The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Si Mardocheo ay nagsabi kay Esther upang mamagitan.
4 Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, (A)hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot, at (B)nanamit ng kayong magaspang na may mga abo, at lumabas sa gitna ng bayan, at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw:
2 At siya'y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari: sapagka't walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo.
3 At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng (C)pagaayuno, at ng iyakan at ng taghuyan; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo.
4 At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang (D)mga kamarero ay nagsiparoon, at isinaysay sa kaniya; at ang reina ay namanglaw na mainam: at siya'y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo, at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang: nguni't hindi niya tinanggap.
5 Nang magkagayo'y tinawag ni Esther si Atach, na isa sa mga kamarero ng hari, na siya niyang inihalal na magingat sa kaniya, at binilinan niyang pumaroon kay Mardocheo, upang maalaman kung ano yaon, at kung bakit gayon.
6 Sa gayo'y nilabas nga ni Atach si Mardocheo, sa luwal na dako ng bayan, na nasa harap ng pintuang-daan ng hari.
7 At isinaysay sa kaniya ni Mardocheo ang lahat na nangyari sa kaniya, at (E)ang lubos na kabilangan ng salapi na ipinangako ni Aman na ibayad sa mga ingatang-yaman ng hari hinggil sa mga Judio, upang lipulin sila.
8 Binigyan din niya siya (F)ng salin ng pasiya na natanyag sa Susan upang lipulin sila, upang ipakilala kay Esther, at ipahayag sa kaniya: at upang ibilin sa kaniya na siya'y paroon sa hari upang mamanhik sa kaniya, at upang hingin sa kaniya, dahil sa kaniyang bayan.
9 At si Atach ay naparoon, at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo.
10 Nang magkagayo'y nagsalita si Esther kay Atach, at nagpasabi kay Mardocheo, na sinasabi,
11 Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam, na sinoman, maging lalake o babae, na paroroon sa hari (G)sa pinakaloob na looban, na hindi tinatawag, may (H)isang kautusan sa kaniya, na siya'y patayin, liban yaong (I)paglawitan ng hari ng gintong cetro, upang siya'y mabuhay: nguni't hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito.
12 At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther.
13 Nang magkagayo'y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther: Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari, ng higit kay sa lahat na mga Judio.
14 Sapagka't kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito, ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako, nguni't ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak: at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito?
15 Nang magkagayo'y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo:
16 Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man (J)na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay.
17 Sa gayo'y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya.
Ang hari at si Aman sa piging ni Esther.
5 Nangyari nga, (K)nang ikatlong araw, na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina, at tumayo (L)sa pinakaloob ng bahay ng hari, sa tapat ng bahay-hari; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari, sa tapat ng pasukan sa bahay.
2 At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na (M)siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit (N)ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo (O)kahit kalahati ng kaharian.
4 At sinabi ni Esther, Kung inaakalang mabuti ng hari, pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya.
5 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther. Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther.
6 (P)At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak: (Q)Ano ang iyong hingi? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.
7 Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito;
8 Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari, at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi, at gawin ang aking hiling, na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila, at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari.
Nagpagawa si Aman ng bibitayan para kay Mardocheo.
9 Nang magkagayo'y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso: nguni't nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, (R)na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya, siya'y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo.
10 Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili, at umuwi sa bahay; at siya'y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si (S)Zeres na kaniyang asawa.
11 At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan, at (T)ang karamihan ng kaniyang mga anak, at lahat ng bagay na (U)ipinagkaloob ng hari sa kaniya, at kung paanong siya'y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari.
12 Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari.
13 Gayon ma'y ang lahat ng ito'y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari.
14 Nang magkagayo'y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya: Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas, at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo: kung magkagayo'y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan. At ang bagay ay nakalugod kay Aman; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan.
Si Mardocheo ay pinarangalan ng hari.
6 Nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari; at kaniyang iniutos na dalhin (V)ang aklat ng mga alaala ng mga gawa, at mga binasa sa harap ng hari.
2 At nasumpungang nakasulat, na si Mardocheo ay nagsaysay tungkol kay (W)Bigthana at kay Teres, dalawa sa mga kamarero ng hari, sa nangagingat ng pintuan na nangagisip magbuhat ng kamay sa haring Assuero.
3 At sinabi ng hari, Anong karangalan at kamahalan ang nagawa kay Mardocheo sa bagay na ito? Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya, Walang anomang nagawa sa kaniya.
4 At sinabi ng hari, Sino ang nasa looban? Si Aman nga ay pumasok (X)sa looban ng bahay ng hari, (Y)upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya.
5 At ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya. Narito, si Aman ay nakatayo sa looban. At sinabi ng hari, Papasukin siya.
6 Sa gayo'y pumasok si Aman. At ang hari ay nagsabi sa kaniya, Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili: Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin?
