The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.
Ang habilin ni David kay Salomon.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni David, (A)Ito ang bahay ng Panginoong Dios, at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel.
2 At iniutos ni David na pisanin ang mga (B)taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel; at siya'y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato, upang itayo ang bahay ng Dios.
3 At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan, at sa mga sugpong; at tanso na sagana na walang timbang;
4 At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga (C)Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana.
5 At sinabi ni David, (D)Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan.
6 Nang magkagayo'y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak, at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
7 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Tungkol sa akin, (E)na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios.
8 Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, (F)Ikaw ay nagbubo ng dugo na sagana, at (G)gumawa ng malaking pagdidigma: huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay nagbubo ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin:
9 Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking (H)mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:
10 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at (I)siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.
11 Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay sumaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo.
12 Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios.
13 (J)Kung magkagayo'y giginhawa ka, kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel: (K)ikaw ay magpakalakas at magpakatapang; huwag kang matakot o manglupaypay man.
14 Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng (L)isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan.
15 Bukod dito'y may kasama kang mga manggagawa na sagana, mga mananabas ng bato at manggagawa sa bato at sa kahoy, at lahat ng mga tao na bihasa sa anoman gawain;
16 Sa ginto, sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, walang bilang. Ikaw ay bumangon at iyong gawin, at ang Panginoon ay sumaiyo.
17 Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak, na sinasabi,
18 Hindi ba ang Panginoon ninyong Dios ay sumasainyo? at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat na dako? sapagka't kaniyang ibinigay ang mga nananahan sa lupain sa aking kamay; at ang lupain ay suko sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang bayan.
19 Ngayo'y inyong ilagak ang inyong puso at ang inyong kaluluwa upang hanaping sundin ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y bumangon nga, (M)at itayo ninyo ang santuario ng Panginoong Dios, upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon, at ang mga banal na kasangkapan ng Dios, sa loob ng bahay na itatayo sa pangalan ng Panginoon.
Itinatag ni David ang katungkulan ng mga Levita.
23 Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: (N)at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.
2 At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita.
3 At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon (O)na patanda: at ang kanilang bilang, (P)ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay (Q)tatlongpu't walong libo.
4 Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga (R)pinuno at mga hukom:
5 At apat na libo ay tagatanodpinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.
6 At (S)hinati sila ni David sa (T)mga hanay ayon sa mga (U)anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.
7 (V)Sa mga Gersonita: si (W)Ladan, at si Simi.
8 Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.
9 Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.
10 At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi.
11 At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang.
12 Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat.
13 Ang mga anak ni (X)Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay (Y)nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang (Z)bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man.
14 Nguni't tungkol kay Moises na (AA)lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak (AB)ay ibinilang na lipi ni Levi.
15 (AC)Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer.
16 Ang mga anak ni Gerson: si (AD)Sebuel na pinuno.
17 At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami.
18 Ang mga anak ni Ishar: si (AE)Selomith na pinuno.
19 Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.
20 Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa.
21 (AF)Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis.
22 At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis.
23 Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo.
24 Ang mga ito ang mga anak ni (AG)Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga (AH)nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, (AI)mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.
25 Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:
26 At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin (AJ)ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.
27 Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.
28 Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;
29 Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;
30 At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon;
31 At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga (AK)takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:
32 At sila ang magsisipagingat ng (AL)katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at (AM)ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
9 Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, (A)na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;
10 Gaya ng nasusulat,
(B)Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11 Walang nakatatalastas,
Walang humahanap sa Dios;
12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13 Ang kanilang lalamunan (C)ay isang libingang bukas;
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila:
(D)Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14 Ang kanilang bibig (E)ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15 Ang kanilang mga paa (F)ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18 Walang pagkatakot sa Dios (G)sa harap ng kanilang mga mata.
19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; (H)upang matikom ang bawa't bibig, at (I)ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa (J)ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't (K)sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.
21 Datapuwa't ngayon (L)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;
22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (M)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (N)walang pagkakaiba;
23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (O)ng kaniyang biyaya (P)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:
25 Na siyang inilagay ng Dios (Q)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (R)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (S)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.
27 (T)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.
28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (U)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:
30 Kung gayon (V)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (W)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978