The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Ang unang pagsasalita ni Eliphaz. Kaniyang pinatunayan ang katarungan ng Dios.
4 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2 Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba?
Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita?
3 Narito, ikaw ay nagturo sa marami,
At iyong pinalakas (B)ang mahinang mga kamay.
4 Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal,
At iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
5 Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay;
Ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
6 Hindi ba ang (C)iyong takot sa Dios ay (D)ang iyong tiwala,
At ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?
7 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay?
O saan nangahiwalay ang mga matuwid?
8 Ayon sa aking pagkakita (E)yaong nagsisipagararo ng kasamaan,
At nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani.
9 Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay,
At (F)sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol.
10 Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon,
At (G)ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.
11 Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli,
At ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat.
Ang pagkawalang kabuluhan ng tao sa harapan ng Dios.
12 Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay,
At ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon.
13 (H)Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao,
14 Takot ay dumating sa akin, at panginginig,
Na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto.
15 Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha.
Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.
16 Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon;
Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata:
Tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,
17 (I)Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios?
Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
18 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod;
At inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel:
19 Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga (J)bahay na putik,
Na ang patibayan ay nasa (K)alabok,
Na napipisang gaya ng (L)paroparo!
20 Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba;
Nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.
21 (M)Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila?
Sila'y nangamamatay at walang karunungan.
Ang makasalanan ay hindi matatag.
5 Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At sa kanino sa mga (N)banal babalik ka?
2 Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal,
At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
3 (O)Aking nakita ang hangal na umuunlad:
Nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4 (P)Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan,
At (Q)sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan,
Na wala mang magligtas sa kanila.
5 Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom,
At kinukuha na mula sa mga tinik,
At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari.
6 Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok,
Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
7 (R)Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan.
Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
8 Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,
At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
9 Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;
Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10 (S)Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,
At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas (T)yaong nangasa mababa;
At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
12 (U)Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha,
Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
13 (V)Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha:
At ang payo ng suwail ay napapariwara.
14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw,
(W)At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
15 (X)Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig,
Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
16 Na anopa't ang dukha ay may pagasa,
(Y)At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
Ang kagalingan ng parusa.
17 Narito, (Z)maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:
Kaya't (AA)huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18 (AB)Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal;
Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19 Kaniyang ililigtas ka sa (AC)anim na kabagabagan.
Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20 (AD)Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;
At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21 Ikaw ay makukubli (AE)sa talas ng dila;
Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka;
Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
23 (AF)Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan;
At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
25 Iyo rin namang makikilala na ang (AG)iyong binhi ay magiging dakila,
At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
26 Ikaw ay (AH)darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.
Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga;
Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
Inilarawan ni Job ang kaniyang pagkasawi.
6 Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,
2 Oh timbangin nawa ang aking pagkainip,
At ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama.
3 Sapagka't ngayo'y (AI)magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat:
Kaya't ang aking pananalita ay napabigla.
4 Sapagka't ang mga (AJ)palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin,
Ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa;
Ang mga (AK)pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
5 Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo?
O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain?
6 Makakain ba ng walang asin ang matabang?
O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?
7 Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa;
Mga karumaldumal na pagkain sa akin.
8 Oh mangyari nawa ang (AL)aking kahilingan;
At ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!
9 Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako;
Na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!
10 Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan;
Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit;
Sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita (AM)ng Banal.
11 Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay?
At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
12 Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato?
O ang akin bang laman ay tanso?
13 Di ba ako'y walang sukat na kaya,
At ang karunungan ay lumayo sa akin?
Ang kadayaan at kalupitan ng kaniyang mga kaibigan.
14 (AN)Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan;
Kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
15 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis,
Na parang daan ng mga batis na nababago;
16 Na malabo dahil sa hielo,
At siyang kinatunawan ng nieve:
17 Paginit ay nawawala:
Pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
18 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw;
Nagsisilihis sa ilang at nawawala.
19 Minasdan ng mga pulutong (AO)na mula sa Tema,
Hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa (AP)Seba.
