The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang pagsalakay ng Asiria.
32 Pagkatapos ng mga (A)bagay na ito, at ng pagtatapat na ito, ay naparoon si Sennacherib na hari sa Asiria at pumasok sa Juda, at humantong laban sa mga bayan na nakukutaan, at kaniyang inisip sakupin upang kaniyahin.
2 At nang makita ni Ezechias na si Sennacherib ay dumating, at siya'y tumalaga na lumaban sa Jerusalem,
3 Ay nakipagsanggunian siya sa kaniyang mga prinsipe at sa kaniyang mga makapangyarihang lalake upang patigilin ang tubig sa mga bukal na nangasa labas ng bayan at kanilang tinulungan siya.
4 Sa gayo'y nagpipisan ang maraming tao sa bayan at kanilang pinatigil ang lahat na bukal, at ang batis na umaagos sa gitna ng lupain, na sinasabi, Bakit paririto ang mga hari sa Asiria, at makakasumpong ng maraming tubig?
5 At siya'y nagdalang tapang, at (B)itinayo niya ang lahat na kuta na nabagsak, at pinataas pa ang mga moog, at ang ibang kuta sa labas, at pinagtibay ang (C)Millo sa bayan ni David, at gumawa ng mga sandata at mga kalasag na sagana.
6 At siya'y naglagay ng mga pinunong kawal sa bayan na mangdidigma, at pinisan niya sila sa luwal na dako sa pintuang-bayan, at nagsalita na may kagandahang loob sa kanila, na sinasabi,
7 (D)Kayo'y mangagpakalakas at mangagpakatapang na mabuti, huwag ninyong katakutan o panglupaypayan man ang hari sa Asiria, o ang buong karamihan man na kasama niya; (E)sapagka't may lalong dakila sa atin kay sa kaniya:
8 Sumasakaniya ay (F)isang kamay na laman; nguni't (G)sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka, At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda.
Niwalang kabuluhan ni Sennacherib si Ezechias.
9 (H)Pagkatapos nito'y sinugo ni Sennacherib na hari sa Asiria ang kaniyang mga lingkod sa Jerusalem, (siya nga'y nasa harap ni Lachis, at ang kaniyang buong kapangyarihan ay sumasa kaniya,) kay Ezechias na hari sa Juda, at sa buong Juda na nasa Jerusalem, na sinasabi,
10 Ganito ang sabi ni Sennacherib na hari sa Asiria, Sa ano kayo nagsisiasa na kayo'y nagsisitahan sa pagkakubkob sa Jerusalem?
11 Hindi ba kayo hinihikayat ni Ezechias, upang kayo'y ibigay sa pagkamatay sa pamamagitan ng kagutom at ng kauhaw, na sinasabi, Ililigtas tayo ng Panginoon nating Dios sa kamay ng hari sa Asiria?
12 (I)Hindi ba ang Ezechias ding ito ang nagalis ng kaniyang mga mataas na dako at ng kaniyang mga dambana, at nagutos sa Juda at sa Jerusalem, na sinasabi, Kayo'y magsisisamba sa harap ng isang dambana, at sa ibabaw niyao'y mangagsusunog kayo ng kamangyan.
13 Hindi ba ninyo nalalaman, kung ano ang ginawa ko at ng aking mga magulang sa lahat ng bayan ng mga lupain? (J)Ang mga dios ba ng mga bansa ng mga lupain ay nakapagligtas sa anomang paraan ng kanilang lupain sa aking kamay?
14 Sino sa lahat ng mga dios ng mga bansang yaon na lubos na giniba ng aking mga magulang na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay, upang kayo'y mailigtas ng inyong Dios sa aking kamay?
15 Kaya't huwag nga kayong padaya kay Ezechias, ni hikayatin kayo ng ganitong paraan, ni paniwalaan man ninyo siya: sapagka't walang dios sa alinmang bansa o kaharian na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay, at sa kamay ng aking mga magulang: gasino pa nga kaya ang inyong Dios na makapagliligtas sa inyo sa aking kamay?
16 At ang (K)kaniyang mga lingkod ay nagsalita pa laban sa Panginoong Dios, at laban sa kaniyang lingkod na si Ezechias.
17 (L)Siya'y sumulat din ng mga sulat upang tungayawin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at upang magsalita laban sa kaniya, na sinasabi, Kung paanong hindi iniligtas ng mga dios ng mga bansa ng mga lupain ang kanilang bayan sa aking kamay, gayon hindi iniligtas ng Dios ni Ezechias ang kaniyang bayan sa aking kamay.
18 (M)At siya'y sumigaw ng malakas sa wikang Judio sa bayan ng Jerusalem na nasa kuta, upang takutin sila, at upang bagabagin sila; upang kanilang masakop ang bayan.
19 At sila'y nangagsalita tungkol sa Dios ng Jerusalem, na gaya sa mga dios ng mga bayan sa lupa, na gawa ng mga kamay ng mga tao.
Siya'y pinapangayumpapa at pinatay.
20 (N)At si Ezechias na hari, at (O)si Isaias na propeta na anak ni Amos, ay nagsidalangin dahil dito, at nagsidaing sa langit.
21 (P)At ang Panginoon ay nagsugo ng isang anghel, na naghiwalay ng lahat na makapangyarihang lalaking may tapang, at ng mga pangulo at mga pinunong kawal, sa kampamento ng hari sa Asiria. Sa gayo'y bumalik siya na (Q)nahihiya sa kaniyang sariling lupain. At nang siya'y dumating sa bahay ng kaniyang dios, ay pinatay siya roon ng tabak ng nagsilabas sa kaniyang sariling tiyan.
