The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang mga salitang laban sa Israel at Juda.
1 Ang Salita ng Panginoon na dumating kay (A)Mikas na Morastita, (B)nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa (C)Samaria at sa Jerusalem.
2 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.
3 Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.
4 At ang mga bundok (D)ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na (E)parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.
5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang (F)Samaria? at ano ang mga (G)mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?
6 Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (H)ililitaw ang mga patibayan niyaon.
7 At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at (I)ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
Ang darating na kagibaan ay kalungkot-lungkot.
8 Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.
9 Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; (J)umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem.
10 Huwag ninyong saysayin sa (K)Gath huwag kayong pakaiyak: sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok.
11 Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon.
12 Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem.
13 Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo.
14 Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa (L)Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel.
15 Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam.
16 (M)Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo.
Sa aba ng matatakaw na mapagpahirap.
2 Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at (N)nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
2 At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, (O)at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.
3 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka (P)ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.
4 Sa araw na yaon (Q)ay magsisisambit sila ng (R)talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.
5 Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng (S)pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon.
6 Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi.
7 Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?
8 Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma.
9 Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man.
10 Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito (T)ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba.
11 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; (U)siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.
12 Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng (V)iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na (W)parang mga tupa sa (X)Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.
13 Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang (Y)hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon (Z)sa unahan nila.
Mga masasamang mga pinuno, saserdote, at mga propeta.
3 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: (AA)hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran.
2 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; (AB)na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;
3 Kayo ring kumakain (AC)ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at (AD)parang laman sa loob ng caldera.
4 Kung magkagayo'y (AE)magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.
5 Ganito ang sabi ng Panginoon (AF)tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; (AG)na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, (AH)ay pinaghahandaan siya nila ng digma:
6 Kaya't (AI)magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; (AJ)at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila.
7 At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay (AK)mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios.
8 Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan.
9 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid.
10 (AL)Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng (AM)dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.
11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa (AN)suhol, at ang mga saserdote, (AO)niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y (AP)sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
12 Kaya't ang Sion (AQ)ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat.
Ang matiwasay na arawo.
4 Nguni't (AR)sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.
2 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem;
3 (AS)At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma.
4 Kundi sila'y uupo (AT)bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: (AU)sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo.
5 Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at (AV)tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.
6 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (AW)aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;
7 At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay (AX)maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan.
8 At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem.
9 Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? (AY)Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma (AZ)iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam?
10 Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at (BA)ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: (BB)doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway.
11 At ngayo'y maraming bansa (BC)ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin (BD)sa Sion.
12 Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan (BE)sila na parang mga bigkis sa giikan.
13 Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang (BF)iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at (BG)iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang (BH)pagaari ay sa Panginoon ng buong lupa.
6 At nakita ko (A)nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.
2 At tumingin ako, at narito, ang (B)isang kabayong maputi, at (C)yaong nakasakay dito ay may isang busog; (D)at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.
3 At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.
4 At may (E)lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang (F)magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.
5 At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang (G)isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may (H)isang timbangan sa kaniyang kamay.
6 At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at (I)huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.
7 At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.
8 At tumingin ako, at (J)narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, (K)na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.
9 At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng (L)dambana (M)ang mga kaluluwa ng mga pinatay (N)dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, (O)hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?
11 At binigyan (P)ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, (Q)na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (R)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (S)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay (T)nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nahawi na gaya (U)ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't (V)bundok at (W)pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, (X)ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
16 At sinasabi nila sa mga bundok (Y)at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha (Z)noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
17 Sapagka't dumating na (AA)ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; (AB)at sino ang makatatayo?
Pagbabatian ng mga bantay sa gabi. Awit sa mga Pagsampa.
134 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon.
(A)Ninyong (B)nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
2 (C)Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario,
At purihin ninyo ang Panginoon.
3 (D)Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion;
Sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.
Iba't ibang palagay tungkol sa mga tao at mga bagay.
30 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; (A)ang sanggunian.
Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal:
2 (B)Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman,
At walang kaunawaan ng isang tao:
3 At hindi ako natuto ng karunungan,
Ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal.
4 (C)Sino ang sumampa sa langit, at bumaba?
(D)Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot?
Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan?
Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa?
Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978