The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang Israel at ang Juda ay pagpapalain ng Panginoon.
10 Hingin ninyo sa Panginoon ang (A)ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.
2 Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at (B)ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at (C)sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, (D)sapagka't walang pastor.
3 Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan (E)ang mga lalaking kambing; sapagka't dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka.
4 Sa kaniya lalabas ang (F)batong panulok, sa kaniya ang (G)pako, sa kaniya (H)ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa't pinuno na magkakasama.
5 At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.
6 At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose, at aking ibabalik sila uli; sapagka't ako'y naawa sa kanila; at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios, at aking didinggin sila.
7 At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake, at ang kanilang puso ay (I)mangagagalak na gaya ng sa alak; oo, ito'y makikita ng kanilang mga anak, at mangagagalak: ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon.
Titipunin ng Panginoon ang kaniyang nangalat na bayan.
8 Aking susutsutan (J)sila, at sila'y pipisanin; sapagka't aking tinubos sila; at sila'y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami.
9 At aking pangangalatin (K)sila sa gitna ng mga bansa; at aalalahanin nila ako (L)sa mga malayong lupain; at sila'y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak, at magsisipagbalik.
10 Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto, at pipisanin sila (M)mula sa Asiria; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano; at (N)walang dakong masusumpungan para sa kanila.
11 At siya'y (O)magdadaan ng dagat ng kadalamhatian, at hahawiin ang mga alon sa dagat, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak, at ang cetro ng Egipto ay (P)mawawala.
12 At aking palalakasin sila sa Panginoon; at (Q)sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon.
Ang Israel ay sinira ng masasamang pastor.
11 Ibukas mo ang iyong mga pinto, Oh Libano, upang supukin ng apoy ang iyong mga cedro.
2 Manambitan ka, Oh puno ng abeto, sapagka't ang cedro ay nabuwal, sapagka't ang mga mabuti ay nabuwal; magsipanambitan kayo, (R)Oh mga encina sa Basan, sapagka't ang matibay na gubat ay nasira.
3 Ang isang hugong ng panambitan ng mga pastor! sapagka't ang kanilang kaluwalhatian ay nasira; ang isang hugong ng ungal ng mga batang leon! sapagka't ang kapalaluan ng Jordan ay nasira.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon kong Dios, (S)Pakanin mo ang kawan na papatayin;
5 Na mga pinapatay ng mga mayari, at hindi mga inaaring maysala; at silang nangagbibili ng mga yaon ay nangagsasabi, Purihin ang Panginoon, sapagka't ako'y mayaman; at ang kanilang sariling mga pastor ay hindi nangaawa sa mga yaon.
6 Sapagka't hindi na ako maaawa sa nagsisitahan sa lupain, sabi ng Panginoon; kundi, narito, aking ibibigay ang bawa't isa ng mga tao sa kamay ng kaniyang kapuwa, at sa kamay ng kaniyang hari; at kanilang ipapahamak ang lupain, at mula sa kanilang kamay ay di ko ililigtas sila.
7 Sa gayo'y aking pinapanginain ang kawan na papatayin, katotohanang (T)kaawaawang kawan. At nagdala ako ng dalawang tungkod; ang isa'y tinawag kong Maganda, at ang isa'y tinawag kong mga Panali; at aking pinapanginain ang kawan.
8 At aking inihiwalay ang tatlong pastor sa isang buwan; sapagka't ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila, at sila'y nayamot sa akin.
9 Nang magkagayo'y sinabi ko, Hindi ko na papanginginainin kayo: ang namamatay, ay mamatay; at ang nahihiwalay, ay mahiwalay; at ang mangaiwan ay mangagkainan ng laman ng isa't isa.
10 At hinawakan ko ang aking tungkod na Maganda, at aking binali, upang aking sirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa lahat ng mga bayan.
11 At nasira nang araw na yaon; at ganito nakilala ng kaawaawa sa kawan na nagmamasid sa akin na yao'y salita ng Panginoon.
12 At sinabi ko sa kanila; Kung inaakala ninyong mabuti, bigyan ninyo ako ng aking kaupahan; at kung hindi, inyong pabayaan. Sa gayo'y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng (U)tatlong pung putol na pilak.
13 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ihagis mo sa magpapalyok, (V)ang mainam na halaga na aking inihalaga sa kanila. At aking kinuha ang tatlong pung putol na pilak, at inihagis ko sa magpapalyok sa bahay ng Panginoon.
14 Nang magkagayo'y binali ko ang aking isang tungkod, sa makatuwid baga'y ang mga Panali, upang aking masira ang pagkakapatiran ng Juda at ng Israel.
15 At sinabi sa akin ng Panginoon. (W)Magdala ka pa uli ng mga kasangkapan ng isang mangmang na pastor.
16 Sapagka't, narito, ako'y magtitindig (X)ng isang pastor sa lupain, na hindi dadalawin yaong nangahihiwalay, ni hahanapin man yaong nangaliligaw, ni pagagalingin man yaong mga pilay; ni papanginginainin man yaong mga magaling kundi kaniyang kakanin ang laman ng mataba at lulurayin ang kanilang mga kuko.
17 Sa aba ng walang kabuluhang pastor na nagpapabaya ng kawan! ang tabak ay sasapit sa kaniyang kamay, at sa kaniyang kanang mata: ang kaniyang kamay ay matutuyong mainam, at ang kaniyang kanang mata ay lalabong lubos.
18 (A)Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; (B)at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
2 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, (C)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging (D)tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng (E)bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
3 Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid (F)ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at (G)ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
4 At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (H)Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
5 Sapagka't ang kaniyang mga (I)kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng (J)Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
6 Ibigay din ninyo ang (K)ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: (L)sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
7 (M)Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, (N)Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.
8 Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; (O)at siya'y lubos na susunugin sa apoy; (P)sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
9 At (Q)ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay (R)mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, (S)pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, (T)Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
11 At (U)ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
12 Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
13 At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at (V)mga kaluluwa ng mga tao.
14 At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
15 Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, (W)na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
16 Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
17 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At (X)bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
18 At nangagsisisigaw (Y)pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, (Z)Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
19 At sila'y (AA)nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh (AB)langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; (AC)sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
21 (AD)At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, (AE)Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
22 At (AF)ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga (AG)musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; (AH)at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
23 At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, (AI)at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't (AJ)ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; (AK)sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
24 At nasumpungan (AL)sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga (AM)pinatay sa lupa.
Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.
146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
2 Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3 (C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 (D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 (E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 (F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 (G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 (J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 (L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.
33 Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya,
At sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo:
Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978