Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Job 34-36

Ipinagtanggol ni Eliu ang katarungan ng Dios. Pinararatangan ni Eliu si Job na mapagsuay at nagaaring ganap sa sarili.

34 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,

Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas;
At pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman.
Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita,
Gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain.
Ating piliin sa ganang atin ang matuwid:
Ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.
Sapagka't sinabi ni Job, (A)Ako'y matuwid,
At inalis (B)ng Dios ang aking katuwiran:
Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling;
At ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang.
Sinong tao ang gaya ni Job,
(C)Na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig,
Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan,
At lumalakad na kasama ng mga masamang tao?
Sapagka't kaniyang (D)sinabi, Walang napapakinabang ang tao
Na siya'y makapagpalugod sa Dios.
10 Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa:
(E)Malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama;
At sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan.
11 Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin (F)niya sa kaniya,
At ipatatagpo sa bawa't tao ang (G)ayon sa kaniyang mga lakad.
12 Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan,
(H)Ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan.
13 Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa?
O sinong nagayos ng buong sanglibutan?
14 Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao,
Kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga;
15 (I)Tanang laman ay mamamatay na magkakasama,
At ang tao ay mababalik uli sa alabok.
16 Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito:
Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita.
17 Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran?
At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya?
18 (J)Siya na nagsabi sa isang hari: Ikaw ay hamak?
O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama?
19 (K)Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo,
(L)Ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap;
Sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.
20 Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi;
Ang bayan ay inuuga at nawawala,
At inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay.
21 (M)Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao,
At nakikita niya ang lahat niyang pagyaon.
22 (N)Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim,
Na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan.
23 Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao,
Upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan.
24 Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod,
At naglalagay ng mga iba na kahalili nila.
25 Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa;
At kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol.
26 Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao.
Sa hayag na paningin ng mga iba,
27 Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya,
At hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad:
28 Na anopa't kaniyang pinadating (O)ang daing ng dukha sa kaniya,
At dininig niya ang daing ng napipighati.
29 Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol?
At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya?
Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao:
30 Upang ang taong di banal ay huwag maghari,
Upang huwag maging silo sa bayan.
31 Sapagka't may nagsabi ba sa Dios:
Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa:
32 Yaong hindi ko nakikita ay (P)ituro mo sa akin:
Kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa?
33 Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan?
Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako:
Kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman
34 Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin,
Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin:

35 Si Job ay nagsasalita ng (Q)walang kaalaman.

At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan.

36 Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas,

Dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao.

37 Sapagka't siya'y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan,

Kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin,
At pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios.

Pinaratangan ni Eliu si Job na nagaaring ganap sa sarili.

35 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,

Iniisip mo bang ito'y matuwid?
O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,
Na iyong sinasabi, (R)Anong pakinabang ang tatamuhin mo?
At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?
Sasagutin kita,
At (S)ang iyong mga kasamahang kasama mo.
(T)Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan;
At masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.
Kung ikaw ay nagkasala, (U)anong iyong ginagawa laban sa kaniya?
At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
(V)Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya?
O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo;
At ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
(W)Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw:
Sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan.
10 Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin,
(X)Na siyang nagbibigay ng awit kung gabi;
11 Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa.
At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?
12 Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot,
Dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao
13 Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan,
Ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
14 (Y)Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya.
Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
15 Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw (Z)sa kaniyang galit,
Ni ginunita mang maigi;
16 (AA)Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan;
Siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.

Minamarapat ni Eliu ang paggamit ng parusa ng Dios.

36 Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,

Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo;
Sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo,
At aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan:
Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man;
(AB)Siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama:
Nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid:
Kundi kasama ng mga hari sa luklukan
(AC)Kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
At (AD)kung sila'y mapapangaw,
At mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa,
At ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
10 (AE)Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo,
At iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
11 Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya,
Kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan,
At ang kanilang mga taon sa kasayahan.
12 Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak,
At sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
13 Nguni't ang di banal sa (AF)puso ay nagbubunton ng galit:
Hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya (AG)sila.
14 (AH)Sila'y nangamamatay sa kabataan,
At ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
15 Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati,
At ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
16 Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan,
Hanggang sa luwal na (AI)dako na walang kagipitan;
At ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.

Ipinapayo ni Eliu kay Job na sumailalim ng Panginoon, at kilanlin ang kapangyarihan ng Panginoon.

17 Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama:
Kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
18 Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan;
Ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
19 Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan,
O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
20 Huwag mong nasain ang gabi,
Pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
21 Ikaw ay magingat, (AJ)huwag mong lingunin ang kasamaan;
Sapagka't (AK)ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
22 Narito, ang Dios ay gumagawa
ng mainam sa kaniyang kapangyarihan:
(AL)Sinong tagapagturo ang gaya niya?
23 (AM)Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan?
O sinong makapagsasabi, Ikaw ay gumawa ng kalikuan?
24 Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa,
Na inawit ng mga tao.
25 Lahat ng mga tao'y nakakita noon;
Makikita ito ng tao sa malayo.
26 Narito, ang Dios ay dakila, at hindi (AN)natin nakikilala siya;
(AO)Hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
27 Sapagka't (AP)pinailanglang niya ang mga patak ng tubig,
Na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
28 (AQ)Na ibinubuhos ng mga langit
At ipinapatak na sagana sa tao.
29 Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap,
Ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
30 (AR)Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya;
At inaapawan ang kalaliman ng dagat.
31 Sapagka't (AS)sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan;
(AT)Siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
32 Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat;
At ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
33 Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya,
Ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.

2 Corinto 4:1-12

Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong (A)ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina.

Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na (B)hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng (C)katotohanan ay (D)ipinagtatagubilin ang aming sarili (E)sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios.

At kung ang aming evangelio ay (F)natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:

Na binulag (G)ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, (H)na siyang larawan ng Dios.

Sapagka't (I)hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, (J)at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.

Yamang ang Dios, ang nagsabi, (K)Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.

Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, (L)upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili;

Sa magkabikabila ay (M)nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;

(N)Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira;

10 Laging saan ma'y (O)tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, (P)upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.

11 Sapagka't kaming nangabubuhay ay (Q)laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.

12 Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo.

Mga Awit 44:1-8

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core. Masquil.

44 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios,
Isinaysay sa amin (A)ng aming mga magulang,
Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan,
Ng mga kaarawan ng una.
(B)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
(C)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (D)liwanag ng iyong mukha,
(E)Sapagka't iyong nilingap sila.
(F)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(G)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Dahil sa iyo'y (H)itutulak namin ang aming mga kaaway:
Sa iyong pangalan ay (I)yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
Sapagka't (J)hindi ako titiwala sa aking busog.
Ni ililigtas man ako ng aking tabak.
Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway,
At inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
Sa Dios ay naghahambog kami buong araw,
At mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)

Mga Kawikaan 22:10-12

10 Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis;
Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.
11 (A)Siyang umiibig ng kalinisan ng puso,
Dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari.
12 Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam:
Nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978