Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Ezekiel 20

Ang pakikisama ng Panginoon ay muling isinaysay. Ang galit ng Panginoon ay sinalita laban sa idolatria ng Israel.

20 At nangyari nang ikapitong taon, nang ikalimang buwan, nang ikasangpu ng buwan, na ang (A)ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon, at nagsiupo sa harap ko.

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, salitain mo sa mga matanda ng Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo baga'y naparito upang sumangguni sa akin? (B)Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ako mapagsasanggunian ninyo.

Hahatulan mo baga sila, anak ng tao, (C)hahatulan mo baga sila? (D)Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang;

At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na (E)aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at (F)pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, (G)Ako ang Panginoon ninyong Dios;

Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, (H)na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain.

At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa (I)sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios.

Nguni't sila'y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa't isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo'y sinabi kong (J)aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto.

(K)Nguni't ako'y gumawa (L)alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na kinaroroonan nila, na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila, sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto.

10 Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain (M)ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang.

11 At ibinigay ko (N)sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.

12 Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga (O)sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na (P)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

13 Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. (Q)Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa (R)ilang, upang lipulin sila.

14 Nguni't ako'y gumawa (S)alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila.

15 Bukod dito'y (T)iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila, na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain;

16 Sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath: sapagka't ang kanilang puso ay (U)nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan.

17 Gayon ma'y ang aking mata ay nagpatawad (V)sa kanila at hindi ko sila nilipol, o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang.

18 At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang, Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga (W)palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan:

19 Ako ang Panginoon ninyong Dios: (X)magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa;

20 At inyong ipangilin ang aking mga (Y)sabbath; at mga (Z)magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios.

21 Nguni't (AA)ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin; sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa, na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon: kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila, upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang.

22 Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila.

23 Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko (AB)sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain;

24 Sapagka't hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath, at ang kanilang mga mata'y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang.

25 (AC)Bukod dito'y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti, at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan;

26 At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob, sa kanilang (AD)pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata, upang aking ipahamak sila, (AE)upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon.

27 Kaya't, anak ng tao, salitain mo sa sangbahayan ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa ganito ma'y nilapastangan ako ng inyong mga magulang, sa kanilang pagsalangsang laban sa akin.

28 Sapagka't nang dalhin ko sila sa lupain, na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila, kanila ngang nakita ang (AF)lahat na mataas na burol, at lahat na mayabong na punong kahoy, at inihandog nila roon ang kanilang mga hain, at doo'y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango, at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog.

29 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan? Sa gayo'y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.

30 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang? at kayo baga'y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam?

31 At pagka inyong (AG)inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? (AH)Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian;

32 At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay (AI)hindi mangyayari sa anomang paraan, sa inyong sinasabi, (AJ)Kami ay magiging gaya ng mga bansa; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa (AK)kahoy at bato.

Ang hinaharap na pagkatayong muli ng Israel.

33 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubugso, ay maghahari ako sa inyo.

34 At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan, at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain, na inyong pinangalatan, sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubuhos;

35 At aking dadalhin kayo sa (AL)ilang ng mga bayan, at doo'y makikipagkatuwiranan ako (AM)sa inyo (AN)ng harapan.

36 Kung paanong ako'y nakipagkatuwiranan sa inyong mga (AO)magulang sa ilang ng lupain ng Egipto, gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.

37 At (AP)pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod, at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan;

38 At (AQ)aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik, at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan, nguni't hindi sila magsisipasok (AR)sa lupain ng Israel: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

39 Tungkol sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; (AS)magsiyaon kayo, maglingkod bawa't isa sa kaniyang mga diosdiosan, at sa haharapin man, kung hindi ninyo ako didinggin; nguni't ang aking banal na pangalan ay (AT)hindi na ninyo lalapastanganin ng (AU)inyong mga kaloob, at ng inyong mga diosdiosan.

40 Sapagka't (AV)sa aking banal na bundok, sa bundok na kaitaasan ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel, nilang lahat: doo'y (AW)tatanggapin ko sila, at doon ko (AX)hihingin ang inyong mga handog, at ang mga unang bunga na inyong mga alay, sangpu ng lahat ninyong banal na bagay.

41 Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at (AY)ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa.

