The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
22 Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga (A)bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng (B)Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng (C)hari sa Hesbon, at ang lupain ni (D)Og na hari, sa Basan.
23 Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga (E)bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin.
24 Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.
25 At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang (F)lupain, at nangagari ng mga (G)bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.
Ang panalangin ng mga Levita sa pagtatapat ng kanilang pang-bansang kasalanan.
26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, (H)at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang (I)iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
27 (J)Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.
28 Nguni't pagkatapos ng kanilang (K)kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.
29 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (L)(na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.
30 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: (M)kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.
31 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay (N)hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya (O)at maawaing Dios.
32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, (P)na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang (Q)hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, (R)mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
33 (S)Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:
34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.
35 Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.
36 Narito, (T)kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.
37 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.
38 At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na (U)nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng (V)aming mga saserdote.
Ang tipan ng bayan upang ingatan ang kautusan, at ganapin ang pagsamba sa templo.
10 (W)Yaon ngang nagsipagtakda ay: si (X)Nehemias, ang tagapamahala, na (Y)anak ni Hachalias, at si Sedecias;
2 Si (Z)Seraias, si (AA)Azarias, si Jeremias;
3 Si Pashur, si Amarias, si Malchias;
4 Si Hattus, si Sebanias, si Malluch;
5 Si Harim, si Meremoth, si Obadias;
6 Si Daniel, si Ginethon, si Baruch;
7 Si Mesullam, si Abias, si Miamin;
8 Si Maazias, si Bilgai, si Semeias: ang mga ito'y saserdote.
9 At ang mga Levita: sa makatuwid baga'y, si Jesua na anak ni Azanias, si Binnui, sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel;
10 At ang kanilang mga kapatid, si Sebanias, si Odaia, si Celita, si Pelaias, si Hanan;
11 Si Micha, si Rehob, si Hasabias;
12 Si Zachur, si Serebias, si Sebanias;
13 Si Odaia, si Bani, si Beninu;
14 Ang mga puno ng bayan: si Pharos, si Pahath-moab, si Elam, si Zattu, si Bani;
15 Si Bunni, si Azgad, si Bebai;
16 Si Adonias, si Bigvai, si Adin;
17 Si Ater, si Ezekias, si Azur;
18 Si Odaia, si Hasum, si Bezai;
19 Si Ariph, si Anathoth, si Nebai;
20 Si Magpias, si Mesullam, si Hezir;
21 Si Mesezabel, Sadoc, si Jadua;
22 Si Pelatias, si Hanan, si Anaias;
23 Si Hoseas, si Hananias, si Asub;
24 Si Lohes, si Pilha, si Sobec;
25 Si Rehum, si Hasabna, si Maaseias;
26 At si Ahijas, si Hanan, si Anan;
27 Si Malluch, si Harim, si Baana.
28 At ang nalabi sa bayan, ang mga (AB)saserdote, ang mga Levita, ang mga tagatanod-pinto, ang mga mangaawit, ang mga Nethineo, (AC)at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak, na lalake at babae, bawa't may kaalaman at kaunawaan;
29 Sila'y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, (AD)at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na (AE)lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan;
30 At hindi namin ibibigay ang aming mga (AF)anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake.
31 At kung ang mga bayan ng lupain ay (AG)mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong (AH)taon, at ang (AI)pagsingil ng bawa't utang.
32 Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:
33 (AJ)Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging (AK)handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang (AL)kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang (AM)itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,
34 (AN)At kami ay nangagsapalaran, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang bayan, dahil sa (AO)kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios, ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang (AP)sa mga panahong takda, taon-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios, gaya ng nasusulat sa (AQ)kautusan.
35 At upang dalhin ang mga unang (AR)bunga ng aming lupa, at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy, taon-taon, sa bahay ng Panginoon:
36 Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake, at sa aming hayop, (AS)gaya ng nasusulat sa kautusan, at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan, upang dalhin sa bahay ng aming Dios, sa mga saserdote, na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios:
37 At upang aming dalhin ang mga (AT)unang bunga ng aming harina, at ang aming mga handog na itataas, at ang bunga ng sarisaring punong kahoy, ang alak, at ang langis, sa mga saserdote, sa mga (AU)silid ng bahay ng aming Dios; at ang (AV)ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagka't sila, na mga Levita, ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran.
38 At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita, pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga (AW)ikasangpung bahagi; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios, sa mga silid sa loob ng (AX)bahay ng kayamanan.
39 Sapagka't ang mga anak ni Israel, at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas, na trigo, alak, at langis, sa mga silid, na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario, at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa, at ng mga tagatanod-pinto, at ng mga mangaawit: at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios.
19 Sapagka't (A)bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, (B)ay napaalipin ako sa lahat, upang ako'y makahikayat ng lalong marami.
20 At (C)sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan;
21 Sa mga walang kautusan, (D)ay tulad sa walang kautusan, (E)bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan.
22 Sa mga mahihina ako'y nagaring (F)mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan.
23 (G)At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio, upang ako'y makasamang makabahagi nito.
24 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? (H)Magsitakbo kayo ng gayon; upang (I)magsipagtamo kayo.
25 At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang (J)putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong (K)walang pagkasira.
26 Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng (L)sumusuntok sa hangin:
27 Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking (M)sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay (N)itakuwil.
10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (O)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (P)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;
2 At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;
3 At (Q)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;
4 At (R)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.
5 Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; (S)sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.
6 Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (T)gaya naman nila na nagsipagnasa.
7 Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, (U)Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.
8 Ni huwag din naman tayong (V)makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang (W)nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.
9 Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at (X)nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.
10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at (Y)nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.
11 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at (Z)pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.
12 Kaya't (AA)ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.
13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (AB)tapat ang Dios, (AC)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.
Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.
34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
2 Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
3 Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
4 (D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
5 Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
6 Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
7 (F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
8 (H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
9 Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
13 (A)Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha,
Siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978