The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang santuario ay hindi dapat lapastanganin.
44 Nang magkagayo'y ibinalik niya ako (A)sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, (B)na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara.
2 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, (C)sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.
3 Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang (D)kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon.
4 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng (E)pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, (F)narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: (G)at nasubasob ako.
5 At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa (H)lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario.
6 At iyong sasabihin sa (I)mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,
7 Sa inyong (J)pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang (K)aking tinapay, (L)ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.
8 At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y (M)nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.
9 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel.
10 Nguni't ang mga Levita (N)na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan.
11 Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at (O)magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at (P)sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila.
12 Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.
13 At hindi sila magsisilapit (Q)sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa (R)mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.
14 Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.
Ang mga kautusan tungkol sa mga saserdoteng Levita na anak ni Sadoc.
15 Nguni't (S)ang mga saserdoteng Levita na (T)mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:
16 Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking (U)dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin.
17 At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, (V)susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob.
18 Sila'y (W)mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at (X)mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis.
19 At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, (Y)kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang (Z)huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan.
20 (AA)Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo.
21 Ni (AB)iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban.
22 Ni mangagaasawa man sa (AC)babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote.
23 At (AD)kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis.
24 At (AE)sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath.
25 At hindi sila magsisilapit (AF)sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila.
26 At (AG)pagkatapos na siya'y malinis, sila'y bibilang sa kaniya ng pitong araw.
27 At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios.
Ang bahagi ng mga saserdote.
28 At sila'y mangagkakaroon ng mana; (AH)ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pagaari sa Israel; ako'y kanilang pagaari.
29 Sila'y magsisikain (AI)ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at (AJ)bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.
30 At ang (AK)una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang (AL)una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.
31 Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, (AM)o nalapa, maging ibon o hayop man.
Ang bahagi ng mga Levita at mga prinsipe.
45 Bukod dito'y pagka inyong (AN)hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran ang lupain na pinakamana, mangaghahandog kayo ng alay sa Panginoon, (AO)isang banal na bahagi ng lupain; ang haba ay magkakaroon ng habang dalawang pu't limang libong (AP)tambo, at ang luwang ay magiging sangpung libo: ito'y magiging banal sa lahat ng hangganan niyaon sa palibot.
2 Dito'y magkakaroon ukol sa dakong banal ng limang daan ang haba at limang daang luwang, parisukat sa palibot; limang pung siko sa pagitan niyaon sa palibot.
3 At sa sukat na ito iyong susukatin, na ang haba ay dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo: (AQ)at doo'y malalagay ang santuario, (AR)na pinakabanal.
4 Siyang banal na bahagi ng lupain; (AS)ito'y para sa mga saserdote, na mga tagapangasiwa ng santuario, na nagsisilapit upang magsipangasiwa sa Panginoon; at ito'y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay, at banal na dakong kalalagyan ng santuario.
5 At dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang ay magiging sa mga Levita, na mga tagapangasiwa ng bahay, na pinaka pagaari sa kanilang sarili, na dalawang pung silid.
6 At inyong itatakda ang pagaari ng bayan na limang libo ang luwang, at dalawang pu't limang libo ang haba, sa tabi ng alay na banal na bahagi: magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel.
7 Magkakaroon naman para sa (AT)prinsipe (AU)ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pagaari ng bayan, sa harap ng banal na alay at sa harap ng pagaari ng bayan, sa dakong kalunuran na gawing kalunuran, at sa dakong silanganan na gawing silanganan; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan.
8 Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng (AV)aking mga prinsipe ang aking bayan; (AW)kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel (AX)ayon sa kanilang mga lipi.
Ang katungkulan ng mga pinuno.
9 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios.
10 Kayo'y magkakaroon ng mga ganap na (AY)timbangan; (AZ)at ganap na efa, at ganap na bath.
11 Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan, upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang (BA)homer, at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer: ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer.
12 At (BB)ang siklo ay magiging dalawang pung gera: dalawangpung siklo, lima at dalawang pung siklo, labing limang siklo ay siyang magiging maneh ninyo.
1 Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan (A)na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,
2 (B)Ayon (C)sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at (D)mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: (E)Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.
3 Purihin nawa ang Dios (F)at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli (G)tayo sa isang buhay na pagasa (H)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
4 Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, (I)na inilaan sa langit para sa inyo,
5 Na sa kapangyarihan ng Dios (J)ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.
6 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't (K)ngayo'y sa sangdaling panahon, (L)kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,
7 Upang (M)ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y (N)sinusubok sa pamamagitan ng apoy, (O)ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal (P)sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; (Q)na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y (R)inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
9 (S)Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (T)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (U)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (V)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (W)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.
GIMEL.
17 (A)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (B)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (C)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(D)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (E)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.
DALETH.
25 (F)Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok:
(G)Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin:
Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27 (H)Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin:
Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob:
Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan:
At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat:
Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo:
Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos,
Pagka iyong (I)pinalaki ang aking puso.
8 (A)Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang,
Ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha.
9 (B)Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan,
Maging (C)ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
10 (D)Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan,
Siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw:
(E)Nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978