Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NET. Switch to the NET to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Oseas 1-3

Ang asawa ni Oseas at ang mga anak sa ligaw.

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, (A)nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni (B)Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.

Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't (C)ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.

Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at (D)aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, (E)at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.

At mangyayari (F)sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.

At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama;[a] (G)sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.

Nguni't (H)ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at (I)hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.

Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake.

At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi;[b] sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios.

Ang muling pagkatatag ng Israel at Juda.

10 Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay (J)magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; (K)at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga (L)anak ng buháy na (M)Dios.

11 (N)At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng (O)Jezreel.

Ang hindi pagtatapat ng bayan ay parurusahan.

Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalake, Ammi;[c] at sa inyong mga kapatid na babae ay, Ruhama.[d]

Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; (P)sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso;

(Q)Baka siya'y aking hubaran, at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya'y ipanganak, at gawin ko siyang parang isang ilang, at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa, at patayin ko siya sa uhaw;

Oo, sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag; sapagka't sila'y mga anak sa patutot.

Sapagka't ang kanilang ina ay nagpatutot; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y susunod sa mga mangingibig sa akin, na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng langis ko at ng inumin ko.

Kaya't, narito, (R)aking babakuran ng mga tinik ang iyong daan, at ako'y gagawa ng bakod laban sa kaniya, na hindi niya, masusumpungan ang kaniyang mga landas.

At siya'y susunod sa mga mangingibig sa kaniya, nguni't hindi niya sila aabutan; at hahanapin niya sila, nguni't hindi niya sila masusumpungan; kung magkagayo'y sasabihin niya, (S)Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagka't naging mabuti sa akin kay sa ngayon.

Sapagka't hindi niya naalaman (T)na ako ang nagbigay sa kaniya ng (U)trigo, at ng alak, at ng langis, at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto, na kanilang ginamit kay Baal.

Kaya't aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon, at ang aking alak sa panahon niyaon, at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana'y tatakip sa kaniyang kahubaran.

10 At ngayo'y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay.

11 (V)Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, (W)ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.

12 At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas, at ang kaniyang mga puno ng higos, na siya niyang sinasabi, Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin; at ang mga yao'y aking gagawing isang gubat, at kakanin ng mga hayop sa parang.

13 (X)At aking dadalawin sa kaniya (Y)ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas, at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya, at kinalilimutan ako, sabi ng Panginoon.

14 Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang (Z)may pagaliw.

15 At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at (AA)ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya (AB)ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto.

16 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.[e]

17 Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan.

18 At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko (AC)sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at (AD)aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing (AE)tiwasay.

19 At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan.

20 Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon.

21 At mangyayari sa araw na yaon, na (AF)ako'y sasagot, sabi ng Panginoon, ako'y sasagot sa langit, at sila'y magsisisagot sa lupa;

22 At ang lupa'y sasagot (AG)sa trigo, at sa alak, at sa langis; at sila'y magsisisagot sa (AH)Jezreel.

23 At (AI)aking itatatag siya para sa akin sa lupa; at (AJ)ako'y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan; at (AK)aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, Ikaw ay aking (AL)bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Dios.

Ang ikalawang pagaasawa ni Oseas ay naging tanda.

At sinabi ng Panginoon sa akin, (AM)Yumaon ka pa, suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan, (AN)at mangangalunya, sa makatuwid baga'y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel, bagaman sila'y nagsisipihit sa ibang mga dios, at nangakakagusto ng mga binilong pasas.

Sa gayo'y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak, at ng isang homer na cebada, at ng kalahating homer na cebada;

At sinabi ko sa kaniya, Ikaw ay mapapa (AO)sa akin na maraming araw; ikaw ay hindi magpapatutot, at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake; kaya't ako naman ay sasa iyo.

Sapagka't ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na (AP)walang hari, at (AQ)walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang (AR)efod o mga (AS)teraf:

Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si (AT)David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa (AU)kaniyang kabutihan sa mga huling araw.

1 Juan 5

Ang sinomang nananampalataya na (A)si Jesus ay siyang Cristo (B)ay ipinanganak ng Dios: at (C)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Sapagka't (D)ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: (E)at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: (F)at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang (G)si Jesus ay anak ng Dios?

Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; (H)hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.

At ang Espiritu ang nagpapatotoo, (I)sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.

Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.

(J)Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: (K)sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.

10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay (L)may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios (M)ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.

11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng (N)buhay na walang hanggan, (O)at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.

12 (P)Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.

13 (Q)Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

14 At ito ang nasa ating (R)pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na (S)ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:

15 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.

16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at (T)bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. (U)May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

17 Lahat ng (V)kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.

18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; (W)datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.

19 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios (X)at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.

20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala (Y)siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang (Z)buhay na walang hanggan.

21 Mga anak ko, (AA)mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

Mga Awit 124

Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

124 (A)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(B)Sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana (C)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo (D)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
(E)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
(F)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.

Mga Kawikaan 29:5-8

Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa
Naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang.
Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo:
Nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak.
Ang matuwid (A)ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha:
(B)Ang masama ay walang unawang makaalam.
(C)Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab:
Nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978