42 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka kayo'y aking ipapasok sa lupain ng Israel, sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang.

43 At doo'y maaalaala (AZ)ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; (BA)at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa.

44 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan, hindi ayon sa inyong mga masamang lakad, o ayon sa inyong mga masamang gawa man, Oh ninyong sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

Ang hula laban sa gubat ng timugan.

45 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

46 Anak ng tao, (BB)itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan, at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan, at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan;

47 At sabihin mo sa gubat ng Timugan, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo, at susupukin ang (BC)bawa't sariwang punong kahoy sa iyo, at ang bawa't tuyong punong kahoy: ang maalab na liyab at hindi mapapatay, at ang lahat na mukha na (BD)mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab.

48 At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay.

49 Nang magkagayo'y sinabi ko: Ah Panginoong Dios! sinasabi nila sa akin, Hindi baga siya'y mapagsalita ng mga (BE)talinghaga?

Mga Hebreo 9:11-28

11 Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote (A)ng mabubuting bagay na darating, (B)sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi (C)gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito,

12 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng (D)kaniyang sariling dugo, ay pumasok na (E)minsan magpakailan man sa (F)dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.

13 Sapagka't (G)kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at (H)ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:

14 Gaano pa kaya (I)ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay (J)maglilinis ng inyong budhi (K)sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?

15 At dahil dito'y siya ang (L)tagapamagitan ng isang (M)bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, (N)ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

16 Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.

17 Sapagka't (O)ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.

18 Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.

19 Sapagka't (P)nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng (Q)mga bulong baka at ng mga kambing, (R)na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan,

20 Na sinasabi, Ito (S)ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

21 Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay (T)pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.

22 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at (U)maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

23 Kinakailangan nga na (V)ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.

24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (W)ng tunay; kundi (X)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (Y)dahil sa atin:

25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (Z)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (AA)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;

26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (AB)minsan siya'y nahayag (AC)sa katapusan ng mga panahon (AD)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (AE)upang dalhin ang mga kasalanan (AF)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (AG)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Mga Awit 107

IKALIMANG AKLAT

Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.

107 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(B)Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
(C)Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
At (D)mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
Sila'y nagsilaboy (E)sa ilang, sa ulilang landas;
Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
Gutom at uhaw,
Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
(F)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
Pinatnubayan naman niya sila sa (G)matuwid na daan,
Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
(H)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Sapagka't (I)kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa,
At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10 Ang gayong (J)tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan,
Na natatali sa dalamhati at pangaw;
11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios,
At hinamak ang (K)payo ng Kataastaasan:
12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap;
Sila'y nangabuwal, at (L)walang sumaklolo.
13 (M)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
14 (N)Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan,
At (O)pinatid ang kanilang mga tali.
15 (P)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16 Sapagka't (Q)kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso,
At pinutol ang mga halang na bakal.
17 (R)Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa (S)mga pintuan ng kamatayan,
19 (T)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20 (U)Sinugo niya ang kaniyang salita, at (V)pinagaling sila,
At (W)iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21 (X)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22 At (Y)mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23 (Z)Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan,
Na nangangalakal sa (AA)mga malawak na tubig;
24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon,
At ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25 Sapagka't siya'y naguutos, at (AB)nagpapaunos,
Na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman:
(AC)Ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at (AD)gigiraygiray na parang lasing,
At ang kanilang karunungan ay nawala.
28 (AE)Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
29 (AF)Kaniyang pinahihimpil ang bagyo,
Na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30 Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay.
Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
31 (AG)Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32 Ibunyi rin naman nila siya (AH)sa kapulungan ng bayan,
At purihin siya sa upuan ng mga matanda.
33 Kaniyang (AI)pinapagiging ilang ang mga ilog,
At uhaw na lupa ang mga bukal:
34 Na maalat na ilang (AJ)ang mainam na lupain,
Dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang,
At mga bukal ang tuyong lupain.
36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom,
Upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan,
At magtamo ng mga bunga na pakinabang.
38 (AK)Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami;
At hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
39 Muli, sila'y nakulangan at nahapay
Sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
40 Kaniyang (AL)ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo,
At kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
41 (AM)Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian,
At ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
42 Makikita ng matuwid, at matutuwa;
(AN)At titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
43 (AO)Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito,
At kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.

Mga Kawikaan 27:11

11 Anak ko, (A)ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso,
Upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978