Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 37-39

Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa paglalalang at sa sumasangkap ng sanglibutan.

37 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso,
At napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig,
At ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit,
At ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong;
(A)Siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan:
At hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig;
(B)Dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
Sapagka't sinabi niya sa nieve, (C)Lumagpak ka sa lupa;
Gayon din sa ambon,
At sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao:
Upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
Kung gayo'y nagsisipasok (D)ang mga hayop sa mga lungga,
At namamalagi sa kanilang mga tahanan.
Mula sa timog nanggagaling ang bagyo:
At ang ginaw ay mula sa hilagaan.
10 (E)Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo:
At ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
11 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig;
Kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
12 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay,
(F)Upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila,
Sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
13 Maging sa saway, o maging (G)sa kaniyang lupain,
O (H)maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
14 Dinggin mo ito, Oh Job:
Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios.
15 Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios,
At pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap?
16 Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap,
Ang kagilagilalas na mga gawa niya na (I)sakdal sa kaalaman?
17 Paanong umiinit ang inyong mga suot,
Pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan?
18 (J)Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit,
Na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
19 Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya;
Sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman.
20 Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita?
O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin?
21 At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit:
Nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon.
22 Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan;
(K)May taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan.
23 Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, (L)hindi natin mauunawa;
Siya'y (M)marilag sa kapangyarihan;
At sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati.
24 (N)Kinatatakutan nga siya ng mga tao:
Hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang (O)pantas sa puso.

Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa liwanag, sa nieve, sa granizo, sa ulan, sa hielo, at sa leon.

38 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job (P)mula sa ipoipo, at nagsabi,

Sino ito na nagpapadilim ng payo.
Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
Bigkisan mo (Q)ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake:
Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
Saan ka nandoon (R)nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa?
Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman?
O sinong nagunat ng panukat diyan?
Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan?
O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga.
At ang lahat ng mga anak ng Dios ay (S)naghihiyawan sa kagalakan?
(T)O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat,
Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata;
Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon,
At ang salimuot na (U)kadiliman na pinakabalot niyaon,
10 At aking (V)itinatag doon ang aking pasiya,
At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
11 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas:
At dito'y (W)titigil ang iyong mga palalong alon?
12 (X)Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan,
At ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
13 Upang humawak sa mga wakas ng lupa,
At ang masasama ay maugoy doon?
14 Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak;
At lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
15 At sa masama ay inalis (Y)ang kanilang liwanag,
At (Z)ang mataas na kamay ay mababali.
16 Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat?
O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
17 Nangahayag ba sa iyo (AA)ang mga pintuan ng kamatayan?
O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
18 Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa?
Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
19 Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag,
At tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
20 Upang iyong madala sa hangganan niyaon,
At upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
21 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon,
At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami!
22 Pumasok ka ba sa mga (AB)tipunan ng nieve,
O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
23 Na (AC)aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan,
Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
24 Sa aling daan naghiwalay ang liwanag.
O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
25 Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig,
O ng daanan ng kidlat ng kulog;
26 Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao.
Sa ilang na doon ay walang tao.
27 (AD)Upang busugin ang giba at sirang lupa;
At upang pasibulin ang sariwang damo?
28 (AE)May ama ba ang ulan?
O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
29 Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo?
At (AF)ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
30 Ang mga (AG)tubig ay nakukubling gaya ng bato,
At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
31 Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na (AH)Pleyade,
O (AI)makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
32 Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan?
O mapapatnubayan mo ba ang (AJ)Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
33 Nalalaman mo ba (AK)ang mga alituntunin ng langit?
Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
34 Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap,
Upang takpan ka ng saganang tubig?
35 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon,
At magsabi sa iyo: Nangarito kami?
36 Sinong naglagay ng karunungan sa (AL)mga pinakaloob na bahagi?
O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
37 Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan?
O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
38 Pagka ang alabok ay napuputik,
At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
39 Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae?
O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,
40 Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga,
At nagsisitahan sa guwang upang bumakay?
41 (AM)Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya,
Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios,
At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?

Ipinakita ng Panginoon ang pagkawalang malay ni Job sa mga kambing bundok, sa mga usa, sa mga mabangis na asno, sa bakang gubat, at sa avestruz, at sa kabayo, sa uwak, at sa agila.

39 Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga (AN)kambing bundok?
O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam (AO)ng mga usa?
Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan?
O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak?
Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak,
Kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan.
Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan;
Sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik.
Sinong nagpakawala sa mabangis na asno?
O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno?
Na ginawa kong bahay niya (AP)ang ilang,
At ang lupaing maasin na kaniyang tahanan.
Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan.
Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop.
Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan,
At kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay.
Matutuwa ba (AQ)ang bakang gubat na maglingkod sa iyo?
O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban?
10 Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid?
O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo?
11 Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas?
O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya?
12 Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya
na iuuwi sa bahay ang iyong binhi,
At pipisanin ang mga butil sa iyong giikan?
13 Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak;
Nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo?
14 Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa,
At pinaiinit ang mga yaon sa alabok,
15 At kinalilimutang mangapipisa ng paa,
O mangayuyurakan ng mabangis na hayop.
16 (AR)Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya:
Bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;
17 Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan,
Ni hindi siya binahaginan ng unawa.
18 Anomang panahon na siya'y napaiitaas,
Hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.
19 Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan?
Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw?
20 Pinalulukso mo ba siya na parang balang?
Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot.
21 Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan,
(AS)Siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata.
22 Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay:
Ni hindi tinatalikuran ang tabak.
23 Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya,
Ang makintab na sibat at ang kalasag.
24 Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot;
Ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak.
25 Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha!
At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo,
Ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw.
26 Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan,
At iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan?
27 Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos,
At gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas?
28 Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira,
Sa taluktok ng burol at sa katibayan,
29 Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit;
Ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo.
30 Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo:
(AT)At kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.

2 Corinto 4:13-5:10

13 Nguni't yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng nasusulat, (A)Sumampalataya ako, at kaya't nagsalita ako; kami naman ay nagsisisampalataya, at kaya't kami naman ay nangagsasalita;

14 Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.

15 Sapagka't ang (B)lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na (C)pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios.

16 Kaya nga (D)hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't (E)ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

17 Sapagka't ang aming magaang kapighatian, (F)na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;

18 Samantalang kami ay nagsisitingin hindi (G)sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.

Sapagka't nalalaman namin na kung masira (H)ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na (I)hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.

Sapagka't tunay na sa ganito (J)kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:

Na kung (K)mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.

Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y (L)bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.

Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay (M)sa amin ng patotoo ng Espiritu.

Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon.

(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan (N)ng pananampalataya, (O)hindi sa pamamagitan ng paningin);

Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at (P)ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.

Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya.

10 Sapagka't tayong (Q)lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.

Mga Awit 44:9-26

Nguni't ngayo'y itinakuwil mo (A)kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri;
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway:
At silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11 (B)Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain;
At (C)pinangalat mo kami sa mga bansa.
12 (D)Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad,
At hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 (E)Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa,
Isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14 (F)Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa,
(G)At kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw;
(H)Dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka,
Ni (I)gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod,
(J)Ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag (K)sa dako ng mga chakal,
At tinakpan mo kami (L)ng lilim ng kamatayan.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios,
(M)O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21 (N)Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 (O)Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23 (P)Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon?
Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 (Q)Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
At kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan,
At tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

Mga Kawikaan 22:13

13 (A)Sinasabi ng tamad, May leon sa labas:
Mapapatay ako sa mga lansangan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978