The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.
Ang apat na kerubin na pangitain ni Ezekiel.
1 Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na (A)ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga (B)pangitain mula sa Dios.
2 Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng (C)pagkabihag ng haring Joacim,
3 Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na (D)saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, (E)ay sumasa kaniya.
4 At ako'y tumingin, at, narito, (F)isang unos na hangin ay (G)lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy.
5 At mula (H)sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao;
6 At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak.
7 At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang (I)na parang kulay ng tansong binuli.
8 At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak (J)sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito:
9 Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y (K)hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy.
10 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila.
11 At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan.
12 At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; (L)kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon.
13 Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga (M)bagang nagniningas; (N)parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat.
14 At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang (O)kislap ng kidlat.
Ang apat na gulong na pangitain ni Ezekiel.
15 (P)Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito, ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay, sa bawa't isa ng apat na mukha ng mga yaon.
16 (Q)Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo: at ang apat na yaon ay may isang anyo: at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong.
17 Pagka yumaon, nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon.
18 Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot; at itong apat ay may kanilang mga llanta na puno ng mga mata sa palibot.
19 At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon, ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas.
20 (R)Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila; doon pinaparoonan ng espiritu; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong.
21 Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon, ang mga ito'y nagsisiyaon; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong.
Ang kaluwalhatian na pangitain ni Ezekiel.
22 At sa ibabaw ng ulo (S)ng nilalang na may buhay, may kawangis ng langit, na parang kulay ng kakilakilabot na (T)bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo.
23 At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa't isa'y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa't isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon.
24 At (U)nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na (V)parang hugong ng maraming tubig, (W)parang tinig ng (X)Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
25 At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
26 At sa itaas ng langit (Y)na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan (Z)na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.
27 At ako'y nakakita (AA)ng parang metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon.
28 (AB)Kung paano ang anyo ng bahaghari (AC)na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng (AD)kaluwalhatian ng Panginoon. (AE)At nang aking makita, ako'y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.
Ang tawag sa Propeta.
2 At sinabi niya sa akin, (AF)Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu (AG)ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.
4 At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo (AH)kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.
5 At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man (AI)ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.
6 At ikaw, anak ng tao, (AJ)huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
7 At iyong sasalitain (AK)ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik.
8 Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at (AL)iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.
9 At nang ako'y tumingin, narito, (AM)isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon (AN)ay nandoon;
10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan (AO)sa loob at sa labas; at may (AP)nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.
Ang pagkakasugo sa Propeta.
3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; (AQ)kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel.
2 Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon.
3 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. (AR)Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan.
4 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila.
5 Sapagka't ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, kundi sa sangbahayan ni Israel;
6 Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na (AS)kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon.
7 Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob.
8 Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo.
9 Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa (AT)pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
10 Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig.
11 At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na (AU)mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.
Ang ordinacion.
12 Nang magkagayo'y itinaas ako (AV)ng Espiritu, at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong, na nagsasabi; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako.
13 At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng (AW)mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong.
14 Sa gayo'y itinaas ako ng Espiritu, at ako'y dinala; at ako'y yumaong namamanglaw, sa pagiinit ng aking kalooban; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin.
15 Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan (AX)sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at (AY)ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw.
3 Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa (A)pagtawag ng kalangitan, inyong isipin (B)ang Apostol at (C)Dakilang Saserdote na ating (D)kinikilala, si Jesus;
2 Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya.
3 Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y (E)may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.
4 Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.
5 At sa katotohanang si Moises ay (F)tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, (G)na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos;
6 Datapuwa't si Cristo, gaya ng (H)anak ay puno sa bahay niya; (I)na ang bahay niya ay tayo, kung (J)ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri (K)sa pagasa natin hanggang sa katapusan.
7 (L)Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo,
Ngayon (M)kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi,
Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,
9 Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin,
At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa.
10 Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito,
At aking sinabi,
Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso:
Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan;
11 Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan,
Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:
13 Nguni't (N)kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo (O)ng daya ng kasalanan:
14 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung (P)ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan:
15 Samantalang sinasabi,
(Q)Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,
Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.
16 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat (R)na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises?
17 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, (S)na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang?
18 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway?
19 At (T)nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.
Ang pagiingat ng Panginoon sa lahat niyang gawa.
104 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila;
(B)Ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan;
Na siyang naguunat ng mga langit na (C)parang tabing:
3 (D)Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig;
(E)Na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro;
(F)Na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4 (G)Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya;
(H)Ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa,
Upang huwag makilos magpakailan man,
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan;
Ang tubig ay tumatayo (I)sa itaas ng mga bundok.
7 (J)Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas;
Sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis,
(K)Sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan (L)upang sila'y huwag makaraan;
(M)Upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis;
Nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang;
Nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid,
Sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid:
Ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
14 (N)Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop,
At ang gugulayin sa paglilingkod sa tao:
Upang siya'y maglabas (O)ng pagkain sa lupa:
15 (P)At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao,
At ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha,
At ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog;
Ang mga (Q)sedro sa Libano, (R)na kaniyang itinanim;
17 Na pinamumugaran ng mga ibon:
Tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing;
Ang mga malalaking bato ay kanlungan (S)ng mga coneho.
19 (T)Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon:
Nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi;
Na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
21 (U)Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila,
At hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis,
At nangahihiga sa kanilang mga yungib.
23 Lumalabas ang tao sa (V)kaniyang gawain,
At sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
24 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi,
Nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
25 (A)Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan;
Sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
26 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan,
At ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978