22 Ganito iniligtas ng Panginoon si Ezechias at ang mga taga Jerusalem sa kamay ni Sennacherib na hari, sa Asiria, at sa kamay ng lahat na iba, at pinatnubayan sila sa bawa't dako.
23 At marami ay nangagdala ng mga kaloob ng Panginoon sa Jerusalem, at ng mga mahalagang bagay kay Ezechias na hari sa Juda: na anopa't siya'y nataas sa paningin ng lahat na bansa mula noon.
Ang karamdaman ni Ezechias.
24 (R)Nang mga araw na yao'y nagkasakit ng ikamamatay si Ezechias: at siya'y dumalangin sa Panginoon; at siya'y nagsalita sa kaniya, at binigyan niya siya ng (S)tanda.
25 Nguni't si Ezechias ay (T)hindi nagbayad uli ng ayon sa kabutihang ginawa sa kaniya; (U)sapagka't ang kaniyang puso ay nagmataas: kaya't nagkaroon ng kapootan sa kaniya, at sa Juda, at sa Jerusalem.
26 Gayon ma'y nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kaniyang puso, siya, at gayon din ang mga taga Jerusalem, na anopa't ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila (V)sa mga kaarawan ni Ezechias.
Kayamanan at karangalan ni Ezechias.
27 At si Ezechias ay nagkaroon ng malabis na mga kayamanan at karangalan: at siya'y nagtaan para sa kaniya, ng mga ingatang-yaman na ukol sa pilak, at sa ginto; at sa mga mahalagang bato, at sa mga espisia, at sa mga kalasag, at sa lahat na sarisaring mabubuting mga sisidlan:
28 Mga kamalig din naman na ukol sa saganang trigo, at alak at langis; at mga silungan na ukol sa lahat na sarisaring hayop, at mga silungan na ukol sa mga kawan.
29 Bukod dito'y nagtaan siya sa kaniya ng mga bayan, at mga pagaari na mga kawan at mga bakahan na sagana: sapagka't binigyan siya ng Dios ng maraming tinatangkilik.
30 (W)Ang Ezechias ding ito ang nagpatigil ng pinakamataas na bukal ng tubig sa (X)Gihon, at ibinabang tuloy sa dakong kalunuran ng bayan ni David. At si Ezechias ay guminhawa sa lahat ng kaniyang mga gawa.
31 Gayon ma'y sa bagay ng mga sugo ng mga prinsipe sa Babilonia, na nangagsugo sa kaniya upang magusisa ng (Y)kagilagilalas na gawa sa lupain ay pinabayaan siya ng Dios (Z)upang tikman siya, upang kaniyang maalaman ang lahat na nasa kaniyang puso.
32 Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang kaniyang mga mabuting gawa, narito, nangakasulat sa (AA)pangitain ni Isaias na propeta na anak ni Amos, na (AB)aklat ng mga hari, sa Juda at Israel.
33 At si Ezechias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa ahunan ng mga libingan ng mga anak ni David: at binigyan siyang karangalan ng buong Juda at ng mga taga Jerusalem sa kaniyang kamatayan. At si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Ang paghahari ni Manases. Ang kaniyang pagsamba sa dios-diosan.
33 Si Manases ay (AC)may labing dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limang pu't limang taon sa Jerusalem.
2 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.
3 Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama: at siya'y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga Baal, at gumawa ng mga Asera, at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa mga yaon,
4 At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man.
5 At siya'y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon.
6 Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa (AD)libis ng anak ni Hinnom: (AE)at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
7 At siya'y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan, na kaniyang ginawa, sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man:
8 Ni babaguhin pa man ang paa ng Israel sa lupain na aking itinakda na ukol sa inyong mga magulang, kung kanila lamang isasagawa ang lahat na aking iniutos sa kanila, sa makatuwid baga'y ang buong kautusan at ang mga palatuntunan at ang mga ayos, sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
9 At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem, na anopa't sila'y nagsigawa ng higit na sama kay sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.
Ang parusa kay Manases at ang pagbabago.
10 At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't niwalang bahala nila.
11 Kaya't dinala ng (AF)Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia.
12 At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang.
13 At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios.
23 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga (A)lupaing ito, (B)at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,
24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, (C)at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—
25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, (D)ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.
26 Sapagka't (E)minagaling ng (F)Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.
27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. (G)Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.
28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila (H)ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.
29 At nalalaman ko (I)na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.
30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, (J)na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;
31 Upang ako'y maligtas (K)sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging (L)kalugodlugod sa mga banal;
32 Upang (M)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.
33 Ngayon (N)ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
16 Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa (O)Cencrea:
2 Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, (P)ayon sa nararapat sa (Q)mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at (R)ng aking sarili naman.
3 Batiin ninyo si (S)Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,
4 Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:
5 At batiin ninyo (T)ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, (U)na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.
6 Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.
7 Batiin ninyo si Andronico at si Junias, (V)na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, (W)na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.
8 Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon.
9 Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.
16 (A)Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin;
Sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati.
17 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki:
Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.
18 (B)Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam;
At ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami;
At pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.
20 Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako:
(C)Huwag nawa akong mapahiya, (D)sapagka't nanganganlong ako sa iyo.
21 Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran,
Sapagka't hinihintay kita.
22 (E)Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.
16 (A)Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala;
At tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala.
17 Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao:
Nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.
18 (B)Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo:
At sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay (C)makikipagdigma ka.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978