Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Nehemias 12:27-13:31

Ang pagtatalaga ng kuta.

27 At sa pagtatalaga ng kuta ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita mula sa (A)lahat nilang dako upang dalhin nila sila sa Jerusalem, na ipagdiwang ang pagtatalaga na may kasayahan, na may mga pagpapasalamat, at may mga awitan din (B)may mga cimbalo, mga salterio, at may mga alpa.

28 At ang mga anak ng mga mangaawit ay nagpipisan mula sa (C)kapatagan ng palibot ng Jerusalem, at mula sa mga nayon ng mga Netophatita;

29 Mula rin naman sa Beth-gilgal, at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth: sapagka't nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem.

30 At ang mga saserdote at ang mga Levita ay (D)nangagpakalinis; at kanilang nilinis ang bayan, at ang mga pintuang-bayan, at ang kuta.

31 Nang magkagayo'y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta, at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod; (E)na ang isa'y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng (F)pintuang-bayan ng tapunan ng dumi;

32 At sumusunod sa kanila si Osaias, at ang kalahati sa mga prinsipe sa Juda,

33 At si Azarias, si Ezra, at si Mesullam,

34 Si Juda, at si Benjamin, at si Semaias, at si Jeremias,

35 At ang iba sa mga anak ng mga saserdote na (G)may mga pakakak: si Zacarias na anak ni Jonathan, na anak ni Semaias, na anak ni Mathanias, na anak ni Micaya, na anak ni Zacur, na anak ni Asaph;

36 At ang kaniyang mga kapatid, na si Semaias, at si Azarel, si Milalai, si Gilalai, si Maai, si Nathanael, at si Juda, si Hanani, (H)na may mga panugtog ng tugtugin ni David na lalake ng Dios; at si Ezra na kalihim ay nasa unahan nila:

37 (I)At sa tabi ng pintuang-bayan ng bukal, at nagtuwid sila sa harapan nila, na sila'y nagsisampa sa mga baytang ng bayan ni David sa sampahan sa kuta, sa ibabaw ng bahay ni David, (J)hanggang sa pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan.

38 (K)At ang isang pulutong nila na nagpapasalamat ay yumaong sinalubong sila, at ako'y sa hulihan nila, na kasama ko ang kalahati ng bayan sa ibabaw ng kuta, sa itaas ng (L)moog ng mga hurno, (M)hanggang sa maluwang na kuta;

39 (N)At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa (O)matandang pintuang-bayan at sa (P)pintuang-bayan ng mga isda, at sa (Q)moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila'y nagsitayong nangakatigil sa (R)pintuang-bayan ng bantay.

40 Sa gayo'y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios, at ako, at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko.

41 At ang mga saserdote, si Eliacim, si Maaseias, si Miniamin, si Michaias, si Elioenai, si Zacarias, at si Hananias, na may mga pakakak;

42 At si Maaseias, at si Semeias, at si Eleazar, at si Uzzi, at si Johanan, at si Malchias, at si Elam, at si Ezer. At ang mga mangaawit ay nagsiawit ng malakas, na kasama si Jezrahias, na tagapamahala sa kanila.

43 At sila'y nangaghandog ng malalaking hain ng araw na yaon, at nangagalak; (S)sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Dios ng di kawasa; at ang mga babae naman at ang mga bata ay nangagalak: na anopa't ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo.

44 (T)At nang araw na yaon ay nahalal ang ilan sa mga lalake sa mga (U)silid na ukol sa mga kayamanan, sa mga handog na itataas, sa mga unang bunga, at sa mga ikasangpung bahagi, upang pisanin sa mga yaon, ayon sa mga bukid ng mga bayan, na mga bahaging takda ng kautusan sa mga saserdote at mga Levita: sapagka't kinagagalakan ng Juda ang mga saserdote at mga Levita na nagsitayo.

45 At sila'y nangagingat ng tungkulin sa kanilang Dios, at ng tungkulin sa paglilinis, (V)at gayong ginawa ng mga mangaawit at mga tagatanod-pinto, ayon sa utos ni David, at ni Salomon sa kaniyang anak.

46 Sapagka't sa mga kaarawan ni David (W)at ni Asaph ng una ay may pinuno sa mga mangaawit, at mga awit na pagpuri at pasasalamat sa Dios.

47 At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel, at sa mga kaarawan ni Nehemias, ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit, at mga tagatanod-pinto, (X)ayon sa kailangan sa bawa't araw: at kanilang (Y)itinalaga sa mga Levita; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron.

Mga batas sa paglilingkod sa templo.

