The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
13 Ito ang (A)alay na inyong ihahandog: ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng trigo; at inyong ibibigay ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng cebada;
14 At ang takdang bahagi ng langis, ng bath ng langis, ang ikasangpung bahagi ng bath mula sa isang kor, na sangpung bath, o isang homer (sapagka't sangpung bath ay isang homer);
15 At isang batang tupa sa kawan, mula sa dalawang daan, na mula sa matabang pastulan ng Israel;—na pinakahandog na harina, at pinakahandog na susunugin, at pinakahandog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.
16 Buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa prinsipe sa Israel.
17 At magiging tungkulin (B)ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin, at ng mga handog na harina, at ng mga (C)inuming handog, sa mga (D)kapistahan, at sa mga bagong (E)buwan, at sa mga sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel: siya'y (F)maghahanda ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na harina, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel.
Mga handog sa unang buwan.
18 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, kukuha ka ng guyang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuario.
19 At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay, at sa apat na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi ng pintuang-daan ng lalong loob na looban.
20 At gayon ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawa't nagkakamali, at sa bawa't walang malay: gayon ninyo lilinisin ang bahay.
Handog sa paskua.
21 (G)Sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, magdidiwang kayo ng paskua, isang kapistahan na pitong araw; tinapay na walang levadura ang kakanin.
22 At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan.
23 At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon, pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw; (H)at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan.
24 At siya'y maghahanda ng handog na harina, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang (I)hin ng langis sa isang efa.
25 (J)Sa ikapitong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, sa kapistahan, kaniyang gagawin ang gaya ng pitong araw; ayon sa handog dahil sa kasalanan, ayon sa handog na susunugin, at ayon sa handog na harina, at ayon sa langis.
Mga handog sa araw ng sabbath at sa bagong buwan.
46 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (K)Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at (L)sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan.
2 At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa (M)tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda (N)ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon.
3 (O)At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan.
4 At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon (P)sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan;
5 At ang handog na harina ay (Q)isang efa sa lalaking tupa, at ang handog na harina sa mga batang tupa (R)ay ang kaniyang kayang ibigay, at isang hin ng langis sa isang efa.
Mga bagay tungkol sa mga handog.
6 At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan:
7 At siya'y maghahanda ng handog na harina, isang efa sa toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya, at isang hin na langis sa isang efa.
8 At pagka ang prinsipe ay papasok, siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at sa daan ding yaon siya lalabas.
9 Nguni't pagka ang bayan ng lupain ay (S)haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan, siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan: at siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan, kundi lalabas na matuwid sa harap niya.
10 At ang prinsipe, pagka sila'y magsisipasok, ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon; at pagka sila'y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama.
11 At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa.
12 At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng (T)kusang handog, ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon, may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, (U)gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y lalabas siya; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan.
13 At (V)ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw: tuwing umaga ay maghahanda ka.
14 At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga, ang ikaanim na bahagi ng isang efa, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis, upang basain ang mainam na harina; isang handog na harina na lagi sa Panginoon: na pinakalaging alituntunin.
15 Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina, at ang langis, tuwing umaga, na pinakahandog na susunuging lagi.
Ang karapatan ng mga prinsipe na magbigay ng mana.
16 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak, ay magiging kaniyang mana, mauukol sa kaniyang mga anak; siyang kanilang pagaari na pinakamana.
17 Nguni't kung ibigay niya (W)ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya (X)sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak.
18 Bukod dito'y (Y)hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pagaari; siya'y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pagaari, upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa't isa sa kaniyang pagaari.
Ang mga dako na pagpapakuluan ng mga saserdote.
19 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan, na nasa tabi ng pintuang-daan, sa loob (Z)ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote, na nakaharap sa hilagaan: at, narito, may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran.
20 At sinabi niya sa akin, Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote (AA)ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan, (AB)na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban, (AC)upang banalin ang bayan.
21 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban.
22 Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod, apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang: ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat.
23 At may isang pader sa palibot ng mga yaon, sa palibot ng apat, at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot.
24 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang mga dako na pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng hain ng bayan.
13 Kaya't (A)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (B)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (C)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;
14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (D)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (E)sa kawalang kaalaman:
15 Nguni't yamang banal (F)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (G)ng pamumuhay;
16 Sapagka't nasusulat, (H)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (I)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (J)takot ang panahon ng inyong (K)pangingibang bayan:
18 Na inyong nalalamang (L)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (M)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
19 Kundi ng mahalagang (N)dugo, gaya ng sa (O)korderong (P)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
20 (Q)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (R)sa mga huling panahon dahil sa inyo,
21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, (S)na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at (T)sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.
22 Yamang (U)nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, (V)sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng (W)buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:
23 (X)Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, (Y)sa pamamagitan (Z)ng salita ng Dios (AA)na nabubuhay at namamalagi.
24 Sapagka't,
(AB)Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:
25 (AC)Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.
At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.
2 (AD)Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na (AE)kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat (AF)ng panglalait,
2 (AG)Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo (AH)ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
3 Kung inyong (AI)napagkilala na ang Panginoon ay (AJ)mapagbiyaya:
4 Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y (AK)itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,
5 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay (AL)natatayong (AM)bahay na ukol sa espiritu, (AN)upang maging pagkasaserdoteng banal, (AO)upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, (AP)na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
6 Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,
(AQ)Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:
At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
7 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,
(AR)Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;
8 At,
Batong katitisuran, (AS)at bato na pangbuwal;
Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: (AT)na dito rin naman sila itinalaga,
9 Datapuwa't kayo'y (AU)isang lahing hirang, isang makaharing (AV)pagkasaserdote, (AW)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (AX)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
10 Na (AY)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.
HE.
33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (A)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (B)kasakiman.
37 (C)Alisin mo ang aking mga mata (D)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (E)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (F)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
VAU.
41 (G)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (H)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (I)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
11 Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili;
Nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978