Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Daniel 9:1-11

Ang masusing panalangin ni Daniel dahil sa kaniyang bayan.

(A)Nang unang taon (B)ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea;

Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na (C)propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon.

At aking itiningin ang aking mukha (D)sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.

(E)At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,

Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan;

Na hindi man kami nangakinig (F)sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.

Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, (G)na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo.

Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

Sa Panginoon naming Dios (H)ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya;

10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.

11 (I)Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat (J)sa kautusan ni Moises na (K)lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.

12 At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga (L)hukom na nagsihatol sa amin, (M)sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem.

13 Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises, lahat ng kasamaang ito'y nagsidating sa amin: gayon ma'y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios, upang aming talikuran ang aming mga kasamaan, at gunitain ang iyong katotohanan.

14 (N)Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig.

15 At ngayon, Oh Panginoon naming Dios, na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito; kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa na may kasamaan.

16 Oh Panginoon, (O)ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na (P)iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang (Q)Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin.

17 Kaya nga, Oh aming Dios, iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang mga samo, (R)at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira, alangalang sa Panginoon.

18 Oh Dios ko, ikiling mo ang iyong tainga, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, at masdan mo ang aming mga kasiraan, at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan: sapagka't hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan.

19 Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; (S)huwag mong ipagpaliban, (T)alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.

Ang pitong pung sanglinggo at ang prinsipe na pinahiran.

20 At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios;

21 Oo, samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si (U)Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una, na pinalipad ng maliksi, hinipo (V)ako (W)sa panahon ng pagaalay sa hapon.

22 At kaniya akong tinuruan, at nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi, Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan.

23 Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo; (X)sapagka't ikaw ay totoong minahal: kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain.

24 (Y)Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, (Z)at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang (AA)kabanalbanalan.

25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem (AB)sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y (AC)sa mga panahong mabagabag.

26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, (AD)mahihiwalay ang pinahiran, (AE)at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.

27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon (AF)ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos (AG)ang poot sa maninira.

Si Daniel ay natakot dahil sa isang lalake na napanaginip.

10 Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel, na ang pangala'y (AH)Beltsasar; at ang bagay ay tunay, sa makatuwid baga'y isang malaking pakikipagbaka; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain.

Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo.

Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, (AI)ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.

At nang ikadalawang pu't apat na araw ng unang buwan, palibhasa'y ako'y nasa tabi ng malaking ilog, na siyang (AJ)Hiddekel.

Aking itiningin ang aking mga mata, at tumanaw, at narito, ang isang lalake na (AK)nakapanamit ng kayong lino, na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na (AL)ginto sa Uphas:

Ang kaniyang katawan naman ay (AM)gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay (AN)gaya ng anyo ng kidlat, at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, (AO)at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan.

At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon; sapagka't ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig, at sila'y nagsitakas upang magsikubli.

Sa gayo'y iniwan akong magisa, at nakakita nitong dakilang pangitain, at nawalan ako ng lakas; sapagka't ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin.

Gayon ma'y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; (AP)at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita, ako nga'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog, na ang aking mukha ay pasubsob.

Inaliw siya ng lalake.

10 At, narito, isang kamay ay humipo sa akin, na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay.

11 At sinabi niya sa akin, Oh Daniel, ikaw na lalaking minamahal na mainam, unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo, at tumayo kang matuwid; sapagka't sa iyo'y sinugo ako ngayon. At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin, ako'y tumayo na nanginginig.

12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, (AQ)Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay (AR)dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita.

13 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si (AS)Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia.

14 Ngayo'y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga (AT)huling araw; (AU)sapagka't ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa.

15 At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito, ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa, at ako'y napipi.

16 At, narito, isang (AV)gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay (AW)humipo ng aking mga labi: nang magkagayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ako'y nagsalita, at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko, Oh panginoon ko, dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan, at hindi nananatili sa akin ang lakas.

17 Sapagka't paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito? sapagka't tungkol sa akin, ay biglang nawalan ako ng lakas, ni may naiwan mang hininga sa akin.

18 Nang magkagayo'y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao, at kaniyang pinalakas ako.

19 At kaniyang sinabi, (AX)Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, (AY)magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.

20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Talastas mo baga kung bakit ako'y naparito sa iyo? at ngayo'y babalik ako upang makipaglaban sa (AZ)prinsipe sa Persia: at pagka ako'y lumabas, narito, ang prinsipe sa (BA)Grecia ay darating.

21 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng (BB)katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si (BC)Miguel na inyong prinsipe.

Ang pagkakaalit-alit at pagkakampikampi ng mga Bansang Persia, Gresia, at ang mga bansang hilagaan, at timugan.

11 At tungkol sa akin, (BD)nang unang taon ni Dario na taga Media, ako'y tumayo upang patibayin at palakasin siya.

1 Juan 2:18-3:6

18 Mumunting mga anak, (A)ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang (B)anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.

19 Sila'y nangagsilabas sa atin, (C)nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin (D)ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, (E)upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.

20 At (F)kayo'y may pahid ng Banal, at (G)nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay.

21 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi (H)dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.

22 Sino ang sinungaling (I)kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.

23 Ang sinomang (J)tumatanggi sa Anak, (K)ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.

24 Tungkol sa inyo, ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula. Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo (L)naman ay mananahan sa Anak, at sa Ama.

25 At ito ang pangakong (M)kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.

26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.

27 At tungkol sa inyo, ang (N)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (O)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

28 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, (P)kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, (Q)at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.

29 Kung nalalaman ninyong siya'y matuwid, nalalaman naman ninyo (R)na ang bawa't gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya.

Masdan ninyo (S)kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y (T)mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, (U)sapagka't siya'y hindi nakilala nito.

Mga minamahal, (V)ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa (W)nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, (X)tayo'y magiging katulad niya: (Y)sapagka't siya'y ating (Z)makikitang gaya ng kaniyang sarili.

At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya (AA)ay naglilinis sa kaniyang sarili, (AB)gaya naman niyang malinis.

Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at (AC)ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.

At nalalaman ninyo na siya'y (AD)nahayag (AE)upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y (AF)walang kasalanan.

Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; (AG)sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, (AH)ni hindi man nakakilala sa kaniya.

Mga Awit 121

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
(H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Mga Kawikaan 28:27-28

27 (A)Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat:
Nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.
28 Pagka ang masama ay bumabangon, (B)nagsisipagkubli ang mga tao;
Nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978