The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Ang pagkamatuwid ni Job at ang kaniyang kayamanan.
1 May isang lalake sa lupain ng (A)Uz, na ang pangalan ay (B)Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at (C)humihiwalay sa kasamaan.
2 At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
3 Ang kaniyang pagaari naman ay pitong libong tupa, at tatlong libong kamelyo, at limang daang magkatuwang na baka, at limang daang asnong babae, at isang totoong malaking sangbahayan; na anopa't ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan.
4 At ang kaniyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawa't isa sa kanikaniyang kaarawan; at sila'y nangagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila.
5 At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at (D)naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka't sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at (E)itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi.
6 (F)Isang araw nga nang ang mga (G)anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si (H)Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.
7 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa (I)pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
8 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, (J)Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na (K)lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.
9 Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios?
10 Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa't dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pagaari ay dumami sa lupain.
11 Nguni't pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan,
12 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
Ang pagkasawing palad ni Job at ang kaniyang pagtitiis.
13 At nangyari isang araw, nang ang (L)kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay.
14 Na dumating ang isang sugo kay Job, at nagsabi, Ang mga baka ay nagsisipagararo, at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila:
15 At dinaluhong ng mga (M)Sabeo, at pinagdadala; oo, kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
16 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (N)Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
17 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (O)Ang mga Caldeo ay nagtatlong (P)pulutong, at dumaluhong sa mga kamelyo, at pinagdadala, oo, at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
18 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (Q)Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay:
19 At, narito, dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang, at hinampas ang apat na sulok ng bahay, at lumagpak sa mga binata, at sila'y nangamatay; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.
20 Nang magkagayo'y bumangon si Job, at (R)hinapak ang kaniyang balabal, at (S)inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;
21 At sinabi niya, (T)Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: (U)ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.
22 (V)Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.
Si Job ay nagkaroon ng mga bukol.
2 Nangyari uli na sa araw (W)nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon.
2 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa (X)pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
3 At sinabi (Y)ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya'y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako'y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng (Z)walang kadahilanan.
4 At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay.
5 (AA)Nguni't pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang (AB)itatakuwil ka ng mukhaan.
6 At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.
7 Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga (AC)masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo.
8 At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; (AD)at siya'y naupo sa mga abo.
9 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.
10 Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. (AE)Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? (AF)Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job (AG)ng kaniyang mga labi.
Dinalaw siya ng kaniyang tatlong kaibigan.
11 Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang (AH)lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila'y naparoon bawa't isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na (AI)Temanita, at si Bildad na (AJ)Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila'y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya.
12 At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng (AK)alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit.
13 Sa gayo'y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa (AL)na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka't kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki.
Ang unang pagsasalita ni Job. Sinumpa ang kaniyang kaarawan.
3 Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.
2 At si Job ay sumagot, at nagsabi,
3 (AM)Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin,
At ang gabi na nagsabi, May lalaking ipinaglihi.
4 Magdilim nawa ang kaarawang yaon;
Huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas,
Ni silangan man ng liwanag.
5 Ang (AN)dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon;
Pag-ulapan nawa yaon;
Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
6 Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman:
Huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon;
Huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.
7 Narito, mapagisa ang gabing yaon;
Huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.
8 Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw,
Ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.
9 Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon:
Maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon:
Ni huwag mamalas ang mga (AO)bukang liwayway ng umaga:
10 Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina,
O ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.
11 Bakit hindi pa ako (AP)namatay mula sa bahay-bata?
Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
12 (AQ)Bakit tinanggap ako ng mga tuhod?
O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
13 Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik;
Ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
14 Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa,
Na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
15 O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto,
Na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
16 (AR)O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay;
Gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
17 Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag;
At doo'y nagpapahinga ang pagod.
18 Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama;
Hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
19 Ang mababa at ang mataas ay nangaroon;
At ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
20 Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan,
At ng buhay ang kaluluwang nasa (AS)kahirapan;
21 Na naghihintay (AT)ng kamatayan, nguni't hindi dumarating;
At hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;
22 Na nagagalak ng di kawasa,
At nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?
23 Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad,
At ang (AU)kinulong ng Dios?
24 Sapagka't nagbubuntong hininga ako (AV)bago ako kumain,
At ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.
25 Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin,
At ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.
26 Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga;
Kundi kabagabagan ang dumarating.
14 Sundin ninyo ang pagibig; gayon ma'y maningas ninyong (A)pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu, nguni't lalo na ang kayo'y mangakapanghula.
2 Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga.
3 Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa (B)ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw.
4 Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay (C)nagpapatibay sa iglesia.
5 Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, (D)maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay.
6 Ngayon nga, mga kapatid, kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika, anong inyong pakikinabangin sa akin, maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng (E)pahayag, o ng (F)kaalaman, o ng panghuhula, o ng aral?
7 Kahit ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta, o alpa, kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa?
8 Sapagka't kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan, sino ang hahanda sa pakikibaka?
9 Gayon din naman kayo, kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan, paanong matatalos ang inyong sinasalita? sapagka't sa hangin kayo magsisipagsalita.
10 Halimbawa, mayroon ngang iba't ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang di may kahulugan.
11 Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig, magiging (G)barbaro ako sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging barbaro sa akin.
12 Gayon din naman kayo, na yamang kayo'y mapagsikap sa mga kaloob na ayon sa espiritu ay pagsikapan ninyong kayo'y magsisagana sa ikatitibay ng iglesia.
13 Kaya't ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya'y makapagpaliwanag.
14 Sapagka't kung ako'y nananalangin sa wika, ay nananalangin ang aking espiritu, datapuwa't ang aking pagiisip ay hindi namumunga.
15 Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: (H)aawit ako sa espiritu, at (I)aawit din naman ako sa pagiisip.
16 Sa ibang paraan, kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu, ang nasa kalagayan ng (J)di marunong, paanong siya'y makapagsasabi ng (K)Siya nawa, (L)sa iyong pagpapasalamat, palibhasa'y hindi nalalaman ang inyong sinasabi?
17 Sapagka't ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti, datapuwa't ang iba'y hindi napapagtibay.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (A)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (B)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (C)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(D)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (E)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (F)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (G)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (H)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (I)mangapupugnaw sila.
21 (J)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (K)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (L)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23 Ang lakad ng tao ay itinatag (M)ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24 Bagaman siya'y mabuwal, (N)hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (O)nagpapalimos ng tinapay.
26 (P)Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 (Q)Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(R)At manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
(S)Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978