si Jeothrai na kaniyang anak.
22 Ang mga anak ni Coath: si Aminadab na kaniyang anak, si Core na kaniyang anak, si Asir na kaniyang anak;
23 Si Elcana na kaniyang anak, at si Abiasaph na kaniyang anak, at si Asir na kaniyang anak;
24 Si Thahath na kaniyang anak, si Uriel na kaniyang anak, si Uzzia na kaniyang anak, at si Saul na kaniyang anak.
25 At ang mga anak ni Elcana: si Amasai at si Achimoth.
26 Tungkol kay Elcana, ang mga anak ni Elcana: si Sophai na kaniyang anak, at si Nahath na kaniyang anak;
27 Si Eliab na kaniyang anak, si Jeroham na kaniyang anak, si Elcana na kaniyang anak.
28 At ang mga anak ni Samuel: ang panganay ay si Joel, at ang ikalawa'y si Abias.
29 Ang mga anak ni Merari: si Mahali, si Libni na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak, si Uzza na kaniyang anak;
30 Si Sima na kaniyang anak, si Haggia na kaniyang anak, si Assia na kaniyang anak.
Mga mangaawit na Levita.
31 At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, (G)pagkatapos na maipagpahinga ang kaban.
32 At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili.
33 At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si (H)Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;
34 Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa;
35 Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai;
36 Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias;
37 Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core;
38 Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel.
39 At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima;
40 Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias;
41 Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia;
42 Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi;
43 Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi.
44 At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch;
45 Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias;
46 Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer;
47 Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi.
48 At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay (I)nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios.
Ang mga saserdote na mga Levita.
49 Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay (J)nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, (K)at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at (L)upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.
50 At ang mga ito ang mga (M)anak ni Aaron: si Eleazar na kaniyang anak, si Phinees na kaniyang anak, si Abisua na kaniyang anak,
51 Si Bucci na kaniyang anak, si Uzzi na kaniyang anak, si Zeraias na kaniyang anak,
52 Si Meraioth na kaniyang anak, si Amarias na kaniyang anak, si Achitob na kaniyang anak,
53 Si Sadoc na kaniyang anak, si Achimaas na kaniyang anak.
Ang mga tirahang dako ng mga Levita.
54 Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't (N)sa kanila ang unang palad.)
55 (O)Sa kanila ibinigay nila ang Hebron sa lupain ng Juda, at ang mga nayon niyaon sa palibot,
56 Nguni't ang mga bukid ng bayan, at ang mga nayon niyaon, ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone.
57 At sa mga anak ni Aaron ay kanilang ibinigay ang mga bayang ampunan, ang Hebron; gayon din ang Libna pati ng mga nayon niyaon, at ang Jathir, at ang Esthemoa pati ng mga nayon niyaon:
58 At ang Hilem pati ng mga nayon niyaon, ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
59 At ang Asan pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon:
60 At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.
61 At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng (P)sapalaran, sa angkan ng lipi, sa kalahating lipi, na kalahati ng Manases, sangpung bayan.
62 At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan.
63 Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, labing dalawang bayan.
64 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati ng mga nayon niyaon.
65 At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, at sa lipi ng mga anak ni Benjamin, ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan.
Ang mga bayan ng mga Levita.
66 (Q)At ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Coath ay may mga bayan sa kanilang mga hangganan na mula sa lipi ni Ephraim.
67 At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan: ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon.
68 At ang Jocmeam pati ng mga nayon niyaon, at ang Bet-horon pati ng mga nayon niyaon;
69 At ang Ajalon pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon:
70 At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati ng mga nayon niyaon, at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon, sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath.
71 (R)Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon;
72 At mula sa lipi ni Issachar, ang Cedes pati ng mga nayon niyaon, ang Dobrath pati ng mga nayon niyaon;
73 At ang Ramoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anem pati ng mga nayon niyaon:
74 At mula sa lipi ni Aser; ang Masal pati ng mga nayon niyaon, at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
75 At ang Ucoc pati ng mga nayon niyaon, at ang Rehob pati ng mga nayon niyaon:
76 At mula sa lipi ni Nephtali; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon, at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon.
77 Sa nangalabi sa mga Levita, na (S)mga anak ni Merari, ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon, ang Thabor pati ng mga nayon niyaon:
78 At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silanganan ng Jordan nabigay sa kanila, mula sa lipi ni Ruben, ang Beser sa ilang pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon,
79 At ang Chedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaath pati ng mga nayon niyaon:
80 At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon,
81 At ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon.
26 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo'y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang:
2 Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin.
3 Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga (A)kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako.
4 Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio;
5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa (B)lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
6 At ngayo'y nakatayo ako upang hatulan (C)dahil sa pagasa sa (D)pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang;
7 Dahil sa pangakong ito'y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi't araw, na inaasahang kakamtin. At tungkol sa pagasang ito ako'y isinasakdal ng mga Judio, Oh hari!
8 Bakit inaakala ninyong ito'y hindi mapaniniwalaan, kung binubuhay ng Dios ang mga patay?
9 (E)Tunay na ako ma'y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
10 At ginawa ko (F)rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan (G)ang marami sa mga banal, (H)pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at (I)nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila.
11 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at (J)sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain.
12 Hinggil dito (K)sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote,
13 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko.
14 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis.
15 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.
16 Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;
17 Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, (L)na sa kanila'y sinusugo kita,
18 Upang (M)idilat mo ang kanilang mga mata, (N)upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng (O)kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga (P)mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.
19 Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan:
20 Kundi (Q)nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa (R)Jerusalem din naman, at (S)sa buong lupain ng Judea, at gayon din (T)sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.
21 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin.
22 Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi (U)ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;
23 Kung paano na ang Cristo ay (V)kailangang maghirap, at kung paano na siya (W)muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay (X)ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil.
24 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, (Y)ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.
25 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.
26 Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.
27 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka.
28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging (Z)Cristiano.
29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang (AA)sa mga tanikalang ito.
30 At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si (AB)Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila:
31 At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay (AC)walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala.
32 At sinabi ni Agripa kay Festo, (AD)mapalalaya sana ang taong ito, (AE)kung hindi naghabol kay Cesar.
Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.
6 Oh Panginoon, (A)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(B)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (D)hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
5 (E)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
7 (F)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
8 (G)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978