Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the EHV. Switch to the EHV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Oseas 6-9

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa panghihimagsik ng Israel.

Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't (A)siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.

Pagkatapos ng dalawang araw ay muling (B)bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.

At (C)ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na (D)parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na (E)parang huling ulan na dumidilig ng lupa.

Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, (F)ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, (G)at parang hamog na lumalabas na maaga.

Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.

Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (H)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.

Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin.

Ang Galaad ay (I)bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo.

At kung paanong ang mga pulutong ng mga (J)tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang (K)pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan.

10 Sa sangbahayan ni Israel ay (L)nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y (M)nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.

11 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.

Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa paghihimagsik ng Israel.

Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas.

At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; (N)sila'y nangasa harap ko.

Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe.

Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim.

Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi.

Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy.

Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: (O)wala sa kanila na tumawag sa akin.

Ang Ephraim, (P)nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik.

Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang (Q)yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman.

10 At (R)ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: (S)gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito.

11 At ang Ephraim (T)ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa (U)sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria.

12 Pagka sila'y magsisiyaon, ay (V)aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig (W)sa kanilang kapisanan.

13 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y (X)aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin.

14 At sila'y hindi nagsidaing (Y)sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

15 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin.

16 Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi (Z)sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y (AA)parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot (AB)ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila (AC)sa lupain ng Egipto.

Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.

Ilagay mo ang (AD)pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang (AE)aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't (AF)kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.

Sila'y magsisidaing sa akin, (AG)Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.

Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.

Sila'y nangaglagay ng mga hari, (AH)nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: (AI)sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay.

Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.

Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.

Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga (AJ)taga ibang lupa.

Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na (AK)parang sisidlang hindi kinalulugdan.

Sapagka't (AL)sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na (AM)asno na nagiisa: ang Ephraim ay (AN)umupa ng mga mangingibig.

10 Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis (AO)sa hari at mga prinsipe.

11 Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.

12 Sinulat ko para sa kaniya (AP)ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.

13 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; (AQ)sila'y mangababalik sa Egipto.

14 Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo (AR)ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

Ibinababala ang parusa sa pagtanggi ng Israel sa Dios.

Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't (AS)ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang (AT)upa sa bawa't giikan.

Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.

Sila'y hindi magsisitahan (AU)sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay (AV)babalik sa Egipto, (AW)at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria.

Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang (AX)tinapay ng nangagluksa; (AY)lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.

Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?

Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng (AZ)Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.

Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay (BA)ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.

Ang Ephraim ay (BB)bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios.

Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng (BC)Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang (BD)bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay (BE)Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.

11 Tungkol sa Ephraim, (BF)ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.

12 Bagaman (BG)kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma`y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!

13 Ang Ephraim, (BH)gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.

14 Bigyan mo sila, Oh Panginoon—anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso.

15 Lahat nilang kasamaan ay (BI)nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang.

16 Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.

17 Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at (BJ)sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.

3 Juan

(A)Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan.

Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.

Sapagka't ako'y totoong (B)nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.

Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang (C)aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan.

Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa (D)mga kapatid at sa mga taga ibang lupa;

Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay:

Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na (E)walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayo'y maging kasama sa paggawa sa katotohanan.

Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesia: datapuwa't si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay hindi kami tinatanggap.

10 Kaya't kung pumariyan ako, ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa, na (F)nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila (G)sa iglesia.

11 Minamahal, (H)huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. (I)Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay (J)hindi nakakita sa Dios.

12 Si Demetrio ay (K)pinatototohanan ng lahat, at ng katotohanan: oo, kami man ay nagpapatotoo rin; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay (L)tunay.

13 Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, (M)datapuwa't hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat:

14 Datapuwa't inaasahan kong makita kang madali, at tayo'y magkakausap ng mukhaan.

15 Ang kapayapaa'y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan.

Mga Awit 126

Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa

126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(A)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
(B)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (C)dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
(D)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Mga Kawikaan 29:12-14

12 Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan,
Lahat niyang mga lingkod ay masasama.
13 (A)Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong;
Pinapagniningas (B)ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa.
14 (C)Ang hari na humahatol na tapat sa dukha,
Ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978