Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Nehemias 5:14-7:73

14 Bukod dito'y mula sa panahon na ako'y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda, mula sa (A)ikadalawang pung taon hanggang sa (B)ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari, sa makatuwid baga'y labing dalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi (C)nagsikain ng tinapay ng tagapamahala.

15 Nguni't ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan, at kumuha sa kanila ng tinapay at alak, bukod sa apat na pung siklong pilak; oo, pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan: nguni't ang gayon ay hindi ko ginawa, dahil sa takot sa Dios.

16 Oo, ako nama'y nagpatuloy sa gawain ng kutang ito, ni hindi man lamang kami nagsibili ng anomang lupain: at ang lahat ng aking mga lingkod ay nagpipisan doon sa gawain.

17 Bukod dito'y nagkaroon sa dulang ko ng mga Judio at mga pinuno na isang daan at limang pung tao, bukod sa nagsiparoon sa amin na mula sa mga bansa na nasa palibot namin.

18 Ang (D)inihahanda nga sa bawa't araw ay isang baka at anim na piling tupa; mga ibon naman ay nahanda sa akin, at minsan sa sangpung araw ay sarisaring alak na masagana: gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi ako humingi ng tinapay sa tagapamahala, sapagka't ang pagkaalipin ay mabigat sa bayang ito.

19 (E)Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, sa ikabubuti, lahat na aking ginawa dahil sa bayang ito.

Ang panglilinlang ni Sanballat, Tobias, at Gesem.

Nangyari nga nang (F)maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman (G)hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan;)

Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng (H)Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama.

At ako'y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako'y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa't hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo?

At sila'y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan.

Nang magkagayo'y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay.

Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu (I)na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito.

At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nangagsasabi, May isang hari sa Juda; at ngayo'y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo.

Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso.

Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay.

10 At ako'y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na (J)nakulong; at kaniyang sinabi, Tayo'y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo, at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagka't sila'y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha'y magsisiparito sila upang patayin ka.

11 At aking sinabi, Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? at sino kaya; na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay? hindi ako papasok.

12 At nahalata ko, at, narito, hindi siya sinugo ng Dios; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin: at inupahan siya ni Tobias, at ni Sanballat.

13 Dahil sa bagay na ito inupahan siya, upang ako'y matakot, at gumawa ng gayon, at magkasala, at upang sila'y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig, upang kanilang madusta ako.

14 (K)Alalahanin mo, Oh aking Dios, si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila, at gayon din ang propetisa na Noadias, at ang nalabi sa mga propeta, na ibig nilang sidlan ako ng katakutan.

Ang kuta ay natapos.

15 Sa gayo'y natapos ang kuta sa ikadalawang pu't limang araw ng buwan ng Elul, sa limang pu't dalawang araw.

16 At nangyari, nang mabalitaan ng (L)lahat naming mga kaaway, na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot, at nangalumatang mainam: (M)sapagka't kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios.

17 Bukod dito'y sa mga araw na yao'y ang mga mahal na tao sa Juda ay nangagpadala ng maraming sulat kay Tobias at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila.

18 Sapagka't marami sa Juda na nanganumpa sa kaniya, sapagka't siya'y manugang ni Sechanias na anak ni Arah; at ang kaniyang anak na si Johanan ay nagasawa sa anak na babae ni (N)Mesullam na anak ni Berechias.

19 Sila nama'y nangagsalita ng kaniyang mga mabuting gawa sa harap ko, at ibinalita ang aking mga salita sa kaniya. At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang sidlan ako ng katakutan.

Ang pintuang-bayan ay sara sa gabi.

Nangyari nga (O)nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal.

Na aking ibinigay kay (P)Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami.

At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay.

Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa.

Ang mga unang bumalik mula sa Babilonia.

At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon (Q)noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:

(R)Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay (S)Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:

Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.

Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

10 Ang mga anak ni Ara, (T)anim na raan at limang pu't dalawa.

11 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at (U)labing walo.

12 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

13 Ang mga anak ni Zattu, (V)walong daan at apat na pu't lima.

14 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.

15 Ang mga anak ni (W)Binnui, anim na raan at apat na pu't walo.

16 Ang mga anak ni Bebai, (X)anim na raan at dalawang pu't walo.

17 Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa.

18 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito.

19 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito.

20 Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima.

21 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.

22 Ang mga anak ni Hasum, (Y)tatlong daan at dalawang pu't walo.

23 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat.

24 Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa.

25 Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima.

26 Ang mga lalake ng Beth-lehem, at ng Netopha, (Z)isang daan at walong pu't walo.

27 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.

28 Ang mga lalake ng (AA)Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa.

29 Ang mga lalake ng (AB)Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.

30 Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa.

31 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.

32 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai (AC)isang daan at dalawang pu't tatlo.

33 Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa.

34 Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

35 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

36 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

37 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, (AD)pitong daan at dalawang pu't isa.

38 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu.

39 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.

40 Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa.

41 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.

42 Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito.

43 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni (AE)Odevia, pitong pu't apat.

44 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, (AF)isang daan at apat na pu't walo.

45 Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo.

46 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth;

47 Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon:

48 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;

49 Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;

50 Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda;

51 Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea;

52 Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;

53 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur;

54 Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;

55 Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;

56 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.

57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida;

58 Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;

59 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni (AG)Amon.

60 Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

61 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel:

62 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, (AH)anim na raan at apat na pu't dalawa.

63 At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.

64 Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.

65 At ang (AI)tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim.

Ang buong bilang.

66 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.

67 Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may (AJ)dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.

68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;

69 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.

Ang salapi ay ibinigay para sa templo.

70 At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.

71 At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.

72 At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.

73 Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. (AK)At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.

1 Corinto 8

Ngayon tungkol (A)sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na tayong lahat ay may (B)kaalaman. (C)Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay nagpapatibay.

(D)Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman;

Datapuwa't kung ang sinoman (E)ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon.

Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na (F)ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, (G)at walang Dios liban sa iisa.

Sapagka't bagama't mayroong mga (H)tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon;

Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, (I)ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y (J)sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, (K)na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay (L)nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay (M)nangahahawa.

Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo masama, kung tayo'y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo'y magsikain.

Datapuwa't magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging (N)katitisuran sa mahihina.

10 Sapagka't kung makita ng sinomang ikaw na may (O)kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan, hindi baga titibay ang kaniyang budhi, kung siya'y mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan?

11 Sapagka't sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kaniya'y namatay si Cristo.

12 At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito'y mahina, ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo.

13 Kaya, (P)kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.

Mga Awit 33:1-11

Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.

33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
(C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
(D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
(F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
(G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.

Mga Kawikaan 21:8-10

Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko;
Nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.
(A)Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,
Kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
10 (B)Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan:
Ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978