Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the GNT. Switch to the GNT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Ezekiel 16:42-17:24

42 Sa gayo'y aking papawiin ang aking kapusukan sa iyo, at ang aking paninibugho ay hihiwalay sa iyo, at ako'y matatahimik, at hindi na magagalit pa.

43 Sapagka't hindi mo naalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, kundi ako'y pinapagiinit mo sa lahat ng mga bagay na ito; kaya't, narito, (A)akin namang pararatingin ang iyong lakad sa iyong ulo, sabi ng Panginoong Dios: at hindi ka na gagawa ng kahalayang ito, na higit kay sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam.

Ang Jerusalem ay higit na masama kay sa Sodoma at Samaria.

44 Narito, bawa't sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo, na sasabihin, Kung ano ang ina, gayon ang kaniyang anak na babae.

45 Ikaw ang anak na babae ng iyong ina, na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid, na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak: (B)ang inyong ina ay Hetea, at ang inyong ama ay Amorrheo.

46 At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang (C)Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa, siya at ang kaniyang mga anak na babae; at ang (D)iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak.

47 Gayon ma'y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad, o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam, kundi wari napakaliit na bagay, ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad.

48 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, ang (E)Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa, siya o ang kaniyang mga anak na babae man, na gaya ng iyong ginawa, ng ginawa mo, at ng iyong mga anak na babae.

49 Narito, ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma; (F)kapalaluan, kayamuan sa tinapay, at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan.

50 At sila'y palalo at (G)gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko: kaya't aking (H)inalis sila, ayon sa aking minagaling.

51 Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati ng iyong mga kasalanan, nguni't pinarami mo ang iyong mga kasuklamsuklam na higit kay sa kanila, at (I)iyong pinabuti ang iyong mga kapatid na babae sa pamamagitan ng lahat mong mga kasuklamsuklam na iyong ginawa.

52 (J)Ikaw rin naman, taglayin mo ang iyong sariling kahihiyan, sa iyong paglalapat ng kahatulan sa iyong mga kapatid na babae; sa iyong mga kasalanan na iyong nagawa na higit na kasuklamsuklam kay sa kanila, sila'y lalong matuwid kay sa iyo: oo, malito ka, at taglayin mo ang iyong kahihiyan, sa iyong pagpapabuti sa iyong mga kapatid na babae.

53 At aking panunumbalikin uli sila mula sa kanilang pagkabihag, sa pagkabihag ng Sodoma at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng Samaria at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng iyong mga bihag sa gitna nila.

54 Upang iyong taglayin ang iyong sariling kahihiyan, at ikaw ay mapahiya dahil sa lahat na iyong ginawa sa iyong pagaliw sa kanila.

55 At ang iyong mga kapatid na babae ang Sodoma at ang kaniyang mga anak na babae mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ang Samaria at ang kaniyang mga anak na babae ay mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ikaw at ang iyong mga anak ay mangagbabalik sa inyong dating kalagayan.

56 Sapagka't ang iyong kapatid na babae na Sodoma ay hindi nabanggit ng iyong bibig sa kaarawan ng iyong kapalaluan;

57 Bago nalitaw ang iyong kasamaan, gaya sa panahon ng kapulaan sa mga anak na babae ng Siria, at sa lahat na nangasa palibot niya, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na siyang kumukutya sa iyo sa palibot.

58 Iyong isinagawa ang iyong kahalayan at ang iyong mga kasuklamsuklam, sabi ng Panginoon.

59 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa, na iyong hinamak (K)ang sumpa sa pagsira ng tipan.

Naalaala ng Panginoon ang kaniyang tipan.

60 Gayon ma'y (L)aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan, at aking itatatag sa iyo ang (M)isang walang hanggang tipan.

61 Kung magkagayo'y aalalahanin mo ang iyong mga lakad, at mapapahiya ka, pagka iyong tatanggapin ang (N)iyong mga kapatid na babae, ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid: at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae, nguni't hindi sa pamamagitan ng iyong tipan.

