The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon.
19 At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.
20 At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.
21 At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya.
22 At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad.
23 At sinakop ni Gesur at ni Aram (A)ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.
24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa.
Ang mga anak ni Juda:—ni Jerameel; ni Caleb; at ni David.
25 At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia.
26 At si Jerameel ay nagasawa ng iba, na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.
27 At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar.
28 At ang mga anak ni Onam ay si Sammai, at si Jada. At ang mga anak ni Sammai: si Nadab, at si Abisur.
29 At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib.
30 At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak.
31 At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. (B)At ang mga anak ni Sesan: si Alai.
32 At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak.
33 At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.
34 Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha.
35 At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya.
36 At naging anak ni Athai si Nathan, at naging anak ni Nathan si Zabad;
37 At naging anak ni Zabad si Ephlal, at naging anak ni Ephlal, si Obed.
38 At naging anak ni Obed si Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias;
39 At naging anak ni Azarias si Heles, at naging anak ni Heles si Elasa;
40 At naging anak ni Elasa si Sismai, at naging anak ni Sismai si Sallum;
41 At naging anak ni Sallum si Jecamia, at naging anak ni Jecamia si Elisama.
42 At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron.
43 At ang mga anak ni Hebron: si Core, at si Thaphua, at si Recem, at si Sema.
44 At naging anak ni Sema si Raham, na ama ni Jorcaam; at naging anak ni Recem si Sammai.
45 At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur.
46 At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.
47 At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph.
48 Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.
49 Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha.
50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay (C)ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;
51 Si Salma na ama ni Beth-lehem, si Hareph na ama ni Beth-gader.
52 At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.
53 At ang mga angkan ni Chiriathjearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita.
54 Ang mga anak ni Salma: ang Beth-lehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita.
55 At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito (D)ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng (E)sangbahayan ni Rechab.
Mga anak ni Juda (karugtong).
3 Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si (F)Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;
2 Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;
3 Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.
4 Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; (G)at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: (H)At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.
5 (I)At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:
6 At si Ibaar, at si (J)Elisama, at si Eliphelet;
7 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;
8 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;
9 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si (K)Thamar ay kanilang kapatid na babae.
10 At ang anak ni Solomon ay si (L)Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;
11 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;
12 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;
13 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;
14 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.
15 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.
16 At ang mga anak ni Joacim: si (M)Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.
17 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si (N)Salathiel na kaniyang anak,
18 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.
19 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:
20 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.
21 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.
22 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.
23 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.
24 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.
Mga anak ni Juda (karugtong).
4 Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.
2 At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita.
3 At ito ang mga anak ng ama ni Etham: si Jezreel, at si Isma, at si Idbas: at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi:
4 At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na (O)ama ni Beth-lehem.
24 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si (A)Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila'y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo.
2 At nang siya'y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi,
Yamang dahil sa iyo'y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan,
3 Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, kagalanggalang na Felix, ng buong pagpapasalamat.
4 Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita.
5 Sapagka't nangasumpungan namin (B)ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno:
6 Na kaniya (C)rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli:[a](D)(E)
8 Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.
9 At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga.
10 At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot,
Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang:
11 Sapagka't napagtatalastas mo na (F)wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba:
12 At ni hindi nila ako nasumpungan sa (G)templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.
13 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.
14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon (H)ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.
16 Na dahil nga rito'y lagi rin (I)akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.
17 At nang makaraan nga (J)ang ilang mga taon ay (K)naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain:
18 Na ganito nila ako nasumpungang (L)pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia—
19 Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin.
20 O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila (M)nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin,
21 Maliban na sa isang tinig na ito na (N)aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.
22 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol (O)sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni (P)Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.
23 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at (Q)huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.
24 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
25 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at (R)pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.
26 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng (S)salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.
27 Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix (T)na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo.
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (A)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (B)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(C)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (D)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(E)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (F)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (G)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
16 (A)Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya,
At dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao.
17 Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap;
Nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.
18 Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo,
At naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978