The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang buong Israel at Juda ay pinaparoon sa Jerusalem upang ipangilin ang paskua ng Panginoon.
30 At si Ezechias ay nagsugo sa buong Israel at Juda, at sumulat ng mga liham naman sa Ephraim at Manases, na sila'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
2 Sapagka't ang hari ay nakipagsanggunian, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong kapisanan sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa (A)ikalawang buwan.
3 (B)Sapagka't hindi nila maipangilin sa panahong yaon, (C)sapagka't ang mga saserdote ay hindi nangagpakabanal sa sukat na bilang, ni nagsipisan man ang bayan sa Jerusalem.
4 At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan.
5 Sa gayo'y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel (D)mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila'y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagka't hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat.
6 Sa gayo'y ang mga (E)mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel (F)manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng (G)mga hari sa Asiria.
7 At kayo'y huwag maging gaya ng inyong mga magulang, at gaya ng inyong mga kapatid, na nagsisalangsang laban sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, na anopa't ibinigay niya sila sa pagkapahamak, gaya ng inyong nakikita.
8 Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang (H)ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.
9 Sapagka't kung kayo'y manumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng (I)habag sa harap nilang nagsibihag, at magsisibalik sa lupaing ito: sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay (J)mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y manumbalik sa kaniya.
10 Sa gayo'y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng (K)Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon: nguni't sila'y tinatawanang mainam, at tinutuya sila.
11 Gayon ma'y (L)ang iba sa Aser, at sa Manases, at sa Zabulon ay nangagpakumbaba, at nagsiparoon sa Jerusalem.
12 Suma Juda naman ang kamay ng Dios upang papagisahing puso sila upang gawin ang utos ng hari at ng mga prinsipe sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.
13 At nagpupulong sa Jerusalem ang maraming tao upang ipagdiwang ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa (M)ikalawang buwan, na isang totoong malaking kapisanan.
14 At sila'y nagsitindig at inalis ang mga (N)dambana na nangasa Jerusalem, at ang lahat na dambana na ukol sa kamangyan ay inalis nila, at (O)kanilang inihagis sa batis ng Cedron.
15 Nang magkagayo'y kanilang pinatay ang kordero ng paskua nang ikalabing apat ng ikalawang buwan: at ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangapahiya, at nangagpakabanal, at nangagdala ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon.
16 At sila'y nagsitayo sa kanilang dako ayon sa kanilang ayos, ayon sa kautusan ni Moises na (P)lalake ng Dios: iniwisik ng mga saserdote ang dugo, na kanilang tinanggap sa kamay ng mga Levita.
17 Sapagka't marami sa kapisanan na hindi nangagpakabanal; kaya't ang mga Levita ang may katungkulan ng pagpatay sa kordero ng paskua na ukol sa bawa't isa na hindi malinis, upang mga italaga sa Panginoon.
18 Sapagka't isang karamihan (Q)sa bayan, sa makatuwid baga'y marami sa Ephraim at sa Manases, sa Issachar, at sa Zabulon, ay hindi nangagpakalinis, gayon ma'y nagsikain sila ng kordero ng paskua na hindi gaya (R)ng nasusulat. Sapagka't idinalangin sila ni Ezechias, na sinasabi, Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawa't isa.
19 (S)Na naglalagak ng kaniyang puso upang hanapin ang Dios, ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang, bagaman hindi siya nalinis ng ayon sa paglilinis sa santuario.
20 At dininig ng Panginoon si Ezechias, at pinagaling ang bayan.
21 At ang mga anak ni Israel na nakaharap sa Jerusalem ay nagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na (T)pitong araw, na may malaking kasayahan: at ang mga Levita at ang mga saserdote ay nagsipuri araw-araw sa Panginoon na nagsisiawit na may matunog na panugtog sa Panginoon.
22 At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita (U)sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon. Sa gayo'y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw, na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at (V)nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
23 At ang buong kapisanan ay nagsanggunian upang magdiwang ng ibang (W)pitong araw: at sila'y nangagdiwang ng ibang pitong araw na may kasayahan.
