The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Nagtanyag ng ayuno.
21 Nang magkagayo'y (A)nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y (B)magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pagaari.
22 Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang (C)kamay ng ating Dios ay (D)sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na (E)nagpapabaya sa kaniya.
23 Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya (F)tayo.
24 Nang magkagayo'y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote, sa makatuwid baga'y si (G)Serebias, si Hasabias, at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila.
25 At tinimbang sa kanila ang (H)pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, sa makatuwid baga'y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon:
26 Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak, at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento: sa ginto ay isang daang talento;
27 At dalawang pung (I)mangkok na ginto, na may isang libong dariko; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso, na halagang gaya ng ginto.
28 At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga (J)sisidlan ay natatalaga; (K)at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.
29 Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga (L)silid ng bahay ng Panginoon.
30 Sa gayo'y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto, at ng mga sisidlan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng ating Dios.
31 Nang magkagayo'y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng (M)Ahava, nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas niya tayo sa (N)kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan.
32 (O)At tayo ay nagsidating sa Jerusalem, at nagsitahan doon na tatlong araw.
33 At nang ikaapat na araw, ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay (P)natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni (Q)Meremoth na anak ni Urias na saserdote (at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees; at kasama nila si (R)Jozabad na anak ni Jesua, at si Noadias na anak ni Binnui, na mga Levita)—
34 Ang kabuoan sa pamamagitan ng bilang, at ng timbang: at ang buong timbang ay nasulat nang panahong yaon.
35 (S)Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na pu't anim na lalaking tupa, pitong pu't pitong kordero, (T)labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng ito'y handog na susunugin sa Panginoon.
36 At kanilang (U)ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari, at sa mga (V)tagapamahala sa dako roon ng Ilog: at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios.
Mga kasalanan sa panahon ng pagkabihag.
9 Nang magawa nga ang mga bagay na ito, ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin, na nangagsasabi: Ang bayan ng Israel, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, ay hindi (W)nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain, na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal, sa makatuwid baga'y ang mga Cananeo, ang mga Hetheo, ang mga Pherezeo, ang mga Jebuseo, ang mga Ammonita, ang mga Moabita, ang mga taga Egipto, at ang mga (X)Amorrheo.
2 Sapagka't kinuha nila ang kanilang mga (Y)anak na babae sa ganang kanilang sarili, at sa kanilang mga anak na lalake, na anopa't ang (Z)banal na binhi ay (AA)nahalo nga sa bayan ng mga lupain: oo, ang kamay ng mga prinsipe at ng mga (AB)pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito.
3 At nang mabalitaan ko ang bagay na ito, aking (AC)hinapak ang aking suot at ang aking balabal, at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba, at ako'y naupong natitigilan.
4 Nang magkagayo'y nagpipisan sa akin ang lahat na (AD)nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako'y naupong natitigilan hanggang sa (AE)pagaalay sa hapon.
Ang pagtatapat ni Ezra at ang kaniyang panalangin tungkol sa pagaasawa sa mga taga ibang lupa.
5 At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba, na hapak ang aking suot at ang aking balabal; at ako'y lumuhod ng aking mga tuhod, at (AF)iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios;
6 At aking sinabi, Oh aking Dios; ako'y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo, na aking Dios: (AG)sapagka't ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay (AH)umabot hanggang sa langit.
7 Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa (AI)kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito.
8 At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang (AJ)pako sa kaniyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng (AK)kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin.
9 Sapagka't kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng (AL)kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem.
10 At ngayon, Oh aming Dios, ano ang aming sasabihin pagkatapos nito? sapagka't aming pinabayaan ang iyong mga utos.
11 Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsasabi, Ang lupain, na inyong pinaroroonan upang ariin, ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain, dahil sa kanilang mga karumaldumal, na pinuno sa dulo't dulo ng kanilang karumihan.
12 Ngayon nga'y (AM)huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, ni kunin man ninyo ang kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, ni (AN)hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang kaginhawahan magpakailan man: na kayo baga'y magsilakas, at magsikain ng buti ng lupain, at iwan ninyo na pinakamana sa inyong mga anak magpakailan man.
13 At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin, ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan mo kami ng ganitong nalabi.
14 Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos, at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa iyong malipol kami, na anopa't huwag magkaroon ng nalabi, o ng sinomang nakatanan.
15 Oh Panginoon, na Dios ng Israel, (AO)ikaw ay matuwid, sapagka't kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan, na gaya sa araw na ito: narito, kami ay nangasa harap mo sa aming sala; sapagka't walang makatatayo sa harap mo dahil dito.
5 Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may (A)pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, (B)na isa sa inyo'y nagaari ng (C)asawa ng kaniyang ama.
2 At kayo'y mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangalumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito.
3 Sapagka't ako (D)sa katotohanan, bagama't wala sa harapan ninyo sa katawan nguni't ako'y nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa ako'y nahaharap,
4 Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, (E)na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,
5 Upang ang ganyan ay ibigay (F)kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa (G)araw ng Panginoong Jesus.
6 (H)Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. (I)Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak?
7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si (J)Cristo:
8 Kaya nga (K)ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.
9 Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid;
10 Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka't kung gayo'y kinakailangang (L)magsialis kayo sa sanglibutan:
11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama (M)sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
12 Sapagka't ano sa akin ang humatol (N)sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol (O)sa nangasa loob?
13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. (P)Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
Awit ng pagtutol at pagpapasalamat. Sa Pangulong manunugtog.
31 Sa (A)iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako;
Huwag akong mapahiya kailan man;
Palayain mo ako sa iyong katuwiran.
2 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali:
Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin,
Bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
3 (B)Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta;
(C)Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
4 (D)Hugutin mo ako sa (E)silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
5 (F)Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa;
Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
6 Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan:
(G)Nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
7 Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob:
Sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian:
Iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
8 At hindi mo (H)kinulong sa kamay ng kaaway;
(I)Iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
21 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis:
Kumikiling saan man niya ibigin.
2 (A)Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978