The Daily Audio Bible
Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.
Sa kahirapan ni Job ay tumututol siya dahil sa kalinisan ng kaniyang buhay.
31 Ako'y nakipagtipan sa aking mga (A)mata;
Paano nga akong titingin sa isang dalaga?
2 Sapagka't ano (B)ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas,
At ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
3 Hindi ba kasakunaan sa liko,
At kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
4 (C)Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad,
At binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5 Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan,
At ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
6 (Timbangin ako sa matuwid na timbangan,
Upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat;)
7 Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan,
At (D)ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata,
At kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
8 Kung gayo'y (E)papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba;
Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
9 Kung ang aking puso ay napadaya sa babae,
At ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
10 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa,
At iba ang yumuko (F)sa kaniya.
11 Sapagka't iya'y isang mabigat na (G)sala;
Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
12 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa Pagkapahamak,
At bubunutin ang lahat ng aking bunga.
13 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae,
Nang sila'y makipagtalo sa akin:
14 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon (H)ang Dios?
At pagka kaniyang dinadalaw, (I)anong isasagot ko sa kaniya?
15 (J)Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya;
At hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
16 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa,
O (K)pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
17 O kumain akong magisa ng aking subo,
At ang ulila ay hindi kumain niyaon;
18 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama,
At aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina;)
19 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan,
O ng mapagkailangan ng walang kumot;
20 Kung hindi ako (L)pinagpala ng kaniyang mga balakang,
At kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
21 Kung binuhat ko ang aking kamay (M)laban sa ulila,
Sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
22 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin,
At ang aking kamay ay mabali sa buto.
23 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay (N)kakilabutan sa akin,
At dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
24 (O)Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa,
At sinabi ko sa dalisay na ginto, Ikaw ay aking tiwala;
25 (P)Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki,
At sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
26 (Q)Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat,
O sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
27 At ang aking puso ay napadayang lihim,
At hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
28 Ito may isang (R)kasamaang marapat parusahan ng mga hukom:
Sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
29 (S)Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin,
O nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
30 (T)(Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan
Sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa;)
31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi,
Sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
32 (U)Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan;
Kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang,
(V)Sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan,
At pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan.
Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan—
35 (W)O mano nawang may duminig sa akin!
(Narito ang aking tala, sagutin (X)ako ng Makapangyarihan sa lahat;)
At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat;
Aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang,
Gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin,
At ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad,
O ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
40 Tubuan ng dawag (Y)sa halip ng trigo,
At ng mga masamang damo sa halip ng cebada.
Ang mga salita ni Job ay natapos.
Ang salita ni Eliu.
32 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y (Z)matuwid sa kaniyang sariling paningin.
2 Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na (AA)Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.
3 Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.
4 Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.
5 At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.
6 At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi,
Ako'y (AB)bata, at kayo'y totoong matatanda;
Kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.
7 Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita,
At ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.
8 Nguni't may (AC)espiritu sa tao,
At ang (AD)hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa.
9 (AE)Hindi ang dakila ang siyang pantas,
Ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.
10 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako;
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
11 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita,
Aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran,
Samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
12 Oo, aking inulinig kayo,
At, narito, walang isang makahikayat kay Job,
O sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.
13 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan;
Madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;
14 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin;
Ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.
15 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa;
Sila'y walang salitang masabi,
16 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita,
Sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot?
17 Ako nama'y sasagot ng ganang akin,
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
18 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita;
Ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,
19 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan:
Parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.
20 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan:
Aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.
21 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman;
Ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.
22 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita;
Na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.
Sinabi na ang tao ay tinutulungan sa pamamagitan ng panaginip at ng karamdaman. Ang pagtulong ng Anghel.
33 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita,
At pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
2 Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig;
Nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
3 Sasaysayin ng (AF)aking mga salita ang katuwiran ng aking puso;
At ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
4 Nilalang ako (AG)ng Espiritu ng Dios,
At ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
5 Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin;
Ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
6 Narito, ako'y sa Dios na gaya mo:
Ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
7 (AH)Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan,
Ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
8 Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig,
At aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
9 (AI)Ako'y malinis na walang pagsalangsang;
Ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
10 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin,
Ibinilang niya (AJ)ako na pinakakaaway:
11 (AK)Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan,
Kaniyang (AL)pinupuna ang lahat na aking landas.
12 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap;
Sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
13 Bakit ka (AM)nakikilaban sa kaniya?
Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
14 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita,
Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
15 (AN)Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao,
Sa mga pagkakatulog sa higaan;
16 (AO)Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao,
At itinatatak ang kanilang turo,
17 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala,
At ikubli ang kapalaluan sa tao;
18 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
19 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan,
At ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
20 (AP)Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay,
At ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
21 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita;
At ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
22 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
23 Kung doroong kasama niya ang isang anghel,
Isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo,
Upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
24 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi,
Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay,
Ako'y nakasumpong ng katubusan.
25 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata;
Siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
26 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya:
Na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan:
At kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
27 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi,
(AQ)Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid,
At hindi ko napakinabangan:
28 Kaniyang (AR)tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay,
At ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
29 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios,
Makalawa, oo, makaitlo sa tao,
30 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay,
Upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
31 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
32 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako:
Ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
33 Kung hindi, dinggin mo ako:
Tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
3 Pinasisimulan baga naming (A)muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya (B)ng iba, ng mga (C)sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?
2 Kayo ay ang aming sulat, (D)na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
3 Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi (E)sa mga tapyas ng bato, kundi (F)sa mga tapyas ng pusong laman.
4 At ang gayong (G)pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
5 Hindi sa kami ay (H)sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang (I)aming kasapatan ay mula sa Dios;
6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga (J)ministro (K)ng bagong (L)tipan; hindi (M)ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't (N)ang titik ay pumapatay, (O)datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 Nguni't kung (P)ang pangangasiwa ng kamatayan, (Q)na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, (R)ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi (S)makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:
8 Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?
9 Sapagka't kung (T)ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian (U)ang pangasiwang ukol sa katuwiran.
10 Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay (V)hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana.
11 Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian.
12 Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita,
13 At hindi gaya ni Moises, (W) na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa (X)katapusan niyaong lumilipas:
14 Datapuwa't (Y)ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, (Z)pagka binabasa ang (AA)matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.
15 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.
16 Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.
17 Ngayon ang Panginoon ay siyang (AB)Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon (AC)ay may kalayaan.
18 Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging (AD)gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, (AE)ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
Panalangin sa pagliligtas.
43 Hatulan mo ako, (A)Oh Dios, at (B)ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:
Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
2 Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako (C)itinakuwil?
(D)Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
3 (E)Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:
Dalhin nawa nila ako sa (F)iyong banal na bundok.
At sa iyong mga tabernakulo.
4 Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,
Sa Dios na aking malabis na kagalakan:
At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
5 (G)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978