The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GNT. Switch to the GNT to read along with the audio.
Ang pagtutol ay ipinagbawal.
11 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam.
2 Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi,
3 Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa (A)buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin,
4 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam.
5 At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda.
6 Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa,
7 At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam,
8 At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph,
9 At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha,
10 At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan.
11 At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak.
12 At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.
Ang mga Levita ay nagsiparoon sa Juda.
13 At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan.
14 Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga (B)nayon at ang kanilang pagaari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas (C)sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;
15 (D)At siya'y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako, at (E)sa mga kambing na lalake, at sa mga (F)guya na kaniyang ginawa.
16 (G)At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
17 (H)Sa gayo'y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda, at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon: sapagka't sila'y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon.
Ang sangbahayan ni Roboam.
18 At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni (I)Eliab, na anak ni Isai;
19 At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham.
20 At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya (J)kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith.
21 At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.)
22 At inihalal ni Roboam si (K)Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari.
23 At siya'y kumilos na may katalinuhan, at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi, sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin, hanggang sa bawa't bayang nakukutaan: at binigyan niya sila ng pagkaing sagana. At inihanap niya sila ng maraming asawa.
Ang pagsalakay ni Sisac.
12 At nangyari, nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya'y malakas, na (L)kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon, at ang buong Israel ay kasama niya.
2 (M)At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon,
3 Na may isang libo at dalawang daang karo, at anim na pung libong mangangabayo. At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto; ang mga (N)Lubim, ang mga Sukim, at ang mga taga Etiopia.
4 At sinupok niya ang mga (O)bayang nakukutaan na nauukol sa Juda, at naparoon sa Jerusalem.
5 (P)Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam, at sa mga prinsipe ng Juda, na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inyo akong pinabayaan, kaya't iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac.
6 Nang magkagayo'y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa; at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay matuwid.
7 At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.
8 Gayon ma'y sila'y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala (Q)ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain.
Ang templo ay iginiba.
9 (R)Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na (S)ginawa ni Salomon.
10 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay, na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari.
11 At nangyari, na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon, at ibinabalik sa silid ng bantay.
12 At nang siya'y magpakumbaba, ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya, na anopa't siya'y hindi lubos na pinatay: at bukod dito'y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay.
13 Sa gayo'y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari: sapagka't si Roboam ay may apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem, na (T)bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.
14 At siya'y gumawa ng masama, sapagka't hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon.
Ang kamatayan ni Roboam.
15 (U)Ang mga gawa nga ni Roboam, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni (V)Semeias na propeta at ni (W)Iddo na tagakita, ayon sa (X)ayos ng mga talaan ng lahi? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam.
16 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David: (Y)at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Si Abias ay naghari.
13 Nang ikalabing walong taon ng haring Jeroboam ay nagpasimula si Abias na maghari sa Juda.
2 Tatlong taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay (Z)Michaia na anak ni Uriel na taga Gabaa. (AA)At nagkaroon ng digmaan si Abias at si Jeroboam.
3 At si Abias ay nagpisan sa pakikipagbaka ng isang hukbo na matatapang na lalaking mangdidigma, na apat na raang libo, na mga piling lalake: at humanay si Jeroboam sa pakikipagbaka laban sa kaniya na may walong daang libo, na piling mga lalake, na mga makapangyarihang lalaking may tapang.
4 At si Abias ay tumayo sa bundok ng (AB)Semaraim, na nasa (AC)lupaing maburol ng Ephraim, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Jeroboam at buong Israel;
5 Hindi ba ninyo nalalaman na (AD)ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, ang kaharian sa Israel kay David magpakailan man, sa kaniya at sa kaniyang mga anak, sa pamamagitan ng tipan na asin?
6 Gayon ma'y si Jeroboam na anak ni Nabat, na lingkod ni Salomon na anak ni David, ay tumindig, at nanghimagsik laban sa kaniyang panginoon.
7 At napisan sa kaniya ay mga walang kabuluhang lalake, na mga hamak na tao, na nangagpakatibay laban kay Roboam na anak ni Salomon, nang si Roboam ay (AE)bata at malumanay na puso, at hindi makapanaig sa kanila.
8 At ngayo'y inyong inaakalang daigin (AF)ang kaharian ng Panginoon sa kamay ng mga anak ni David; at kayo'y isang malaking karamihan, at mayroon kayong mga gintong guya, na ginawang (AG)mga dios sa inyo ni Jeroboam.
9 (AH)Hindi ba ninyo pinalayas ang mga saserdote ng Panginoon, na mga anak ni Aaron, at ang mga Levita, at (AI)kayo'y naghalal ng mga saserdote na ayon sa kaugalian ng mga bayan ng mga ibang lupain? na anopa't sinomang naparoroon upang tumalaga sa pamamagitan ng isang (AJ)guyang baka, at pitong lalaking tupa, yao'y maaaring saserdote sa mga yaon na hindi mga dios.
