Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Cronica 26:12-27:34

12 Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto, sa makatuwid baga'y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon.

13 At sila'y (A)nangagsapalaran, gayon ang (B)maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.

14 At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay (C)Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.

15 Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.

16 Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.

17 Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.

18 Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.

19 Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.

Ang tagapamahala ng kayamanan sa templo.

20 At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.

21 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita; si (D)Jehieli.

22 Ang mga anak ni Jehieli: si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid, sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon.

23 Sa mga Amramita, sa mga Isharita, sa mga Hebronita, sa mga Uzzielita:

24 At si Sebuel na anak ni Gerson, na anak ni Moises, ay puno sa mga ingatang-yaman.

25 At ang kaniyang mga kapatid kay Eliezer ay nanggaling si Rehabia na kaniyang anak, at si Isaias na kaniyang anak, at si Joram na kaniyang anak, at si Zichri na kaniyang anak, at si Selomith na kaniyang anak.

26 Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na (E)itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo.

27 Ang samsam na pinanalunan sa pakikipagbaka, ay kanilang itinalaga upang ayusin ang bahay ng Panginoon.

28 At lahat na itinalaga ni (F)Samuel na tagakita, at ni Saul na anak ni Cis, at ni (G)Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Sarvia; ang (H)anomang bagay na itinalaga ninoman ay nasa ilalim ng pamamahala ni Selomith, at ng kaniyang mga kapatid.

29 Sa mga Isharita, si Chenania at ang kaniyang mga anak ay mga tagapamahala at hukom sa mga (I)gawain sa labas ng Israel.

30 Sa mga Hebronita, si (J)Hasabias, at ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, na isang libo't pitong daan, ay nangamamahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari.

31 Sa mga Hebronita ay si (K)Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa (L)Jazer ng Galaad.

32 At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, (M)sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari.

Mga punong kawal.

27 Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si (N)Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan.

At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si (O)Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si (P)Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ito yaong Benaias na siyang (Q)makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak.

Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si (R)Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si (S)Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

10 Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si (T)Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

11 Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si (U)Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

12 Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si (V)Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

13 Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si (W)Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

14 Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si (X)Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

15 Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si (Y)Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Mga tagapamahala sa mga lipi.

16 Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha.

17 Sa Levi, si (Z)Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si (AA)Sadoc;

18 Sa Juda, si (AB)Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael:

19 Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel:

20 Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia:

21 Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner.

22 Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel.

23 Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng (AC)Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.

24 Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, (AD)nguni't hindi natapos; at (AE)dumating sa Israel ang pagiinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David.

Ang mga taga ingat-yaman ng haring si David.

25 At nasa mga ingatang-yaman ng hari, si Azmaveth na anak ni Adiel: at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, at sa mga nayon, at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias:

26 At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud:

27 At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita:

28 At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:

29 At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai:

30 At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.

31 Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pagaari ng haring David.

Ang mga kasangguni ni David.

32 At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:

33 (AF)At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si (AG)Husai na Archita ay kaibigan ng hari:

34 At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias, at si Abiathar: at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab.

Roma 4:13-5:5

13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa (A)ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.

14 Sapagka't (B)kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:

15 Sapagka't (C)ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung (D)saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.

16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon (E)sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, (F)na ama nating lahat.

17 (Gaya ng nasusulat, (G)Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, (H)na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa (I)mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.

18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, (J)Magiging gayon ang iyong binhi.

19 At hindi humina sa pananampalataya (K)na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;

20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,

21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako (L)ay may kapangyarihang makagawa noon.

22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.

23 Ngayo'y (M)hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;

24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya (N)sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,

25 Na ibinigay (O)dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa (P)ikaaaring-ganap natin.

Yaman nga na (Q)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (R)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (S)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (T)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman (U)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (V)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

At ang katiyagaan, (W)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

At ang pagasa ay (X)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Mga Awit 14

Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

14 (A)Ang (B)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(C)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(D)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
(E)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(F)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(G)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (H)kanlungan.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (I)sa Sion!
Kung (J)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.

Mga Kawikaan 19:17

17 Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa (A)Panginoon,
At ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978