24 Sapagka't si Ezechias na hari sa Juda ay nagbigay sa kapisanan ng pinakahandog na isang libong baka at pitong libong tupa; at ang mga prinsipe ay nangagbigay sa kapisanan ng isang libong baka at sangpung libong tupa; at lubhang maraming bilang ng mga saserdote ay (X)nangagpakabanal.
25 At ang buong kapisanan ng Juda, pati ng mga saserdote at mga Levita, at ang buong kapisanan (Y)na lumabas sa Israel, at ang mga taga ibang lupa na nagsilabas sa lupain ng Israel, at nagsitahan sa Juda, ay nangagalak.
26 Sa gayo'y nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem: sapagka't (Z)mula sa panahon ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel, ay hindi nagkaroon ng gayon sa Jerusalem.
27 Nang magkagayo'y (AA)ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at (AB)binasbasan ang bayan: at ang kanilang tinig ay narinig, at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na (AC)tahanan, hanggang sa langit.
Pinaram ang idolatria.
31 Nang matapos nga ang lahat ng ito, ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda, at (AD)pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at ibinuwal ang mga Asera, at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin, sa Ephraim man at sa Manases, hanggang sa kanilang naigibang lahat. Nang magkagayo'y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik, bawa't isa'y sa kaniyang pagaari, sa kanilang sariling mga bayan.
2 At inihalal ni Ezechias (AE)ang mga bahagi ng mga saserdote, at ng mga Levita ayon sa kanilang pagkakabahagi, bawa't lalake ay ayon sa kaniyang katungkulan, ang mga saserdote at gayon din ang mga Levita, (AF)na ukol sa mga handog na susunugin at sa mga handog tungkol sa kapayapaan, upang magsipangasiwa, at upang mangagpasalamat, at upang mangagpuri sa mga pintuang-daan ng hantungan ng Panginoon.
3 Itinakda naman niya ang bahagi ng hari sa kaniyang pagaari na ukol sa mga handog na susunugin, sa makatuwid baga'y sa mga handog na susunugin (AG)sa umaga at sa hapon, at ang mga handog na susunugin sa mga (AH)sabbath, at sa mga (AI)bagong buwan, at sa mga (AJ)takdang kapistahan, na gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon.
4 Bukod dito'y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem, (AK)na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita, (AL)upang magsitalaga sa (AM)kautusan ng Panginoon.
5 At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo, alak, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana.
6 At ang mga anak ni Israel at ni Juda, na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, sila nama'y nangagdala ng ikasangpung bahagi ng mga baka at mga tupa, at (AN)ng ikasangpung bahagi ng mga itinalagang bagay na mga itinalaga sa Panginoon nilang Dios, at inilagay ang mga yaon na bunton bunton.
7 Nang ikatlong buwan ay nangagpasimula silang naglagay ng pasimula ng mga bunton, at nangatapos sa ikapitong buwan.
8 At nang pumaroon si Ezechias at ang mga prinsipe at makita ang mga bunton, kanilang pinuri ang Panginoon, at ang kaniyang bayang Israel.
9 Nang magkagayo'y nagtanong si Ezechias sa mga saserdote at sa mga Levita tungkol sa mga bunton.
10 At si Azarias na punong saserdote sa (AO)bahay ni Sadoc, ay sumagot sa kaniya, at nagsabi, Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon, kami ay nagsikain at nangabusog kami, at lumabis ng sagana sapagka't pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito.
Batas tungkol sa handog at ikasangpung bahagi.
11 Nang magkagayo'y nagutos si Ezechias na maghanda ng mga (AP)silid sa bahay ng Panginoon; at inihanda nila.
12 At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi, at ng mga itinalagang bagay, na may pagtatapat. At sa mga yaon (AQ)ay katiwala si Chonanias na Levita, at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa.