10 Nguni't tungkol sa amin, ang Panginoon ay ang aming Dios, at hindi namin pinabayaan siya; at mayroon kaming mga saserdote na nagsisipangasiwa sa Panginoon, ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita sa kanilang gawain:
11 (AK)At sila'y nagsisipagsunog sa Panginoon tuwing umaga at tuwing hapon ng mga handog na susunugin at ng mainam na kamangyan: ang tinapay na handog naman ay inihanay nila sa dulang na dalisay; at ang kandelerong ginto na may mga ilawan, (AL)upang magsipagningas tuwing hapon: sapagka't aming iningatan ang bilin ng Panginoon naming Dios; nguni't pinabayaan ninyo siya.
12 At, narito, ang Dios ay nangungulo sa amin, at ang kaniyang mga saserdote (AM)ay mga may pakakak na panghudyat, upang mangagpatunog ng hudyat laban sa iyo. Oh mga anak ni Israel, huwag kayong mangakipaglaban sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang; sapagka't kayo'y hindi magsisiginhawa.
Pakikipagdigma kay Jeroboam. Tinalo ang Israel.
13 Nguni't pinaligid sa likuran nila ni Jeroboam ang isang kawal na bakay: na anopa't sila'y nangasa harap ng Juda, at ang bakay ay nasa likuran nila.
14 At nang ang Juda ay lumingon, narito, ang pagbabaka'y nasa harap at likuran nila: at sila'y nagsidaing sa Panginoon, at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak.
15 Nang magkagayo'y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda: at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda, nangyari, na (AN)sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda.
16 At ang mga anak ni Israel ay nagsitakas sa harap ng Juda: at ibinigay ng Dios sila sa kanilang kamay.
17 At pinatay sila ni Abias at ng kaniyang bayan ng malaking pagpatay: sa gayo'y nangabuwal na patay sa Israel ay limang daang libo na piling mga lalake.
18 Ganito nangasakop ang mga anak ni Israel nang panahong yaon, at ang mga anak ni Juda ay nagsipanaig, (AO)sapagka't sila'y nagsitiwala sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
19 At hinabol ni Abias si Jeroboam, at inagawan siya ng mga bayan, ang (AP)Beth-el pati ng mga nayon niyaon, at ang Jesana pati ng mga nayon niyaon at ang Ephron pati ng mga nayon niyaon.
20 Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias: (AQ)at sinaktan siya ng Panginoon (AR)at siya'y namatay.
21 Nguni't si Abias ay naging makapangyarihan, at nagasawa ng labing apat, at nagkaanak ng dalawang pu't dalawang lalake, at labing anim na babae.
22 At ang iba sa mga gawa ni Abias, at ang kaniyang mga lakad, at ang kaniyang mga sabi ay nangakasulat sa kasaysayan ni (AS)Iddo na propeta.
26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: (A)sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't (B)ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;
27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang (C)namamagitan dahil sa mga banal (D)alinsunod sa kalooban ng Dios.
28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (E)alinsunod sa kaniyang nasa.
29 Sapagka't (F)yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, (G)ay itinalaga naman niya (H)na maging katulad (I)ng larawan ng kaniyang Anak, (J)upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:
30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang (K)tinawag naman: at ang mga tinawag ay (L)inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay (M)niluwalhati din naman niya.
31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
32 Siya, na hindi ipinagkait (N)ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?
33 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa (O)mga hirang ng Dios? (P)Ang Dios ay ang umaaring-ganap;
34 Sino (Q)ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na (R)siyang nasa kanan ng Dios, (S)na siya namang namamagitan dahil sa atin.
35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36 Gaya ng nasusulat,
(T)Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito (U)tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga (V)pamunuan, kahit (W)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa (X)pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
37 Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila:
Hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol.
38 Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo:
Sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa.
39 Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka:
Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
40 Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway,
Upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin.
41 Sila'y nagsihiyaw, nguni't walang magligtas:
(A)Pati sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
42 Nang magkagayo'y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin:
(B)Aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan.
43 (C)Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan;
(D)Iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa:
(E)Isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
44 (F)Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako;
Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
45 Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka,
At sila'y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako.
46 Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato;
At dakilain ang Dios ng aking kaligtasan:
47 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako,
At (G)nagpapasuko ng mga bayan sa akin.
48 Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway:
Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin:
Iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao.
49 (H)Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
At aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.
50 (I)Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari;
At nagpapakita ng kagandahang-loob sa (J)kaniyang pinahiran ng langis.
Kay David at sa kaniyang binhi (K)magpakailan man.
27 Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral
Na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman.
28 Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan:
At (A)ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
29 Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak,
(B)At ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978