The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Ang pagtatapat ni Ezra—(karugtong).
10 Habang si (A)Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa (B)harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.
2 At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito.
3 Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga (C)nanginginig sa (D)utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.
4 Bumangon ka: sapagka't bagay na ukol sa iyo, at kami ay sumasaiyo: magpakatapang kang mabuti, at iyong gawin.
5 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at (E)pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ayon sa salitang ito. Sa gayo'y sumumpa sila.
6 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa (F)harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni (G)Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
7 At siya'y gumawa ng pahayag sa Juda't Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag, na sila'y magpipisan sa Jerusalem;
8 At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw, ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda, lahat niyang pagaari ay sasamsamin, at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag.
Ang pagaasawa sa taga ibang lupa ay iniwan.
9 Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.
10 At si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo'y nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang palalain ang sala ng Israel.
11 Ngayon nga'y (H)mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.
12 Nang magkagayo'y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas, Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat naming gawin.
13 Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito.
14 Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang (I)panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos.
15 Si Jonathan lamang na anak ni Asael, at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito: at si Mesullam, at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila.
16 At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag. At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan, ay nangaghiwalay; at sila'y nangaupo sa (J)unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay.
17 At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan.
Mga pangalan noong may mga asawa na taga ibang lupa.
18 At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni (K)Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias.
19 (L)At sila'y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa; at yamang mga salarin, sila'y nangaghandog ng isang lalaking (M)tupa sa kawan dahil sa kanilang sala.
20 At sa mga anak ni Immer; si Hanani at si Zebadias.
21 At sa mga anak ni (N)Harim; si Maasias, at si Elias, at si Semeias, at si Jehiel, at si Uzzias.
22 At sa mga anak ni Phasur; si Elioenai, si Maasias, si Ismael, si Nathanael, si Jozabad at si Elasa.
23 At sa mga Levita; si Jozabad, at si Simi, at si Kelaia (na siya ring Kelita), si Pethaia, si Juda, at si Eliezer.
24 At sa mga mangaawit: si Eliasib: at sa mga tagatanod-pinto; si Sellum, at si Telem, at si Uri.
25 At sa Israel: sa mga anak ni Pharos; si Ramia at si Izzias, at si Malchias, at si Miamim, at si Eleazar, at si Malchias, at si Benaias.
26 At sa mga anak ni Elam: si Mathanias, si Zacharias, at si Jehiel, at si Abdi, at si Jeremoth, at si Elia.
27 At sa mga anak ni Zattu; si Elioenai, si Eliasib, si Mathanias, at si Jeremoth, at si Zabad, at si Aziza.
28 At sa mga anak ni Bebai; si Johanan, si Hananias, si Zabbai, at si Atlai.
29 At sa mga anak ni Bani; si Mesullam, si Malluch, at si Adaias, si Jasub, si Seal, at si Ramoth.
30 At sa mga anak ni Pahathmoab; si Adna, at si Cheleal, si Benaias, si Maasias, si Mathanias, si Besaleel, at si Bennui, at si Manases.
31 At sa mga anak ni Harim; si Eliezer, si Issia, at si Malchias, si Semeia, si Simeon;
32 Si Benjamin, si Malluch, si Semarias.
33 Sa mga anak ni Hasum; si Mathenai, si Mathatha, si Zabad, si Eliphelet, si Jeremai, si Manases, at si Sami.
34 Sa mga anak ni Bani; si Maadi, si Amram, at si Uel;
35 Si Benaias, si Bedias, si Cheluhi;
36 Si Vanias, si Meremoth, si Eliasib;
37 Si Mathanias, si Mathenai, at si Jaasai;
38 At si Bani, at si Binnui, si Simi;
39 At si Selemias, at si Nathan, at si Adaias;
40 Si Machnadbai, si Sasai, si Sarai;
41 Si Azareel, at si Selemias, si Semarias;
42 Si Sallum, si Amarias, si Joseph.
43 Sa mga anak ni Nebo; si Jehiel, si Matithias, si Zabad, si Zebina, si Jadau, at si Joel, si Benaias.
44 Lahat ng mga ito'y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan: at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak.
6 Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at (A)hindi sa harapan ng mga banal?
2 O hindi baga ninyo nalalaman na (B)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating (C)hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol (D)sa buhay na ito?
4 Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?
5 Sinasabi ko ito (E)upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,
6 Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?
7 Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? (F)bakit hindi bagkus kayo'y padaya?
8 Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo.
9 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay (G)hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? (H)Huwag kayong padaya: (I)kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni (J)ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.
10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.
11 At ganyan (K)ang mga ilan sa inyo: (L)nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal (M)na kayo, nguni't inaring-ganap (N)na kayo (O)sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.
12 Ang lahat ng mga bagay (P)sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman.
13 Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi (Q)sa Panginoon; (R)at ang Panginoon ay sa katawan:
14 At muling binuhay ng (S)Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
15 Hindi baga ninyo nalalaman na ang (T)inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo, at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot? Huwag nawang mangyari.
16 O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, (U)Ang dalawa ay magiging isang laman.
17 Nguni't (V)ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya.
18 Magsitakas kayo sa (W)pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala (X)laban sa kaniyang sariling katawan.
19 O hindi baga ninyo nalalaman na (Y)ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at (Z)hindi kayo sa inyong sarili;
20 Sapagka't (AA)kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (A)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (B)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (C)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (D)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (E)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (F)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (G)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (H)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
17 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo:
Mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi;
Na nangagsasalita laban sa matuwid (I)ng kalasuwaan,
Ng kapalaluan at paghamak.
3 (A)Gumawa ng kaganapan at kahatulan
Ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978