7 At sinabi ni Aman sa hari, Sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari,
8 Ay dalhan ng damit-hari na isinusuot ng hari, at (Z)ng kabayo na sinasakyan ng hari, at putungan sa ulo ng putong na hari:
9 At ang bihisan at ang kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari, upang bihisang gayon ang lalake na kinalulugdang parangalin ng hari, at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan, at itanyag sa unahan niya; Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari.
10 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Aman, Ikaw ay magmadali, at kunin mo ang bihisan at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mong gayon kay Mardocheo, na Judio, na nauupo sa pintuang-daan ng hari; huwag magkulang ang anomang bagay sa lahat na iyong sinalita.
11 Nang magkagayo'y kinuha ni Aman ang bihisan at ang kabayo, at binihisan si Mardocheo, at pinasakay sa lansangan ng bayan, at nagtanyag sa unahan niya: Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari.
12 At si Mardocheo ay bumalik sa pintuang-daan ng hari. Nguni't si Aman ay nagmadaling umuwi, na tumatangis (AA)at may takip ang ulo.
13 At isinaysay ni Aman kay Zeres na kaniyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang bawa't bagay na nangyari sa kaniya. Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga pantas na lalake, at ni (AB)Zeres na kaniyang asawa sa kaniya: Kung si Mardocheo, na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap, ay sa binhi ng mga Judio, hindi ka mananaig laban sa kaniya, kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya.
14 Samantalang sila'y nakikipagsalitaan pa sa kaniya, dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman (AC)sa pigingan na inihanda ni Esther.
Si Aman ay binitay.
7 Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina.
2 At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak: (AD)Ano ang iyong hingi, reina Esther? at ibibigay sa iyo: at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.
3 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling:
4 Sapagka't kami ay naipagbili, (AE)ako at ang aking bayan (AF)upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Nguni't kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae, ako'y tumahimik, bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari.
5 Nang magkagayo'y nagsalita ang haring Assuero, at nagsabi kay Esther na reina: Sino siya, at saan nandoon siya, na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon?
6 At sinabi ni Esther, Ang isang kaaway at kaalit: itong masamang si Aman. Nang magkagayo'y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina.
7 At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot, at pumasok sa (AG)halamanan ng bahay-hari: at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina; sapagka't nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari.
8 Nang magkagayo'y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther. Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman.
9 Nang magkagayo'y (AH)sinabi ni Harbona, na isa sa kamarero na nasa harap ng hari: Narito naman, ang (AI)bibitayan na may limang pung siko ang taas, na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo, na siyang nagsalita sa (AJ)ikabubuti ng hari, ay nakatayo sa bahay ni Aman. At sinabi ng hari, Bitayin siya roon.
10 Sa gayo'y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo. Nang magkagayo'y (AK)napayapa ang kapootan ng hari.
12 Ngayong tungkol (A)sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.
2 Nalalaman ninyo (B)na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo (C)sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo.
3 Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala (D)sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay (E)itinakwil; at wala (F)sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
4 Ngayo'y (G)may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't (H)iisang Espiritu.
5 At may (I)iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.
6 At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang (J)Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
7 Datapuwa't sa bawa't isa (K)ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.
8 Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng (L)karunungan; at sa iba'y ang salita ng (M)kaalaman ayon din sa Espiritu:
9 Sa iba'y ang (N)pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang (O)mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.
10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang (P)pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang (Q)iba't ibang wika; at sa iba'y ang (R)pagpapaliwanag ng mga wika.
11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.
12 Sapagka't (S)kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, (T)maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay (U)pinainom sa (V)isang Espiritu.
14 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.
15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.
17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy.
18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.
19 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?
20 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.
21 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.
22 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina:
23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;
24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;
25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.
26 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap (W)ay nangagagalak na kasama niya.
Kasalanan ng tao at ang pagibig ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni (A)David na lingkod ng Panginoon.
36 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso:
(B)Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
2 (C)Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata,
Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
3 Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan:
(D)Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
4 Siya'y kumakatha ng (E)kasamaan sa kaniyang higaan;
Siya'y lumagay (F)sa isang daan na hindi mabuti;
Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
5 Ang iyong kagandahang-loob, (G)Oh Panginoon, ay nasa mga langit:
Ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
6 (H)Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios:
Ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman:
Oh Panginoon, iyong iniingatan (I)ang tao at hayop.
7 (J)Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios!
At ang mga anak ng mga tao ay (K)nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
8 Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng (L)iyong bahay;
At iyong paiinumin sila (M)sa (N)ilog (O)ng iyong kaluguran.
9 (P)Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay:
(Q)Sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
10 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa (R)kanila na nangakakakilala sa iyo:
At ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso.
11 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan,
At huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama.
12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan:
Sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978