62 At aking itatatag ang aking tipan sa iyo; at iyong malalaman na ako ang Panginoon;

63 Upang iyong maalaala, at malito ka, (O)at kailan pa man ay hindi mo na bukahin ang iyong bibig, dahil sa iyong kahihiyan, pagka aking pinatawad ka ng lahat na iyong nagawa, sabi ng Panginoong Dios.

Ang talinghaga ng dalawang aguila at isang baging.

17 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel;

At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (P)Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:

Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon, at dinala sa isang lupain na kalakalan; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal.

Kumuha rin siya sa binhi ng lupain, at itinanim sa isang mainam na (Q)lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce.

At tumubo, at naging mayabong, na puno ng baging (R)na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyao'y nasa ilalim niya; sa gayo'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagsupling.

May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo: at, narito, (S)ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon, sa dako niya, at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan, upang kaniyang madilig.

Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging.

Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Giginhawa baga yaon? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon, at kikitlin ang bunga niyaon, upang matuyo; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito'y mabubunot sa mga ugat.

10 Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? (T)hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya (U)ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya.

Ang kahulugan ng mga aguila at baging.

11 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

12 Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, (V)ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.

13 (W)At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: (X)isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala (Y)ang mga dakila sa lupain;

14 Upang ang kaharian ay mababa, upang huwag makataas, kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo.

15 (Z)Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo (AA)sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan?

16 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay (AB)sa gitna ng Babilonia na kasama niya.

17 Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay (AC)walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao.

18 Sapagka't kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan; at narito, (AD)naiabot na niya ang kaniyang kamay, at gayon ma'y ginawa ang lahat na bagay na ito; siya'y hindi makatatanan.

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buháy ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo.

20 At (AE)aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at (AF)siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin.

21 At ang lahat niyang mga tanan sa lahat (AG)niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.

Ang mabuting cedro.

22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (AH)Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga (AI)ay puputol ako ng supling, at aking (AJ)itatanim sa isang mataas na bundok at matayog:

23 Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking (AK)itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y (AL)tatahan ang lahat na ibon na may iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila.

24 At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy, nagtaas sa mababang punong kahoy, tumuyo sa sariwang punong kahoy, at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy: (AM)akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon.

Mga Hebreo 8

Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang (A)dakilang saserdote, (B)na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit,

Ministro (C)sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.

Sapagka't ang (D)bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y (E)kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog.

Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan;

Na nangaglilingkod sa anyo at (F)anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, (G)Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok.

Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong (H)lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y (I)tagapamagitan sa isang tipang (J)lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.

Sapagka't (K)kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.

Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya,

(L)Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon,
Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang
Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto;
Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan,
At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel
Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon;
(M)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip,
At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito.
At ako'y magiging Dios nila,
At sila'y magiging bayan ko:
11 At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan,
At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing,
Kilalanin mo ang Panginoon:
Sapagka't ako'y makikilala ng lahat,
Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.
12 Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan,
At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.

13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay (N)linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.

Mga Awit 106:13-31

13 (A)Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa;
Hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
14 (B)Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang,
At tinukso ang Dios sa ilang.
15 (C)At binigyan niya sila ng kanilang hiling;
Nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
16 (D)Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento,
At si Aaron na banal ng Panginoon.
17 (E)Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan,
At tinakpan ang pulutong ni Abiram.
18 (F)At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong;
Sinunog ng liyab ang mga masama,
19 (G)Sila'y nagsigawa ng guya (H)sa Horeb,
At nagsisamba sa larawang binubo.
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian
Sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas,
Na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
22 Kagilagilalas na mga gawa (I)sa lupain ng Cham,
At kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
23 (J)Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila,
Kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak,
Upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
24 (K)Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain,
(L)Hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda,
At hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila,
Na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa,
At pangalatin sila sa mga lupain.
28 (M)Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor,
At nagsikain ng mga hain sa (N)mga patay.
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa;
At ang salot ay lumitaw sa kanila.
30 (O)Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan:
At sa gayo'y tumigil ang salot.
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran,
(P)Sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.

Mga Kawikaan 27:7-9

Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan:
Nguni't sa gutom na (A)tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad,
Gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso:
Gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978