The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang pagbagsak ng Gog.
39 At ikaw, (A)anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:
2 At aking ipipihit ka sa palibot, at ihahatid kita, at pasasampahin kita (B)mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel;
3 At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan.
4 Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka.
5 Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.
6 At ako'y magpapasapit ng apoy (C)sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa (D)mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
7 At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at (E)malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel.
8 (F)Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita.
9 At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at (G)sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;
10 Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; (H)at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.
Ang libingan ni Gog at ng kaniyang karamihan.
11 At mangyayari sa araw na (I)yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog.
12 At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, (J)upang kanilang linisin ang lupain.
13 Oo, sila'y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios.
14 At sila'y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi, (K)na mangagdaraan sa lupain at, kasama nilang nangagdaraan, silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain, upang linisin: pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila.
15 At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao, lalagyan nga niya ng tanda, hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa (L)libis ng Hamon-gog.
16 At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan. Ganito nila lilinisin ang lupain.
Ang dakilang hain ng Panginoon.
17 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, (M)Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo.
18 Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang (N)patabain sa Basan.
19 At kayo'y magsisikain ng taba (O)hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo.
20 At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios.
21 At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila.
22 Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin.
23 At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli (P)ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y (Q)ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.
24 Ayon sa kanilang karumihan (R)at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila.
Ang Israel ay muling itatayo.
25 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (S)Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong (T)sangbahayan ni Israel; at (U)ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan.
26 At sila'y (V)mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila;
27 Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa.
28 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon;
29 (W)Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't (X)binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.
Ang sukat ng pintuang-daan sa silanganan.
40 Nang ikadalawang pu't limang taon ng aming pagkabihag, nang pasimula ng taon, nang ikasangpung araw ng buwan, (Y)nang ikalabing apat na taon pagkatapos na (Z)ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon, (AA)ang kamay ng Panginoon ay sumaakin, at dinala niya ako roon.
2 Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya (AB)ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, (AC)na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan.
3 At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay (AD)parang anyo ng tanso, (AE)na may pising lino sa kaniyang kamay, (AF)at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan.
4 At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel.
5 At, narito; (AG)isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat (AH)ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo.
6 Nang magkagayo'y naparoon siya sa pintuang-daan, (AI)na nakaharap sa dakong silanganan, at sumampa sa mga baytang niyaon: at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan, isang tambo ang luwang; at ang kabilang pasukan, isang tambo ang luwang.
7 At bawa't (AJ)silid ng bahay ay isang tambo ang haba, at isang tambo ang luwang; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo.
8 Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay, isang tambo.
9 Nang magkagayo'y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan, walong siko; at ang mga haligi niyaon, dalawang siko; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay.
10 At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito, at tatlo sa dakong yaon; ang tatlo ay iisang sukat: at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito, at sa dakong yaon.
11 At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan, sangpung siko; at ang haba ng pintuang-daan, labing tatlong siko;
12 At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay, isang siko sa dakong ito, at ang isang pagitan, isang siko sa dakong yaon; at ang mga silid ng bantay, anim na siko sa dakong ito, at anim na siko sa dakong yaon;
13 At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila, may luwang na dalawang pu't limang siko; pintuan sa tapat ng pintuan.
14 Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan, na anim na pung siko; at ang looban ay hanggang sa haligi, ang pintuang-daan ay sa palibot.
15 At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko.
16 At may makikipot na (AK)dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot (AL)sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga (AM)puno ng palma.
Ang sukat ng looban sa labas.
17 Nang magkagayo'y dinala niya ako (AN)sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga (AO)silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag.
18 At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag.
19 Nang magkagayo'y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas, na isang daang siko, sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan.
20 At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan, kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon.
21 At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan: ang haba niyaon ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
22 At ang mga dungawan niyaon, at ang mga hubog niyaon, at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinampa ng pitong baytang; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila.
23 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan, sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan; (AP)at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko.
24 At dinala niya ako sa dakong timugan; at, narito, ang isang pintuang-daan sa dakong timugan: at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito.
25 At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko.
26 At may pitong baytang na sampahan, at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon; at may mga puno ng palma; sa dakong ito, at isa sa dakong yaon, sa mga haligi niyaon.
27 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan: at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko.
18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking (A)pananampalataya.
19 (B)Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: (C)ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.
20 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na (D)walang mga gawa ay baog?
21 Hindi baga ang ating amang si (E)Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?
22 Nakikita mo (F)na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;
23 At natupad (G)ang kasulatan na nagsasabi, At si (H)Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na (I)kaibigan ng Dios.
24 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
25 At gayon din naman hindi rin baga si (J)Rahab na patutot ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa tinanggap niya ang mga sugo, at kaniyang pinapagdaan sila sa ibang daan?
26 Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.
3 (K)Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol.
2 Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. (L)Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang (M)taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang (N)makapigil ng buong katawan.
3 Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo'y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan.
4 Narito, ang mga daong naman, bagama't lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma'y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit.
5 Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at (O)nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!
6 At (P)ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, (Q)na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.
7 Sapagka't ang bawa't uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao:
8 Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na (R)puno ng lasong nakamamatay.
9 Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong (S)ginawang ayon sa larawan ng Dios:
10 Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.
11 Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait?
12 Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.
13 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting (T)kabuhayan ang (U)kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
14 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
15 Hindi (V)ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, (W)sa laman, sa diablo.
16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.
17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, (X)banayad, madaling panaingan, (Y)puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, (Z)walang inaayunan, (AA)walang pagpapaimbabaw.
18 At ang bunga ng katuwiran (AB)ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.
Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.
118 Oh mangagpasalamat kayo (A)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (B)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 (C)Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako (D)sa maluwag na dako.
6 (E)Ang Panginoon ay kakampi ko; (F)hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
7 (G)Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
(H)Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8 (I)Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y (J)nangamatay na parang (K)apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay (L)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (M)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (N)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (O)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (P)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
2 Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo:
Nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978