Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Daniel 4

Si Nabucodonosor ay nanaginip ng isang kahoy.

Si Nabucodonosor na hari, (A)sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan sa buong lupa: (B)Kapayapaa'y managana sa inyo.

Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan (C)na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios.

Kay dakila ang kaniyang mga tanda! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang (D)kaharian, at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali't saling lahi.

Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay, at gumiginhawa sa aking palasio.

Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; (E)at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin.

(F)Kaya't nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat (G)na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip.

Nang magkagayo'y nagsidating ang mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila; nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon.

Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si Daniel, (H)na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, (I)at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya, na aking sinasabi,

Oh Beltsasar, na (J)pangulo ng mga mahiko, sapagka't talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo, at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon.

10 Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy (K)sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa.

11 Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa.

12 Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; (L)ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon.

13 May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito, (M)isang bantay at isang (N)banal ay bumaba mula sa langit.

14 Siya'y sumigaw ng malakas, at nagsabi ng ganito, (O)Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan, lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan, at ang mga ibon sa mga sanga niyan.

15 Gayon ma'y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa, na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa:

16 Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya; at (P)mangyaring makapito sa kaniya.

17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng (Q)mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; (R)upang makilala ng mga may buhay (S)na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.

18 Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito: at ikaw, Oh Beltsasar, ipahayag ang kahulugan, (T)sapagka't lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan; nguni't maipaaaninaw mo; sapagka't ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo.

Ipinaliwanag ni Daniel ang panaginip.

19 Nang magkagayo'y si Daniel na ang pangala'y Beltsasar, natigilang sangdali, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip. Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Beltsasar, huwag kang bagabagin ng panaginip, o ng kahulugan. Si Beltsasar ay sumagot, at nagsabi, Panginoon ko, (U)ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot sa iyo, at ang kahulugan niyao'y mangyari nawa sa iyong mga kaaway,

20 Ang punong kahoy na iyong nakita (V)na tumutubo, at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit, at ang tanaw niyao'y sa buong lupa;

21 Na ang mga daho'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang, at ang kaniyang mga sanga'y dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid:

22 Ay ikaw, Oh hari, na lumalaki at nagiging malakas; sapagka't ang iyong kadakilaan ay lumaki, at umaabot hanggang sa langit, (W)at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa.

23 At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;

24 Ito ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari:

25 Na ikaw ay (X)mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay (Y)pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.

26 At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo, pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno.

27 Kaya't, Oh hari, tanggapin mo ang aking payo, at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.

Ang panaginip ng hari ay natupad.

28 Lahat ng ito'y sumapit sa haring Nabucodonosor.

29 Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia.

30 Ang hari ay nagsalita, (Z)at nagsabi, Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka (AA)tahanang hari, sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan?

31 Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling sa langit, na nagsasabi, Oh haring Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo.

32 At ikaw ay palalayasin (AB)sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.

33 (AC)Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya'y pinalayas sa mga tao, at kumain ng damo na gaya ng mga baka, at ang (AD)kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon.

34 At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko (AE)siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka't ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali't saling lahi;

35 At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; (AF)at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, (AG)Anong ginagawa mo?

36 Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin.

37 Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay (AH)pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; (AI)sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at (AJ)yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.

2 Pedro 1

Si Simon Pedro, na (A)alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya (B)sa katuwiran (C)ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:

Biyaya at kapayapaan ang (D)sa inyo'y dumami (E)sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;

Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa (F)kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na (G)tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;

Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay (H)makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.

Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (I)kaalaman;

At sa kaalaman ay ang (J)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (K)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (L)kabanalan;

At sa kabanalan ay ang (M)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (N)pagibig.

Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.

Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (O)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (P)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.

10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (Q)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (R)hindi kayo mangatitisod kailan man:

11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (S)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.

12 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, (T)bagama't inyong nalalaman, at kayo'y (U)pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.

13 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong (V)ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo;

14 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na (W)gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo.

15 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito.

16 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa (X)mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at (Y)pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (Z)kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.

17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (AA)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (AB)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:

18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.

19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (AC)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (AD)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:

20 Na maalaman muna ito, na (AE)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.

21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (AF)ang hula kailanman: (AG)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.

Mga Awit 119:97-112

MEM.

97 (A)Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan!
Siya kong gunita buong araw.
98 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway (B)ng iyong mga utos;
Sapagka't mga laging sumasa akin.
99 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin;
(C)Sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
100 Ako'y nakakaunawa na (D)higit kay sa may katandaan,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad,
Upang aking masunod ang salita mo.
102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan;
Sapagka't iyong tinuruan ako.
103 (E)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa:
Kaya't aking (F)ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

NUN.

105 (G)Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa,
At liwanag sa aking landas.
106 (H)Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko,
Na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
107 Ako'y nagdadalamhating mainam:
(I)Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, (J)ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon,
At ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
109 Ang kaluluwa ko'y (K)laging nasa aking kamay;
Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama;
Gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
111 Ang mga patotoo mo'y inari kong (L)pinakamana magpakailan man;
Sapagka't (M)sila ang kagalakan ng aking puso.
112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo,
Magpakailan man, sa makatuwid baga'y (N)hanggang sa wakas.

Mga Kawikaan 28:17-18

17 (A)Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao,
Tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.
18 (B)Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas:
Nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978