20 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa;
Sila'y nagsiparoon at nangatulig.
21 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala;
Kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
22 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako?
O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pagaari?
23 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway?
O, Tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
24 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa;
At ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
25 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran!
Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
26 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita?
Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
27 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila,
At ginawa ninyong (AQ)kalakal ang inyong kaibigan.
28 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako;
Sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
29 (AR)Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan;
Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
30 May di ganap ba sa aking dila?
Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.
7 Wala bang (AS)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (AT)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga (AU)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
4 (AV)Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi,
Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi?
At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
5 Ang aking laman ay nabibihisan ng mga (AW)uod at ng libag na alabok;
Ang aking balat ay namamaga at putok putok.
6 Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa (AX)panghabi ng manghahabi,
At nagugugol na walang pagasa.
7 Oh (AY)alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga:
Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
8 Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan:
Ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
Ni malalaman pa man niya ang (AZ)kaniyang dako.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (BA)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (BB)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip,
At pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis,
At ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16 (BC)Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man:
(BD)Bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay (BE)walang kabuluhan.
17 (BF)Ano ang tao, na iyong palalakhin siya,
At iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18 At iyong dadalawin siya (BG)tuwing umaga,
At susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan,
Ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit mo nga (BH)inilalagay akong pinakatanda sa iyo.
Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
At (BI)ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.
18 Nagpapasalamat ako sa Dios, na ako'y nagsasalita ng mga wika na higit kay sa inyong lahat:
19 Nguni't sa iglesia ibig ko pang magsalita ng limang salita ng aking pagiisip, upang makapagturo ako naman sa iba, kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa wika.
20 Mga kapatid, (A)huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon ma'y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa't sa pagiisip kayo'y (B)mangagpakatao.
21 (C)Sa kautusan ay nasusulat, (D)sa pamamagitan ng mga taong may iba't ibang wika, at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako, sa bayang ito: at gayon ma'y hindi ako pakikinggan nila, ang sabi ng Panginoon.
22 Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya; nguni't (E)ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya, kundi sa mga nagsisisampalataya.
23 Kung ang buong iglesia nga'y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika, at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya, (F)hindi baga nila sasabihing kayo'y mga ulol?
24 Datapuwa't kung ang lahat ay nagsisipanghula, at may pumasok na isang hindi sumasampalataya, o hindi marunong, mahihikayat siya ng lahat, masisiyasat siya (G)ng lahat;
25 Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing (H)tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo.
26 Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang (I)awit, may isang (J)aral, may isang (K)pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. (L)Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.
27 Kung nagsasalita ang sinoman ng wika, maging dalawa, o huwag higit sa tatlo, at sunodsunod; at ang isa'y magpaliwanag:
28 Datapuwa't kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia; at siya'y magsalita sa kaniyang sarili, at sa Dios.
29 At ang dalawa o tatlo sa (M)mga propeta ay magsipagsalita, at (N)ang mga iba'y mangagsiyasat.
30 Datapuwa't kung may (O)ipinahayag na anoman sa isang nauupo, ay tumahimik ang nauuna.
31 Sapagka't kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa, upang ang lahat ay mangatuto, at ang lahat ay maaralan;
32 At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta;
33 Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. (P)Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal,
34 (Q)Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka't sila'y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila'y pasakop, gaya naman ng (R)sinasabi ng kautusan.
35 At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia.
36 Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating?
37 Kung (S)iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.
38 Datapuwa't kung ang sinoman ay mangmang, ay manatili siyang mangmang.
39 Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika.
40 Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.
30 (A)Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
31 (B)Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso,
Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
32 Inaabatan ng masama ang matuwid,
At pinagsisikapang patayin niya siya.
33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay,
(C)Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
34 (D)Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan,
At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain:
(E)Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
35 (F)Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan,
At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
36 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya:
Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may (G)kapayapaan.
38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama:
(H)Ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon:
Siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila:
(I)Sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila.
Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.
27 Ang hain ng masama ay karumaldumal:
Gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978