Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 16-19

Ang ikalimang pagsasalita ni Job. Kaniyang kinamuhian ang kaniyang mga kaibigan. Ang pagtutol sa pagpapalagay ng Dios.

16 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Ako'y nakarinig ng maraming (A)ganyang bagay:
Maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita?
O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa;
Kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa,
Ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo,
At maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig,
At ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat:
At bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
Nguni't ngayo'y niyamot niya ako:
Nilansag mo ang (B)aking buong pulutong.
At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin;
At ang (C)aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin,
nagpapatotoo sa aking mukha.
Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako;
(D)Pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin:
(E)Pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
10 (F)Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig:
(G)Kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya:
Sila'y nagpipisan laban sa akin.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal,
At inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam;
Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako:
Inilagay naman niya akong (H)pinakatanda niya.
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga (I)mamamana,
Kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad;
Kaniyang (J)ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
14 Kaniyang binubugbog ako ng (K)bugbog at bugbog;
Siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan,
At aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak,
At nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay,
At ang aking dalangin ay malinis,
18 Oh lupa, (L)huwag mong tabunan ang aking dugo,
At huwag magkaroon ng pahingahang dako (M)ang aking daing.
19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit,
At siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan:
Nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios;
At ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon,
Ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.

Si Job ay tumawag sa Dios, nguni't nanaghoy dahil sa kaniyang kaabaabang kalagayan.

17 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos,
(N)Ang libingan ay handa sa akin.
Tunay na may mga manunuya na kasama ako,
At ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili;
(O)Sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa:
Kaya't hindi mo sila itataas.
Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli,
Ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
Nguni't ginawa rin niya akong (P)kakutyaan ng bayan:
At niluraan nila ako sa mukha.
Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan.
At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
Mga matuwid na tao ay (Q)matitigilan nito,
At ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad,
(R)At ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10 Nguni't tungkol sa inyong lahat, (S)magsiparito kayo ngayon uli;
At hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11 (T)Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira,
Sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi:
Ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay;
Kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14 Kung sinabi ko sa kapahamakan: Ikaw ay aking ama:
Sa uod: Ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15 Nasaan nga ang aking pagasa?
At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16 Lulusong sa mga pangawan (U)ng Sheol,
Pagtataglay ng (V)kapahingahan sa alabok.

Pinagsalitaan siya ni Bildad. Inilahad ang panganib ng makasalanan.

18 Nang magkagayo'y sumagot si (W)Bildad na Suhita, at nagsabi,
Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita?
Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
Bakit kami nangabibilang (X)na parang mga hayop,
At naging marumi sa iyong paningin?
Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit,
Pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo?
O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
Oo, (Y)ang ilaw ng masama ay papatayin,
At ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda,
At ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil,
(Z)At ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
Sapagka't siya'y inihagis sa (AA)lambat ng kaniyang sariling mga paa,
At siya'y lumalakad sa mga silo.
Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong.
(AB)At isang silo ay huhuli sa kaniya.
10 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa,
At isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
11 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya (AC)sa lahat ng dako,
At hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
12 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom,
At ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
13 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan,
Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga (AD)sangkap.
14 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan;
At siya'y dadalhin sa (AE)hari ng mga kakilabutan.
15 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano:
Azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
16 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo (AF)sa ilalim,
At sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
17 (AG)Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa,
At siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
18 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag,
At itatapon sa labas ng sanglibutan.
19 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan,
Ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
20 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa (AH)kaniyang kaarawan,
Gaya ng nangauna na nangatakot.
21 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko,
At ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.

Si Job ay tumutol sa pagkamuhi ng kaniyang mga kaibigan, at tumawag sa kanilang pagkahabag.

19 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa,
At babagabagin ako ng mga salita?
Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako:
Kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
At kahima't ako'y magkamali,
Ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
Kung tunay na (AI)kayo'y magpapakalaki laban sa akin,
At ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios,
At inikid ako ng kaniyang silo.
Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig;
Ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan,
At naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
(AJ)Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian,
At inalis ang (AK)putong sa aking ulo.
10 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw:
At ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
11 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin,
At ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
12 Ang kaniyang mga (AL)hukbo ay dumarating na magkakasama,
At ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin,
At kinubkob ang palibot ng aking tolda.
13 (AM)Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin,
At ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.
14 Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo,
At nilimot ako ng aking mga (AN)kasamasamang kaibigan.
15 Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan;
Ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
16 Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot,
Bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
17 Ang aking hininga ay iba sa aking asawa,
At ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
18 Pati ng mga bata ay humahamak sa akin;
Kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
19 Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin:
At ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
20 Ang aking buto ay dumidikit (AO)sa aking balat at sa aking laman,
At ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
21 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko;
Sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Bakit ninyo (AP)ako inuusig na gaya ng Dios.
At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?

Siya ay nananalig na siya ay matutubos din.

23 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita!
Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga,
Na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Nguni't talastas ko na (AQ)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat,
Gayon ma'y (AR)makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
28 Kung inyong sabihin: Paanong aming pag-uusigin siya?
Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
29 Mangatakot kayo sa tabak:
Sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak,
Upang inyong malaman na may kahatulan.

1 Corinto 16

16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.

Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:

At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.

Nguni't ako'y paririyan sa inyo, (J)pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;

Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay (K)saan man ako pumaroon.

Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon (L)sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.

Datapuwa't ako'y titigil sa (M)Efeso hanggang sa (N)Pentecostes;

Sapagka't (O)sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at (P)marami ang mga kaaway.

10 Ngayon (Q)kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya (R)ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:

11 (S)Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.

12 Nguni't tungkol sa (T)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.

13 (U)Magsipagingat kayo, (V)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (W)kayo'y mangagpakalalake, (X)kayo'y mangagpakalakas.

14 (Y)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (Z)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (AA)pangunahing bunga ng (AB)Acaya, at nangagsitalaga (AC)sa paglilingkod sa mga banal),

16 Na (AD)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.

17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (AE)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.

18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.

19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (AF)Aquila at ni Prisca[a] (AG)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.

20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (AH)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.

21 Ang bati ko, ni (AI)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.

22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (AJ)ay maging takuwil siya. (AK)Maranatha[b]

23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

24 Ang aking pagibig kay (AL)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Mga Awit 40:1-10

Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

40 (A)Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, (B)mula sa balahong malagkit;
(C)At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at (D)itinatag ang aking mga paglakad.
(E)At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
(F)Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
(G)Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
(H)At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
(I)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(J)Sa balumbon ng aklat ay (K)nakasulat tungkol sa akin:
(L)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (M)nasa loob ng aking puso.
Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (N)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.

Mga Kawikaan 22:1

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

22 Ang mabuting pangalan ay (A)maiging piliin, kay sa malaking kayamanan,
At ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978