Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Zacarias 9

Ang ibang mga bansa ay hahanap sa Panginoon.

(A)Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach, at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon, (sapagka't ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon);

At gayon din sa (B)Hamath, na kahangganan nito; sa (C)Tiro at (D)Sidon, (E)sapagka't sila'y totoong pantas.

At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan.

Narito, aalisan siya ng Panginoon, (F)at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy.

Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng (G)Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan.

At isang anak sa ligaw ay tatahan sa (H)Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo.

At aking aalisin ang (I)kaniyang dugo sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin; at siya nama'y maiiwan para sa ating Dios: at siya'y magiging gaya ng pangulo sa Juda, at ang Ecron ay gaya (J)ng Jebuseo.

At (K)ako'y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo, (L)na walang makadadaan ni makababalik; at (M)walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon: sapagka't ngayo'y tumingin ako ng aking mga mata.

Ang mapagpakumbabang hari ng Sion at malawak na kaharian.

(N)Magalak kang mainam, (O)Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: (P)narito, ang (Q)iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; (R)mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.

10 At (S)aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng (T)kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging (U)sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.

11 Tungkol sa iyo naman, dahil (V)sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.

12 Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga (W)bilanggo na may pag-asa, ngayo'y aking (X)inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa.

13 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, (Y)Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake.

14 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang (Z)Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon (AA)na kasama ng mga ipoipo sa timugan.

15 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga (AB)taza, parang mga sulok ng dambana.

16 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios (AC)sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't (AD) magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa (AE)kaniyang lupain.

17 Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;

Apocalipsis 17

17 At dumating ang (A)isa sa (B)pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa (C)bantog na patutot (D)na nakaupo sa maraming tubig;

Na siyang pinakiapiran (E)ng mga hari sa lupa, at (F)ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.

At ako'y kaniyang dinalang (G)nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga (H)pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.

At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, (I)at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay (J)may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,

At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, (K)HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.

At nakita ko (L)ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng (M)mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.

At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay.

At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at (N)malapit ng umahon sa (O)kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas (P)na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.

(Q)Narito ang pagiisip na may karunungan. (R)Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:

10 At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.

11 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.

12 At ang sangpung sungay (S)na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.

13 Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.

14 (T)Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin (U)ng Cordero, (V)sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at (W)Hari ng mga Hari; at ng (X)mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.

15 At sinabi niya sa akin, (Y)Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.

16 At (Z)ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan (AA)at huhubaran, at (AB)kakanin ang kaniyang laman, at (AC)siya'y lubos na susupukin ng apoy.

17 Sapagka't inilagay ng (AD)Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, (AE)hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios.

18 At ang babae na iyong nakita (AF)ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.

Mga Awit 145

Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.

145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
(B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
(D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
(E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
(F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Mga Kawikaan 30:32

32 Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas,
O kung ikaw ay umisip ng kasamaan,
(A)Ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978