Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Ezekiel 24-26

Katulad ng kaldera.

24 Muli, nang ikasiyam na taon, nang ikasangpung araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng kaarawan, ang kaarawan ding ito: ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem (A)sa kaarawan ding ito.

At (B)ipagsabi mo ng isang talinhaga ang mapanghimagsik na sangbahayan, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (C)Magsalang ka ng kaldera, isalang mo, at buhusan mo rin naman ng tubig:

Pisanin mo ang mga putol niyaon doon, lahat ng mabuting putol, ang hita, at ang balikat; punuin mo ng mga piling buto.

Kumuha ka ng pinili sa kawan, at ibunton mo ang mga buto sa ilalim niyaon: pakuluan mong mabuti; oo, lutuin mo ang mga buto sa loob niyaon.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (D)Sa aba ng mabagsik na bayan, ng kaldera na may kalawang, at ang kalawang ay hindi naalis doon! ilabas mo na putolputol; (E)walang sapalaran na ginawa roon.

Sapagka't ang dugo niya ay nasa gitna (F)niya; kaniyang inilagay sa luwal na bato; hindi niya ibinuhos sa lupa, na tabunan ng alabok.

Upang pukawin ang kapusukan ng manghihiganti, inilagay ko ang kaniyang dugo sa luwal na bato, upang huwag matakpan.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Sa aba ng mabagsik na bayan! akin ding palalakihin ang bunton.

10 Ibunton ang kahoy, paningasin ang apoy, pakuluang mabuti ang laman, palaputin ang sabaw, at sunugin ang mga buto.

11 Kung magkagayo'y ipatong mong walang laman sa mga baga niyaon, upang uminit, at ang tanso niyao'y masunog, at ng ang dumi niyaon ay (G)matunaw roon, upang mapugnaw ang kalawang niyaon.

12 Siya'y nagpakapagod sa paggawa; gayon ma'y ang maraming kalawang ay hindi naaalis; ang kalawang niyaon ay hindi naaalis sa pamamagitan ng apoy.

13 Nasa iyong karumihan ang kahalayan: sapagka't ikaw ay aking nilinis at hindi ka nalinis, hindi ka na malilinis pa sa iyong karumihan, hanggang sa (H)aking malubos ang aking kapusukan sa iyo.

14 Akong Panginoon ang nagsalita: mangyayari, at aking gagawin; hindi ako magbabalik-loob, ni magpapatawad man, ni magsisisi man; ayon sa iyong mga lakad, at ayon sa iyong mga gawa, kanilang hahatulan ka, sabi ng Panginoong Dios.

Ang kamatayan ng asawa ni Ezekiel ay tanda sa Juda.

15 Ang salita ng Panginoon ay dumating din sa akin, na nagsasabi,

16 Anak ng tao, narito, aalisin ko sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan (I)ang nasá ng iyong mga mata: gayon ma'y hindi ka tatangis, ni iiyak man, ni aagos man ang iyong mga luha.

17 Magbuntong-hininga ka, nguni't huwag malakas; (J)huwag mong tangisan ang patay; (K)itali mo ang pugong mo sa ulo, at (L)isuot mo ang iyong mga panyapak sa iyong mga paa, at (M)huwag mong takpan ang iyong mga labi, at huwag kang kumain ng tinapay ng mga tao.

18 Sa gayo'y nagsalita ako sa bayan nang kinaumagahan; at sa kinahapunan ay namatay ang aking asawa; at aking ginawa nang kinaumagahan ang gaya ng iniutos sa akin.

19 At sinabi ng bayan sa akin, (N)Hindi mo baga sasaysayin sa amin kung anong mga bagay ito sa amin, na ikaw ay gumagawa ng ganyan?

20 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

21 Salitain mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (O)aking lalapastanganin ang aking santuario, na kapalaluan ng inyong kapangyarihan, na nasá ng inyong mga mata, at kinahihinayangan ng inyong kalooban, at ang (P)inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak.

22 At inyong gagawin ang aking ginawa; hindi ninyo tatakpan ang inyong mga labi, o kakain man ng tinapay ng mga tao.

23 At ang inyong turbante ay malalagay sa inyong mga ulo, at ang inyong mga panyapak sa inyong mga paa: kayo'y hindi tatangis o iiyak man; kundi (Q)kayo'y manganglulupaypay sa inyong mga kasamaan, at mangagdadaingang isa't isa.

24 Ganito magiging isang tanda (R)sa inyo si Ezekiel; ayon sa lahat niyang ginawa ay inyong gagawin: pagka ito'y nangyari ay inyo (S)ngang malalaman na ako ang Panginoong Dios.

25 At ikaw, anak ng tao, hindi baga mangyayari sa araw na aking alisin sa kanila ang kanilang lakas, ang kagalakan ng kanilang kaluwalhatian, ang nasá ng kanilang mga mata, at ang kanilang pinaglalagakan ng kanilang puso, ang kanilang mga anak na lalake at babae,

26 Na sa araw na yaon (T)ang makatatanan ay paroroon sa iyo, upang iparinig sa iyo ng iyong mga pakinig?

27 Sa araw na yaon ay mabubuka ang (U)iyong bibig sa kaniya na nakatanan, at ikaw ay magsasalita, at hindi na mapipipi pa: gayon magiging isang tanda ka sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Mga hula laban sa Ammon, sa Moab, sa Edom, at sa Filisteo.

