Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 11:1-12:18

Si David ay ginawang hari ng buong Israel.

11 Nang magkagayo'y ang (A)buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron, na nagsasabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman.

Nang mga panahong nakaraan, sa makatuwid baga'y nang si Saul ay hari, ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel: at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios, Iyong aalagaan ang aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel.

Sa gayo'y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon, at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel, (B)ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.

Sinakop ni David ang Sion.

At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon.

At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.

At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay (C)magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno.

At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.

At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot, mula sa Millo hanggang sa palibot: at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan.

At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya.

Ang mga makapangyarihang lalake ni David.

10 (D)Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.

11 At ito ang bilang ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: si Jasobam, na anak ng isang Hachmonita, na pinuno ng tatlongpu; siya ang nagtaas ng kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila na paminsan.

12 At pagkatapos niya ay si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita, na isa sa tatlong makapangyarihang lalake.

13 Siya'y kasama ni David sa (E)Pasdammin, at doo'y ang mga Filisteo ay nagpipisan upang bumaka, na kinaroroonan ng isang putol na lupa na puno ng sebada; at ang bayan ay tumakas sa harap ng mga Filisteo.

14 At sila'y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang, at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay.

15 At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno, sa loob ng yungib ni Adullam; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim.

16 At si David nga ay nasa katibayan, at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Beth-lehem noon.

17 At si David ay nagbuntonghininga, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Beth-lehem na mainom, na nasa siping ng pintuang-bayan!

18 At ang tatlo'y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Beth-lehem na nasa siping ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David: nguni't hindi ininom ni David yaon, kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon.

19 At sinabi, Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay? sapagka't sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala. Kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake.

20 At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.

21 Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.

22 Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe.

23 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.

24 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.

25 Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.

26 Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Beth-lehem:

27 Si Samoth na Arorita, si Helles na (F)Pelonita;

28 Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;

29 Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;

30 Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;

31 Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.

32 Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;

33 Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;

34 Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;

35 Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur;

36 Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita;

37 Si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai;

38 Si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Agrai,

39 Si Selec na Ammonita, si Naarai na Berothita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;

40 Si Ira na Ithrita, si Yared na Ithrita:

41 Si Uria na Hetheo, si Zabad na anak ni Ahli;

42 Si Adina na anak ni Siza na Rubenita, na pinuno ng mga Rubenita, at tatlongpu ang kasama niya;

43 Si Hanan na anak ni Maacha, at si Josaphat na Mithnita;

44 Si Uzzias na Astarothita, si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotham na Arorita;

45 Si Jediael na anak ni Simri; at si Joha na kaniyang kapatid, na Thisaita;

46 Si Eliel na Mahavita, at si Jeribai, at si Josabias na mga anak ni Elnaam, at si Ithma na Moabita;

47 Si Eliel, at si Obed, at si Jaasiel, na taga Mesobiata.

Ang mga kaibigan ni David sa Siclag.

12 Ang mga ito nga ang nagsiparoon kay David (G)sa Siclag, samantalang siya'y nagkukubli pa dahil kay Saul na anak ni Cis: at sila'y nasa mga makapangyarihang lalake, na kaniyang mga katulong sa pakikipagdigma.

Sila'y nasasakbatan ng mga busog, at kanilang ginagamit kapuwa ang kanang kamay at kaliwa sa pagpapahilagpos ng mga bato, at sa pagpapahilagpos ng mga pana mula sa busog; sila'y sa mga kapatid ni Saul sa Benjamin.

Ang pinuno ay si Ahiezer, saka si Joas, na mga anak ni Semaa na Gabaathita; at si Jeziel, at si Pheleth, na mga anak ni Azmaveth; at si Beraca, at si Jehu na Anathothita;

At si Ismaias na Gabaonita, na makapangyarihang lalake sa tatlongpu, at pinuno ng tatlongpu; at si Jeremias, at si Jahaziel, at si Joanan, at si Jozabad na Gederathita;

Si Eluzai, at si Jeremoth, at si Bealias, at si Semarias, at si Sephatias na Haruphita;

Si Elcana, at si Isias, at si Azareel, at si Joezer, at si Jasobam, na mga Corita:

At si Joela, at si Zebadias, na mga anak ni Jeroham na taga Gedor.

Ang mga Gadita na nagsisunod kay David.

At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang, ang mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga lalaking bihasa sa pakikidigma, na makahahawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok;

Si Eser ang pinuno, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo;

10 Si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima;

11 Si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito;

12 Si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam;

13 Si Jeremias ang ikasangpu, si Machbani ang ikalabingisa.

14 Ang mga ito sa mga anak ni Gad ay mga pinunong kawal ng hukbo; ang pinakamaliit ay katimbang ng isang daan, at ang pinakamalaki ay ng isang libo.

15 Ang mga ito ang nagsitawid sa Jordan sa unang buwan, nang apawan ang lahat niyang mga pangpang; at kanilang pinatakas ang lahat na sa mga libis, ang sa dakong silanganan, at gayon din ang sa dakong kalunuran.