13 At si Jehiel, at si Azazias, at si Nahat, at si Asael, at si Jerimoth, at si Josabad, at si Eliel, at si Ismachias, at si Mahaath, at si Benaias, ay mga tagapangasiwa sa kapangyarihan ng kamay ni Chonanias, at ni Simi na kaniyang kapatid, ayon sa pagkahalal ni Ezechias, na hari, at ni Azarias na tagapamahala sa bahay ng Dios.
14 At si Core na anak ni Imna na Levita, na tagatanod-pinto sa silanganang pintuang-daan, ay katiwala sa mga kusang handog sa Dios, upang magbahagi ng mga alay sa Panginoon, at ng mga kabanalbanalang bagay.
15 At nasa kapangyarihan niya si Eden, at si Benjamin, at si Jeshua, at si Semaias, si Amarias, at si Sechanias, sa (AR)mga bayan ng mga saserdote, sa kanilang takdang katungkulan, upang magbigay sa kanilang mga kapatid ng (AS)ayon sa mga bahagi, gayon sa malaki na gaya sa maliit:
16 Bukod doon sa nangabilang sa mga talaan ng lahi ng mga lalake, na mula sa tatlong taong gulang na patanda, sa makatuwid baga'y sa bawa't pumapasok sa bahay ng Panginoon, ayon sa kailangan sa bawa't araw, na ukol sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi.
17 At silang mangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng mga saserdote ayon sa sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang mga Levita (AT)mula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi;
18 At silang nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng lahat nilang mga bata, ng kanilang mga asawa, at ng kanilang mga anak na lalake at babae, sa buong kapisanan: sapagka't sa kanilang takdang katungkulan ay nangagpakabanal:
19 Gayon din sa mga anak ni Aaron na mga saserdote, na nangasa (AU)bukiran ng mga nayon ng kanilang mga bayan, sa bawa't iba't ibang bayan, may (AV)mga lalake na nasaysay sa pangalan, upang magbigay ng mga pagkain sa lahat na lalake na saserdote, at sa lahat na nangabilang ayon sa talaan ng lahi ng mga Levita.
20 At ganito ang ginawa ni Ezechias sa buong Juda; at (AW)siya'y gumawa ng mabuti, at matuwid, at tapat sa harap ng Panginoon niyang Dios.
21 At sa bawa't gawain na kaniyang pinasimulan sa paglilingkod sa bahay ng Dios, at sa kautusan at sa mga utos, upang hanapin ang kaniyang Dios, kaniyang ginawa ng buong puso niya, at guminhawa.
15 (A)Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng (B)kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.
2 Bawa't isa sa atin ay (C)magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti (D)sa ikatitibay.
3 (E)Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, (F)Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.
4 Sapagka't (G)ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis (H)at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.
5 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (I)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
6 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (J)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
7 Sa ganito'y (K)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.
8 Sapagka't sinasabi ko na (L)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (M)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,
(N)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.
10 At muling sinasabi niya,
(O)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
11 At muli,
(P)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
12 At muli, sinasabi ni Isaias,
(Q)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
14 (R)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.
15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (S)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,
16 (T)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (U)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (V)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (W)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,
19 Sa bisa ng mga tanda (X)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (Y)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
21 Kundi, gaya ng nasusulat,
(Z)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
22 Kaya't madalas namang (AA)napigil ako ng pagpariyan sa inyo:
Panalangin sa pagiingat. Pagbabantay, at patawad. Awit ni David.
25 Sa iyo, (A)Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
2 Oh Dios ko (B)sa iyo'y tumiwala ako,
(C)Huwag nawa akong mapahiya;
Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
3 Oo, (D)walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;
Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
4 (E)Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;
Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
5 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;
Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;
Sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
6 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;
(F)Sapagka't magpakailan man mula ng una.
7 (G)Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
8 Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
9 Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.
10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan
Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
11 (H)Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon,
Iyong ipatawad ang aking kasamaan, (I)sapagka't malaki.
12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon?
Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan;
At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
14 (J)Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya;
At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
15 (K)Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon;
Sapagka't (L)huhugutin niya ang aking mga paa (M)sa silo.
13 Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha;
Idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay.
14 Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili:
Nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga.
15 May ginto, at saganang mga rubi:
Nguni't (A)ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978