13 Nang araw na yaon ay (Z)bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan; (AA)at doo'y nasumpungang nakasulat, na ang Ammonita at Moabita, ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man.

Sapagka't hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig, kundi inupahan si (AB)Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila: (AC)gayon ma'y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa.

At nangyari, nang kanilang marinig ang kautusan, na (AD)inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang (AE)halohalo.

Si Tobias ay pinaalis sa templo.

Bago nga nangyari ito, si (AF)Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa'y nakipisan kay (AG)Tobias.

Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na (AH)kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote.

Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: (AI)sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na (AJ)hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:

At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.

At ikinamanglaw kong mainam: kaya't aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.

Nang magkagayo'y nagutos ako, at (AK)nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan.

10 At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay (AL)hindi nangabigay sa kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang (AM)bukid.

11 Nang magkagayo'y (AN)nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan.

12 Nang magkagayo'y dinala ng (AO)buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.

13 (AP)At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka't sila'y nangabilang na (AQ)tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid.

14 (AR)Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon.

Ang pagsuway sa sabbath ay natigil.

15 Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa (AS)sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang (AT)ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.

16 Doo'y nagsisitahan naman ang mga taga (AU)Tiro, na nangagpapasok ng isda, at ng sarisaring kalakal, at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda, at sa Jerusalem.

17 (AV)Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda, at sinabi ko sa kanila, Anong masamang bagay itong inyong ginagawa, at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath?

18 (AW)Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin, at sa bayang ito? gayon ma'y nangagdala pa kayo ng higit na pagiinit sa Israel, sa paglapastangan ng sabbath.

19 At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim (AX)bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.

20 Sa gayo'y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal, ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa.

21 Nang magkagayo'y nagpatotoo ako laban sa kanila, at nagsabi sa kanila, Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta? kung kayo'y magsigawa uli ng ganiyan, aking pagbubuhatan ng kamay kayo. Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath.

22 At ako'y nagutos sa mga Levita (AY)na sila'y mangagpakalinis, at sila'y magsiparoon, at ingatan ang mga pintuang-bayan, upang ipangilin ang araw ng sabbath. Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, dito man, at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan.

Sinumpa ang pagaasawa sa taga ibang lupa.

23 Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na (AZ)nangagaasawa sa mga babae ng (BA)Asdod, ng (BB)Ammon, at ng Moab:

24 At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod, at hindi makapagsalita ng wikang Judio, kundi ayon sa wika ng bawa't bayan.

25 At ako'y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at (BC)pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo'y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili.

26 (BD)Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y (BE)minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.

27 Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na (BF)sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?

28 At isa sa mga anak ni (BG)Joiada, na anak ni (BH)Eliasib na dakilang saserdote, ay manugang ni (BI)Sanballat na Horonita: kaya't aking pinalayas siya sa akin.

29 (BJ)Alalahanin mo sila, Oh Dios ko, sapagka't (BK)kanilang dinumhan ang pagkasaserdote, at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita.

30 Ganito ko (BL)nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa, at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita, na bawa't isa'y sa kaniyang gawain;

31 At tungkol sa (BM)kaloob na panggatong, sa mga takdang (BN)panahon, at tungkol sa mga unang bunga. (BO)Alalahanin mo ako, Oh Dios ko, sa ikabubuti.

1 Corinto 11:1-16

11 (A)Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo.

(B)Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, (C)at iniingatan ninyong matibay ang (D)mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo.

Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, (E)na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at (F)ang pangulo ng babae ay ang lalake, at (G)ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

Ang bawa't lalaking nanalangin, o (H)nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.

Datapuwa't ang (I)bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan.

Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung (J)kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.

Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y (K)larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.

Sapagka't (L)ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:

Sapagka't (M)hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;

10 Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, (N)dahil sa mga anghel.

11 Gayon man, ang babae ay di maaaring walang (O)lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, (P)sa Panginoon.

12 Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.

13 Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?

14 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

15 Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.

16 Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, (Q)ni ang iglesia man ng Dios.

Mga Awit 35:1-16

Panalangin sa pagliligtas sa kaaway. Awit ni David.

35 (A)Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin:
Lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
(B)Humawak ka ng kalasag at ng longki,
At tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin:
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
Ako'y iyong kaligtasan.
(C)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
(D)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
Maging madilim nawa, at (E)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (F)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
(G)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (H)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon:
(I)Magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, (J)sino ang gaya mo,
Na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya,
Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo;
Sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 (K)Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
Sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
(L)Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay (M)nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid:
Ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipipisan:
Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan,
(N)Kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.

Mga Kawikaan 21:17-18

17 Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha:
Ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.
18 (A)Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid,
At ang taksil ay sa lugar ng matuwid.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978