Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Zacarias 4-5

Ang kandelero at ang kahoy na olibo sa pangitain.

At (A)ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog.

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, (B)isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, (C)at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;

At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.

At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko?

Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.

Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng (D)kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi (E)sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Sino ka, (F)Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel (G)ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas (H)ang pangulong bato na (I)may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.

Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.

10 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw (J)ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; (K)ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.

11 Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa?

12 At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan?

13 At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.

14 Nang magkagayo'y sinabi niya, (L)Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.

Ang lumilipad na balumbon; isang babae, at isang efa.

Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na (M)balumbon.

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko.

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang (N)sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.

Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at (O)tatahan sa gitna ng bahay niya, at (P)pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.

Nang magkagayo'y (Q)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas.

At aking sinabi, Ano yaon? At kaniyang sinabi, Ito ang (R)efa na lumalabas. Sinabi niya bukod dito, Ito ang kawangis nila sa buong lupain.

(At, narito, itinaas ang isang talentong tingga); at ito'y isang babae na nauupo sa gitna ng efa.

At kaniyang sinabi, Ito ang kasamaan; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa: at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon.

Nang magkagayo'y itinanaw ko ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang dalawang babae, at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak: at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Saan dinadala ng mga ito ang efa?

11 At sinabi niya sa akin, Upang ipagtayo siya ng bahay sa (S)lupain ng Shinar: at pagka nahanda na, siya'y malalagay roon sa kaniyang sariling dako.

Apocalipsis 14

14 At tumingin ako, at narito, (A)ang Cordero ay nakatayo sa (B)bundok ng Sion, at ang kasama niya'y (C)isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na (D)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng (E)alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:

At (F)sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.

Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga (G)malilinis. At ang mga ito'y ang (H)nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga (I)pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.

At (J)sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: (K)sila'y mga walang dungis.

At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, (L)na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan;

At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at (M)magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon (N)ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.

At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, (O)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, (P)na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.

At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, (Q)Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay,

10 (R)Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo (S)sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y (T)pahihirapan ng (U)apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:

11 At (V)ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y (W)walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.

12 Narito (X)ang pagtitiyaga ng mga banal, (Y)ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.

13 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, (Z)Isulat mo, Mapapalad ang mga patay (AA)na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, (AB)upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.

14 At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang (AC)katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.

15 At lumabas ang ibang anghel (AD)sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, (AE)Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na.

16 At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay nagapasan.

17 At lumabas ang ibang anghel (AF)sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas.

18 At ang ibang anghel ay lumabas (AG)sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, (AH)Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa; sapagka't ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na.

19 At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa (AI)pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.

20 At nayurakan (AJ)ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo at anim na raang estadio.

Mga Awit 142

Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.

142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
(C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
(E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
(J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Mga Kawikaan 30:21-23

21 Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa,
At sa apat na hindi niya madala:
22 (A)Sa isang alipin, pagka naghahari;
At sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
23 Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa;
At sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978