The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GNT. Switch to the GNT to read along with the audio.
Ang pangitain ng bagang nagbabaga; ng apat na gulong; at ng kaluwalhatiang umalis mula sa templo.
10 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa (A)langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na (B)parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan.
2 At siya'y nagsalita sa lalake na (C)nakapanamit ng kayong lino, at kaniyang sinabi, Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga (D)bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin, at (E)ikalat mo sa bayan. At sa aking paningin ay pumasok siya.
3 Ang mga kerubin nga ay nagsitayo (F)sa dakong kanan ng bahay, nang ang lalake ay pumasok; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban.
4 (G)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin, at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay; at (H)ang bahay ay napuno ng ulap, at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon.
5 At ang (I)pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siya'y nagsasalita.
6 At nangyari, nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino, na sabihin, Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin, na siya'y pumasok, at tumayo sa tabi ng isang gulong.
7 At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin, at kumuha niyaon, at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino, na siyang kumuha at lumabas.
8 At lumitaw sa gitna ng mga kerubin (J)ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
9 At ako'y tumingin, at narito, apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin, isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin, at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong (K)berila.
10 At tungkol sa kanilang anyo, silang apat ay may isang pagkakawangis, na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong.
11 (L)Pagka nagsisiyaon, ay nagsisiyaon (M)sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon, kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon.
12 At ang kanilang buong katawan, at ang kanilang mga likod, at ang kanilang mga kamay, at ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong (N)ay puno ng mga mata sa palibot, sa makatuwid baga'y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat.
13 Tungkol sa mga gulong, tinawag sa aking pakinig, ang nagsisiikot na mga gulong.
14 At bawa't isa'y may apat na (O)mukha: ang unang mukha ay mukha ng kerubin, at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao, at ang ikatlo ay mukha ng leon, at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila.
15 At ang mga kerubin ay napaitaas: ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa (P)pangpang ng ilog Chebar.
16 At nang magsiyaon ang mga kerubin, ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila: at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa, ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila.
17 (Q)Pagka sila'y nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka sila'y nangapaiitaas, ang mga ito'y nangapaiitaas na kasama nila: sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon.
18 At (R)ang kaluwalhatian ng Panginoon (S)ay lumabas mula sa pintuan ng bahay, at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin.
19 At (T)itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin, nang sila'y magsilabas, at ang mga gulong ay sa siping nila: at sila'y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila.
20 Ito ang nilalang na may buhay (U)na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar; at naalaman ko na sila'y mga kerubin.
21 Bawa't isa'y (V)may apat na mukha, at bawa't isa'y may apat na pakpak; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak.
22 At tungkol (W)sa anyo ng kanilang mga mukha, ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar, ang kanilang mga anyo at sila rin; (X)sila'y yumaon bawa't isa na patuloy.
Ang mga masasamang pinuno.
11 Bukod dito'y itinaas ako (Y)ng Espiritu, at dinala ako sa (Z)pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, (AA)nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.
2 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito;
3 Na nagsasabi, (AB)Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; (AC) ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne.
4 Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao.
5 At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip.
6 Inyong pinarami (AD)ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay.
7 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (AE)Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito.
8 Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
9 At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo.
10 (AF)Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo (AG)sa hangganan ng Israel; (AH)at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
11 Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel;
12 At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian (AI)ng mga bansa na nangasa palibot ninyo.
13 At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y (AJ)nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel?
Ipinangako ang muling pagkakatayo at pagbabago ng Israel.
14 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
15 Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari.
16 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario (AK)sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan.
17 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (AL)Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel.
18 At sila'y magsisiparoon, at (AM)kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon.
19 At (AN)aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman;
20 Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: (AO)at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios.
21 Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, (AP)aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios.
Ang katapusan ng pangitain.
22 Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin (AQ)ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at (AR)ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon.
23 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa (AS)ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan.
24 At itinaas ako (AT)ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin.
25 Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.
6 Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi (A)sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2 Ng aral (B)na tungkol sa mga paglilinis, (C)at ng pagpapatong ng mga kamay, (D)at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, (E)at ng paghuhukom na walang hanggan.
3 At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.
4 Sapagka't tungkol sa mga minsang (F)naliwanagan at nakalasap (G)ng kaloob ng kalangitan, at mga (H)nakabahagi ng Espiritu Santo,
5 At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan (I)ng panahong darating,
6 At saka nahiwalay sa Dios ay (J)di maaaring baguhin silang muli (K)sa pagsisisi; (L)yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
7 Sapagka't ang lupang (M)humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:
8 Datapuwa't (N)kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.
9 Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:
10 Sapagka't ang (O)Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong (P)paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.
11 At ninanasa namin na ang (Q)bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:
12 Na huwag kayong (R)mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana (S)ng mga pangako.
13 Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay (T)ipinanumpa ang kaniyang sarili,
14 Na sinasabi, (U)Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.
15 At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
16 Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y (V)ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.
17 Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga (W)tagapagmana ng pangako (X)ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;
18 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y (Y)di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
19 Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag (Z)at pumapasok sa nasa loob ng (AA)tabing;
20 Na doo'y (AB)pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, (AC)na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
16 (A)At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain;
Kaniyang binali ang buong (B)tukod ng tinapay.
17 (C)Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila;
(D)Si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18 Ang kaniyang mga paa (E)ay sinaktan nila ng mga pangpangaw;
Siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19 Hanggang sa panahon na nangyari ang (F)kaniyang salita;
Tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20 (G)Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya;
Sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21 (H)Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay,
At pinuno sa lahat niyang pagaari:
22 (I)Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan,
At turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23 (J)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (K)lupain ng Cham.
24 (L)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (M)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (N)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.
27 (O)Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda,
At mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim;
At sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig,
At pinatay ang kanilang mga isda.
30 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka,
Sa mga silid ng kanilang mga hari.
31 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw,
At kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32 (P)Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso,
At liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos;
At binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34 (Q)Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating,
At ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain,
At kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36 (R)Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain,
Ang puno ng lahat nilang kalakasan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978