The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.
Ang unang pagsasalita ni Bildad. Ipinagtanggol ang katarungan ng Dios.
8 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Bildad na Suhita, at nagsabi,
2 Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito?
At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
3 (B)Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios?
O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
4 Kung ang (C)iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya,
At kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
5 Kung hanapin (D)mong mainam ang Dios,
At iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
6 Kung ikaw ay malinis at matuwid;
Walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo.
At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
7 At bagaman ang iyong pasimula ay maliit,
Gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
8 (E)Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon,
At pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
9 (F)(Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman,
Sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay (G)anino:)
10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo,
At mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
11 Makatataas ba ang yantok ng walang putik?
Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
12 (H)Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol,
Natutuyong una kay sa alin mang damo.
13 Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios;
At ang (I)pagasa ng di banal ay mawawala:
14 Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam,
At ang kaniyang tiwala ay isang (J)bahay gagamba.
15 Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo;
Siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
16 Siya'y sariwa sa harap ng araw,
At ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
17 Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton,
Kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18 Kung siya'y magiba sa kaniyang dako,
Kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
19 Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad,
At (K)mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
20 Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao,
Ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
21 Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa,
At ang iyong mga labi ng paghiyaw.
22 Silang nangapopoot sa iyo ay
(L)mabibihisan ng pagkahiya;
At ang tolda ng masama ay mawawala.
Ang ikatlong pagsasalita ni Job. Inilahad ang kapangyarihan ng Dios.
9 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon:
(M)Nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya,
Siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4 (N)Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan:
Sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman,
Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6 (O)Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan,
At ang mga haligi nito ay (P)nangayayanig.
7 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat;
At nagtatakda sa mga bituin.
8 (Q)Na nagiisang inuunat ang langit,
At tumutungtong sa mga (R)alon ng dagat.
9 (S)Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade,
At sa mga silid ng timugan.
10 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod;
Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita:
Siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12 (T)Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya?
Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit;
Ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya,
At mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15 (U)Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya;
Ako'y mamamanhik sa aking hukom.
16 Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin;
Gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17 Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo,
At pinararami ang aking mga sugat (V)ng walang kadahilanan.
18 Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga,
Nguni't nililipos niya ako ng hirap.
19 Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan!
At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20 Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol (W)sa akin:
Kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
21 Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili;
Aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22 Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi:
Kaniyang ginigiba (X)ang sakdal at ang masama.
23 Kung ang (Y)panghampas ay pumapatay na bigla,
Tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama:
Kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito;
(Z)Kung hindi siya, sino nga?
Ang di pagkaalam ni Job ay hindi naging tanggulan.
25 Ngayo'y (AA)ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang (AB)sugo:
Dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26 Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan:
(AC)Parang agila na dumadagit ng huli.
27 (AD)Kung aking sabihin:
Aking kalilimutan ang aking daing,
Aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at (AE)magpapakasaya ako:
28 Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan,
Talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29 Ako'y mahahatulan;
Bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30 Kung ako'y maligo ng nieveng tubig,
At gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31 Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay,
At kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32 Sapagka't siya'y (AF)hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya,
Na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33 Walang hukom sa pagitan natin,
Na makapaglagay ng (AG)kaniyang kamay sa ating dalawa.
34 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod,
At huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya;
Sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.
Siya ay tumututol sa kalabisang parusa ng Panginoon.
10 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay;
(AH)Aking palalayain ang aking daing;
(AI)Ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan;
Ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
3 (AJ)Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati,
Na iyong (AK)itakuwil ang (AL)gawa ng iyong mga kaaway,
At iyong pasilangin ang payo ng masama?
4 (AM)Ikaw ba'y may mga matang laman,
O (AN)nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
5 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
O ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
6 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan,
At magusisa ng aking kasalanan,
7 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama;
At walang makapagliligtas sa iyong kamay?
8 (AO)Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin
(AP)Sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na (AQ)gaya ng putik;
At iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas,
At binuo mo akong parang keso?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman,
At sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob,
At pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso;
Talastas ko na (AR)ito'y sa iyo:
14 Kung ako'y magkasala, (AS)iyo nga akong tinatandaan,
At hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko;
At kung ako'y maging matuwid, hindi ko man (AT)itataas ang aking ulo;
Yamang puspos ng kakutyaan,
At ng pagmamasid niring kadalamhatian.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang (AU)leon:
At napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin,
At dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin;
(AV)Paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
18 (AW)Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata?
Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay;
Nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
20 (AX)Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga,
At ako'y iyong bayaan, upang ako'y (AY)maginhawahan ng kaunti,
21 (AZ)Bago ako manaw doon na hindi ako babalik,
(BA)Sa lupain ng kadiliman at (BB)ng lilim ng kamatayan;
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman;
Lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos,
At doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
Ang unang pagsasalita ni Sophar. Binibintangan niya si Job ng pagmamataas at kawalang kabanalan.
11 Nang magkagayo'y sumagot si (BC)Sophar na Naamathita, at nagsabi,
2 Hindi ba sasagutin ang (BD)karamihan ng mga salita?
At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
3 Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog.
At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
4 Sapagka't (BE)iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay,
At ako'y malinis sa iyong mga mata.
5 Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita,
At bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
6 At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan,
Pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa.
Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
7 (BF)Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik?
Masusumpungan mo ba sa (BG)kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
8 Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa?
Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
9 Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa.
At maluwang kay sa dagat.
10 Kung siya'y dumaan (BH)at magsara,
At tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
11 Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang (BI)tao:
Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
12 Nguni't (BJ)ang walang kabuluhang tao ay walang unawa,
Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
Pinapaglilinis ni Sophar si Job sa mga kasalanan.
13 Kung iyong ihahanda ang iyong puso,
At iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
14 Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo,
At huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
15 (BK)Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan;
Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
16 Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan;
(BL)Iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
17 At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat;
Bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
18 At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa;
Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
19 (BM)Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo;
Oo, maraming liligaw (BN)sa iyo.
20 Nguni't ang mga (BO)mata ng masama ay mangangalumata,
At mawawalan sila ng daang tatakasan,
At ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.
15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, (A)ang evangelio (B)na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, (C)na siya naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo (D)kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, (E)maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
3 Sapagka't ibinigay ko (F)sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay (G)dahil sa ating mga kasalanan, (H)ayon sa mga kasulatan,
4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw (I)ayon sa mga kasulatan;
5 At siya'y (J)napakita kay (K)Cefas, (L)at saka sa labingdalawa;
6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa't ang mga iba'y (M)nangatulog na;
7 Saka napakita kay Santiago; at saka (N)sa lahat ng mga apostol;
8 At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya (O)sa akin.
9 (P)Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't (Q)pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng (R)Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus (S)ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: (T)bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.
12 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, (U)bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?
13 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
15 Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't (V)aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.
16 Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y (W)nasa inyong mga kasalanan pa.
18 Kung gayon nga, ang mga (X)nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.
19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.
20 Datapuwa't si (Y)Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging (Z)pangunahing bunga ng nangatutulog.
21 Sapagka't (AA)yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; (AB)pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya (AC)ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan (AD)ang lahat niyang mga kaaway.
26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay (AE)ang kamatayan.
27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, (AF)ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
28 At kung ang lahat ng mga bagay ay (AG)mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak (AH)rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
Panalangin ng nagdudusang lingkod. Awit ni (A)David, sa pagaalaala.
38 Oh Panginoon, (B)huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit:
Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 Sapagka't ang (C)iyong mga pana ay nagsitimo sa akin,
At (D)pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
3 Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit;
(E)Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
4 Sapagka't ang (F)aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo:
Gaya ng isang pasang mabigat ay (G)napakabigat sa akin.
5 (H)Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok,
Dahil sa aking kamangmangan.
6 Ako'y nahirapan at ako'y (I)nahukot;
Ako'y tumatangis buong araw.
7 Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap;
At walang kagalingan sa aking laman.
8 Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam:
(J)Ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
9 Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo;
At ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
10 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata:
Tungkol sa (K)liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
11 (L)Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap;
At ang aking mga kamaganak (M)ay nakalayo.
12 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay (N)nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin;
(O)At silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay,
At nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
13 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig;
(P)At ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
14 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig,
At sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
15 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako:
Ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
16 Sapagka't aking sinabi: (Q)Baka ako'y kagalakan nila:
Pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
17 Sapagka't ako'y madali ng mahulog,
At ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan;
(R)Aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buháy at malalakas:
At silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay (S)dumami.
20 (T)Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti
Ay mga kaaway ko, (U)sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon:
Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
22 Magmadali kang tulungan mo ako,
Oh Panginoon na aking kaligtasan.
28 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay:
Nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
29 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha;
Nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978