Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 20-22

Sinabi ni Sophar na ang makasalanan kahit anong yaman, ay kailangan na dumanas ng kaparusahan.

20 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Zophar na Naamathita, at nagsabi,

Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip,
Dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan,
At ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
Hindi mo ba nalalaman ito ng una,
Mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
(B)Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli,
At ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
(C)Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit,
At ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi:
Silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
Siya'y mawawala na (D)gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan.
Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa;
Ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha,
At ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan,
(E)Nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig,
Bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
13 Bagaman kaniyang patawarin,
at hindi niya ito babayaan,
Kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan,
Siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli:
Mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas;
Papatayin siya ng (F)dila ng ulupong.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog,
Ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin;
Ayon sa pagaari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha;
Kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya,
Hindi siya makapagliligtas ng anoman (G)sa kaniyang kinaluluguran.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal;
Kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya;
Ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan,
Ihuhulog ng Dios ang kaniyang (H)mabangis na poot sa kaniya.
At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
24 (I)Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal,
At ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan:
Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo;
Mga kakilabutan ang (J)sumasa kaniya.
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya;
(K)Isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya:
Susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
27 Ihahayag (L)ng mga langit ang kaniyang kasamaan,
At ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon,
Ang kaniyang mga pagaari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios,
At ang manang takda sa kaniya ng Dios.

Si Job ay tumutol sa kaginhawahan ng makasalanan; itinanggi ang pagtanggap ng parusa ng mga makasalanan.

21 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita;
At ito'y maging inyong mga kaaliwan.
Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita,
(M)At pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.
Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing?
At bakit hindi ako maiinip?
Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo.
At (N)ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako,
At kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
(O)Bakit nabubuhay ang masama,
Nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan?
Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin,
At ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata.
Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot,
Kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila.
10 Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog;
Ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya.
11 Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan,
At ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan,
12 Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa,
At nangagkakatuwa sa tunog ng (P)plauta.
13 Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol.
14 At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin;
Sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.
15 (Q)Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin?
At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
16 Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay:
(R)Ang payo ng masama ay malayo sa akin.
17 (S)Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama?
Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila?
Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?
18 (T)Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin,
At gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
19 Inyong sinasabi, (U)Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak.
Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya.
20 Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba,
At (V)uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
21 Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya,
Pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna?
22 (W)May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios?
Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
23 Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan,
Palibhasa't walang bahala at tahimik:
24 Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas,
At ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.
25 At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa,
At kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.
26 Sila'y (X)nahihigang magkakasama sa alabok,
At tinatakpan sila ng uod.
27 Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip,
At ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin.
28 Sapagka't inyong sinasabi, (Y)Saan naroon ang bahay ng prinsipe?
At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?
29 Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan?
At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan?
30 (Z)Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan?
Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?
31 Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha?
At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?
32 Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan,
At magbabantay ang mga tao sa libingan.
33 Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya,
At lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya,
Gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang.
34 Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan,
Dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan?

Ang ikatlong pagsasalita ni Eliphaz. Pinaalalahanan niya si Job na huwag tumutol sa Panginoon, kundi bumalik sa Kaniya.

22 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

(AA)Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios?
Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid?
O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka,
Na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?
Hindi ba malaki ang iyong kasamaan?
Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
Sapagka't ikaw ay (AB)kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala,
At iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom,
At (AC)ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa;
At ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
(AD)Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao,
At ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
10 Kaya't ang (AE)mga silo ay nangasa palibot mo,
At biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
11 O kadiliman, upang huwag kang makakita.
(AF)At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
12 Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit?
At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
13 At iyong sinasabi, (AG)Anong nalalaman ng Dios?
Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
14 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita;
At siya'y lumalakad sa (AH)balantok ng langit.
15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan,
Na nilakaran ng mga masamang tao?
16 (AI)Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan.
Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
17 Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin;
At, Anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
18 Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay;
(AJ)Nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19 (AK)Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa;
At tinatawanang mainam ng walang sala:
20 Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay,
At ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
21 Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa:
Anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.
22 Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig,
At ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
23 Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka;
Kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
24 At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok,
At ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
25 At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan,
At mahalagang pilak sa iyo.
26 Sapagka't ikaw ay (AL)magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat,
At iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
27 (AM)Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka:
At iyong babayaran ang iyong mga panata.
28 Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo;
At liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas;
At ililigtas niya (AN)ang mapagpakumbabang tao.
30 Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal:
Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.

1 Corinto 1:1-11

Si Pablo, na (A)tinawag na maging apostol ni Jesucristo (B)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at (C)si Sostenes na ating kapatid,

Sa iglesia ng Dios na nasa (D)Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na (E)tinawag na (F)mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na (G)ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

(H)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;

Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay (I)sa lahat ng pananalita at (J)sa lahat ng kaalaman;

Gaya ng pinagtibay sa inyo (K)ang patotoo ni Cristo:

Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; (L)na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;

Na siya namang magpapatibay (M)sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan (N)sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.

Ang Dios ay (O)tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa (P)pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.

10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita (Q)ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.

Mga Awit 40:11-17

11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (A)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (B)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (C)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (D)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (E)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (F)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (G)mangagsabi nawang palagi,
(H)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (I)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (J)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Mga Kawikaan 22:2-4

Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa:
Ang Panginoon ang May-lalang (A)sa kanilang lahat.
Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli:
Nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.
Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon
(B)Ay kayamanan, at karangalan, at buhay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978