16 At nagsiparoon ang ilan sa mga anak ni Benjamin at ni Juda sa katibayan kay David.

17 At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin.

18 Nang magkagayo'y ang Espiritu ay dumating kay (H)Amasai, na siyang pinuno ng tatlongpu, at sinabi niya, Iyo kami, David, at para sa iyo, ikaw anak ni Isai: kapayapaan, kapayapaan ang sumaiyo, at kapayapaan ang sumaiyong mga katulong; sapagka't tinutulungan ka ng iyong Dios. Nang magkagayo'y tinanggap ni David sila, at ginawa silang mga pinunong kawal ng pulutong.

Mga Gawa 28

28 At nang kami'y mangakatakas na, (A)nang magkagayo'y napagtalastas namin na ang pulo'y tinatawag na Melita.

(B)At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro: sapagka't sila'y nagsiga, at tinanggap kaming lahat, dahil sa ulan niyaon, at dahil sa ginaw.

Datapuwa't pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay.

At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, ay nagsabi ang isa sa iba, (C)Walang salang mamamatay-tao ang taong ito, na, bagama't siya'y nakatakas sa dagat, gayon ma'y hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan.

Gayon ma'y ipinagpag niya ang hayop sa apoy, at siya'y (D)hindi nasaktan.

Nguni't kanilang hinihintay na siya'y mamaga, o biglang mabuwal na patay: datapuwa't nang maluwat na silang makapaghintay, at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman, ay nangagbago sila ng akala, at (E)nangagsabing siya'y isang dios.

At sa mga kalapit ng dakong yao'y may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon, na nagngangalang Publio; na tumanggap sa amin, at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob.

At nangyari, nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti: at pinasok siya ni Pablo, at (F)nanalangin, at nang maipatong (G)sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siya'y pinagaling.

At nang magawa na ito, ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo, at pawang pinagaling:

10 Kami nama'y kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal; at nang magsilayag kami, ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin.

11 At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa (H)isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo, na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.

12 At nang dumaong kami sa Siracusa, ay nagsitigil kami roong tatlong araw.

13 At mula doo'y nagsiligid kami, at nagsirating sa Regio: at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang timugan, at nang ikalawang araw ay nagsirating kami sa Puteoli;

14 Na doo'y nakasumpong kami (I)ng mga kapatid, at kami'y pinakiusapang matira sa kanilang pitong araw: at sa gayo'y nagsirating kami sa Roma.

15 At buhat doo'y pagkabalita ng mga kapatid, ay sinalubong kami sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan; na nang sila'y makita ni Pablo, ay nagpasalamat sa Dios, at lumakas ang loob.

16 At nang mangakapasok kami sa Roma, (J)si Pablo ay pinahintulutang mamahay na magisa na kasama ng kawal na sa kaniya'y nagbabantay.

17 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio: at nang sila'y mangagkatipon na, ay sinabi niya sa kanila, Ako, mga kapatid, bagaman (K)wala akong ginawang anoman laban sa bayan, o sa mga kaugalian ng ating mga magulang, (L)ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma:

18 Na, nang ako'y kanilang masulit na, (M)ay ibig sana nila akong palayain, sapagka't wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan.

19 Datapuwa't nang magsalita laban dito ang mga Judio, (N)ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa.

20 Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin: sapagka't (O)dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang (P)ito.

21 At sinabi nila sa kaniya, Kami'y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo.

22 Datapuwa't ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip: sapagka't tungkol sa (Q)sektang ito'y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan.

23 At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila'y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan (R)ang kaharian ng Dios, (S)at sila'y hinihikayat tungkol kay Jesus, (T)sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.

24 At (U)ang mga iba'y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi, at ang mga iba'y hindi nagsipaniwala.

25 At nang sila'y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,

26 Na sinasabi,

Pumaroon (V)ka sa bayang ito, at sabihin mo,
Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
27 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik-loob,
At sila'y aking pagalingin.

28 Maging hayag nawa sa inyo, na ang (W)kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala (X)sa mga Gentil: sila'y makikinig[a]naman.

30 At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya'y nagsisipagsadya,

31 Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo (Y)ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya.

Mga Awit 9:1-12

Awit ng pagpapasalamat sa katarungan ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Muth-labben. Awit ni David.

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso;
Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
Ako'y magpapakasaya at (A)magpapakagalak sa iyo:
Ako'y aawit ng pagpuri sa (B)iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik,
Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap;
Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama,
(C)Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man;
At ang mga siyudad na iyong dinaig,
Ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
Nguni't ang (D)Panginoon ay nauupong hari magpakailan man:
Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
At (E)hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan,
Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,
Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay (F)maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:
(G)Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 Sapagka't siyang (H)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.

Mga Kawikaan 19:1-3

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

19 Maigi (A)ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat
Kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.
Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti;
At siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.
Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad;
At ang kaniyang puso ay nagagalit (B)laban sa Panginoon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978