25 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha (V)sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila:

At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang (W)malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag:

Kaya't narito, aking ibibigay ka sa (X)mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas.

At aking gagawin ang (Y)Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel;

Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita (Z)na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang (AA)Moab at ang (AB)Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa;

Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang (AC)Beth-jesimoth, ang (AD)Baal-meon, at ang (AE)Chiriathaim.

10 Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa:

11 At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

12 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang (AF)Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira (AG)mula sa Teman; hanggang sa (AH)Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak.

14 At (AI)aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios.

15 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga (AJ)Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man;

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga (AK)Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat.

17 At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila.

Ang pagkagiba ng Tiro ay hinulaan.

26 At nangyari, nang ikalabing isang taon, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, (AL)sapagka't ang Tiro ay nagsabi laban sa Jerusalem, Aha, siya na naging pintuan ng mga bayan ay sira; siya'y nabalik sa akin: ako'y mapupuno ngayong siya'y sira:

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Tiro, at aking pasasampahin (AM)ang maraming bansa laban sa iyo, gaya ng pagpapasampa ng dagat ng kaniyang mga alon.

At kanilang gigibain ang mga kuta ng Tiro, at ibabagsak ang kaniyang mga moog: akin din namang papalisin sa kaniya ang kaniyang alabok, at gagawin ko siyang hubad na (AN)bato.

(AO)Siya'y magiging dakong ladlaran ng mga lambat (AP)sa gitna ng dagat: sapagka't ako ang nagsalita sabi ng Panginoong Dios; at siya'y magiging samsam sa mga bansa.

At ang (AQ)kaniyang mga anak na babae na nangasa parang ay papatayin ng tabak: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (AR)Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (AS)hari ng mga hari, (AT)mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao.

Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang; at siya'y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo, at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo, at magtataas ng longki laban sa iyo.

At kaniyang ilalagay ang kaniyang mga pangsaksak laban sa iyong mga kuta, at sa pamamagitan ng kaniyang mga palakol ay kaniyang ibabagsak ang iyong mga moog.

10 Dahil sa kasaganaan ng kaniyang mga kabayo, tatakpan ka ng kaniyang alabok: ang iyong mga kuta ay uuga sa hugong ng mga mangangabayo, at ng mga kariton, at ng mga karo, pagka siya'y papasok sa iyong mga pintuang-bayan, na gaya ng pagpasok ng tao sa isang bayan na pinamutasan.

11 Tutungtungan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan; at ang mga haligi ng iyong lakas ay mabubuwal sa lupa.

12 At sila'y magsisisamsam ng iyong mga kayamanan, at lolooban ang iyong kalakal; at kanilang ibabagsak ang iyong mga kuta, at gigibain ang iyong mga masayang bahay; at ilalagay ang iyong mga bato, at ang iyong kahoy at ang iyong alabok sa gitna ng tubig.

13 At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig.

14 At gagawin kitang hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagka't akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios.

15 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Tiro; Hindi baga mayayanig ang mga pulo (AU)sa tunog ng iyong pagbagsak, pagka ang nasugatan ay dumadaing, pagka may patayan sa gitna mo?

16 Kung magkagayo'y lahat na (AV)prinsipe sa dagat ay magsisibaba mula sa kanilang mga luklukan, at aalisin ang kanilang mga balabal, at huhubuin ang kanilang mga damit na may burda: sila'y dadatnan ng panginginig; sila'y magsisiupo sa lupa, at manginginig sa tuwituwina, at mangatitigilan sa iyo.

17 At pananaghuyan ka nila, at magsasabi sa iyo, Ano't nagiba ka, na tinatahanan ng mga taong dagat, na bantog na bayan (AW)na malakas sa dagat, siya at ang mga mananahan sa kaniya, na (AX)nagpapangilabot sa lahat na nagsisitahan sa kaniya!

18 Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak; oo, ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon.

19 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan, na parang mga bayan na hindi tinatahanan, (AY)pagka tatabunan kita ng kalaliman, at tatakpan ka ng maraming tubig;

20 Ibababa nga kita na (AZ)kasama nila na bumababa sa hukay, sa mga tao nang una, at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa, sa mga dakong sira nang una, na kasama ng nagsibaba sa hukay, upang ikaw ay huwag tahanan; at ako'y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay.

21 (BA)Gagawin kitang kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay: bagaman ikaw ay hanapin ay hindi ka na masusumpungan pa uli, sabi ng Panginoong Dios.

Mga Hebreo 11:1-16

11 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay (A)na hindi nakikita.

Sapagka't (B)sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.

Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag (C)sa pamamagitan ng salita ng Dios, (D)ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.

Sa pananampalataya si (E)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.

Sa pananampalataya si (F)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Sa pananampalataya si Noe, (G)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (H)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (I)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (J)katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Sa pananampalataya si (K)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.

Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, (L)at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:

10 Sapagka't (M)inaasahan niya ang bayang (N)may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at (O)gumawa ay ang Dios.

11 Sa pananampalataya (P)si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako:

12 Kaya naman (Q)sumibol sa isa, sa kaniya (R)na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.

13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (S)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (T)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.

14 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.

15 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.

16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (U)Dios (V)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (W)sila ng isang bayan.[a]

Mga Awit 110

Awit ni David.

110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.

Mga Kawikaan 27:14

14 Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan,
Mabibilang na sumpa sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978