The Daily Audio Bible
Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.
Ang tao ay mainam kumita ng kayamanan sa sanglibutan.
28 Tunay na may mina na mayroong pilak,
At dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
2 Bakal ay hinuhukay sa lupa,
At tanso ay binububo mula sa bato.
3 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman,
At sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan
Ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
4 Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao:
Nililimot ng paa na dumadaan; Nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
5 Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay:
At sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
6 Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro.
At ito'y may alabok na ginto.
7 Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam.
Ni nakita man ng mata ng falkon:
8 Hindi natungtungan ng mga palalong hayop,
Ni naraanan man ng mabangis na leon,
9 Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian;
Binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
10 Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato;
At ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
11 Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos;
At ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Ang karunungan ay lalong mabuting kayamanan, na ang Dios lamang ang nakaaalam.
12 (A)Nguni't saan masusumpungan ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
13 Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon;
Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
14 Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin:
At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
15 (B)Hindi mabibili ng ginto,
Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16 Hindi mahahalagahan ng (C)ginto sa Ophir,
Ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon:
Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal;
Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga (D)rubi.
19 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon,
Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
20 Saan nanggagaling nga ang karunungan?
At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
21 Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay,
At natatago sa mga ibon sa himpapawid.
22 Ang (E)kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi,
Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
23 Nauunawa ng (F)Dios ang daan niyaon,
At nalalaman niya ang dako niyaon.
24 Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa,
At nakikita ang silong ng buong langit;
25 (G)Upang bigyan ng timbang ang hangin;
Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
26 Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan,
At ng daan sa kidlat ng kulog:
27 Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag;
Kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
28 At sa tao ay sinabi niya,
Narito, (H)ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan;
At ang (I)paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.
Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.
29 At (J)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
2 Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una,
Gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
3 (K)Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo
At sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
4 Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan,
Noong (L)ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
5 Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa,
At ang (M)aking mga anak ay nangasa palibot ko;
6 Noong ang aking mga hakbang ay (N)naliligo sa gatas,
At (O)ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
7 Noong ako'y lumalabas sa (P)pintuang-bayan hanggang sa bayan,
Noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
8 Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli,
At ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
9 Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap,
(Q)At inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik,
At ang (R)kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako;
At pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
12 Sapagka't aking (S)iniligtas ang dukha na dumadaing,
Ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin:
At aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
14 (T)Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako:
Ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
15 Ako'y naging (U)mga mata sa bulag,
At naging mga paa ako sa pilay.
16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan;
At ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
17 At aking (V)binali ang mga pangil ng liko,
At inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, Mamamatay ako (W)sa aking pugad,
At aking pararamihin ang aking mga kaarawan na (X)gaya ng buhangin:
19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig,
At ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking (Y)sanga:
20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin,
At (Z)ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay,
At nagsisitahimik sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli;
At ang aking pananalita ay (AA)tumutulo sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
At kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa (AB)huling ulan.
24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala:
At ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno,
At tumatahang gaya ng hari sa hukbo,
Gaya ng nangaaliw sa nananangis.
Idinadaing niya ang kaparusahan na kaniyang dinadanas, at ang malabis na pahirap sa kaniya ng Panginoon.
30 Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin,
(AC)Na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
2 Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan?
Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
3 Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom;
Kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
4 Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy;
At ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
5 Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao;
Sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
6 Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis,
Sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
7 Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay (AD)nagsisiangal;
Sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
8 Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao;
Sila'y mga itinapon mula sa lupain.
9 (AE)At ngayon ay naging kantahin nila ako,
Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
10 Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako,
At hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
11 Sapagka't (AF)kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako,
At kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
12 Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga;
Itinutulak nila ang aking mga paa,
At (AG)kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
13 Kanilang sinisira ang aking landas,
Kanilang isinusulong ang aking kapahamakan,
Mga taong walang tumulong.
14 Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan:
Sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
15 Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin,
Kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin;
At ang aking kaginhawahan ay napaparam na (AH)parang alapaap.
16 At (AI)ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko;
Mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
17 Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto,
At ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
18 Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot:
Tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
19 Inihahagis niya ako sa banlik,
At ako'y naging parang alabok at mga abo.
20 Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot:
Ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
21 Ikaw ay naging mabagsik sa akin:
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
22 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon;
At tinutunaw mo ako sa bagyo.
23 Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan,
At sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
24 Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog?
O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
25 (AJ)Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan?
Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
26 (AK)Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating:
At pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
27 Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga;
Mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
28 (AL)Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw;
Ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
29 Ako'y kapatid ng mga chakal, At mga kasama ng mga avestruz.
30 (AM)Ang aking balat ay maitim, at natutuklap,
(AN)At ang aking mga buto ay nagpapaltos.
31 Kaya't ang aking (AO)alpa ay naging panangis,
At ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
12 Nang ako'y (A)dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang (B)pinto sa Panginoon,
13 Ay hindi ako nagkaroon ng (C)katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, (D)ako'y napasa Macedonia.
14 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging (E)pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag (F)ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.
15 Sapagka't (G)sa mga inililigtas, at (H)sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;
16 Sa isa ay samyo (I)mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat (J)sa mga bagay na ito?
17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa (K)pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.
IKALAWANG AKLAT
Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.
42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
2 (B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
3 Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
4 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
5 (J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
6 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
7 (M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
8 Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
9 Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
7 Ang mayaman ay magpupuno sa dukha,
At ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978