Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Daniel 5

Ang handaan ni Belsasar, at ang sulat sa dingding.

(A)Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao, at uminom ng alak sa harap ng sanglibo.

Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na (B)dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni (C)Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.

Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae.

Sila'y nangaginuman ng alak, (D)at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.

Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat.

Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at (E)ang pagkakasugpong ng kaniyang mga (F)balakang ay nakalag, at ang (G)kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan.

Ang hari ay sumigaw ng malakas, (H)na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa (I)mga pantas sa Babilonia, (J)Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno (K)sa kaharian.

Nang magkagayo'y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari; nguni't hindi nila nabasa ang sulat, o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon.

Nang magkagayo'y nabagabag na mainam ang haring Belsasar, at ang kaniyang pagmumukha ay nabago, at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan.

10 Ang reina, dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan: ang reina ay nagsalita, at nagsabi, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip, o mabago man ang iyong pagmumukha.

11 May isang lalake sa iyong kaharian (L)na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios; at sa mga kaarawan ng iyong ama, ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan, na gaya ng karunungan ng mga dios; at ang haring Nabucodonosor, na (M)iyong ama, ang hari, sinasabi ko, ang iyong ama, ay ginawa niya siyang (N)panginoon ng mga mago, ng mga enkantador, ng mga Caldeo, at ng mga manghuhula;

12 Palibhasa'y isang marilag na espiritu, at kaalaman, at unawa, pagpapaaninaw ng mga panaginip, at pagpapakilala ng mga malabong salita, at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan, ay nangasumpungan sa Daniel na iyan, (O)na pinanganlan ng hari na Beltsasar. Tawagin nga si Daniel, at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan.

Si Daniel ay ipinatawag.

13 Nang magkagayo'y dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ikaw baga'y si Daniel na (P)sa mga anak ng pagkabihag sa Juda, na kinuha sa Juda ng haring aking ama?

14 Nabalitaan kita, na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo, at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo.

15 At ang mga pantas nga, ang mga enkantador, dinala sa harap ko, upang kanilang basahin ang sulat na ito, at ipaaninaw sa akin ang kahulugan; nguni't hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay.

16 Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: (Q)kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian.

17 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na (R)ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.

18 Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, (S)nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:

19 At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, (T)nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.

20 Nguni't nang ang kaniyang puso (U)ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian:

21 At siya'y (V)pinalayas sa mga anak ng mga tao, at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop, at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno; siya'y pinakain ng damo na gaya ng mga baka, at ang (W)kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin.

22 At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito,

23 Kundi ikaw ay nagpakataas laban (X)sa Panginoon ng langit; at (Y)kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at (Z)iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.

24 Nang magkagayo'y ang bahagi (AA)nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda.

Ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan ng sulat.

25 At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.

26 Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.

27 TEKEL; ikaw ay (AB)tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.

28 PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga (AC)taga Media at (AD)taga Persia.

29 Nang magkagayo'y nagutos si Belsasar, at (AE)pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya'y ikatlong puno sa kaharian.

30 Nang gabing yaon ay (AF)napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea.

31 At (AG)tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya.

2 Pedro 2

Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (A)mga bulaang propeta, na (B)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (C)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (D)ang Panginoon (E)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (F)daan ng katotohanan.

At (G)sa kasakiman sa mga (H)pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapamahakan ay hindi nagugupiling.

Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel (I)nang mangagkasala ang mga yaon, kundi (J)sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;

At ang dating sanglibutan ay (K)hindi pinatawad, datapuwa't (L)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;

At pinarusahan niya ng pagkalipol (M)ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama:

At (N)iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na (O)pamumuhay ng masasama

(Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang (P)nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan):

Ang (Q)Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;

10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (R)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (S)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (T)magsialipusta sa mga pangulo:

11 Samantalang ang (U)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.

12 Datapuwa't ang mga ito, na (V)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.

13 Na nangagbabata ng masama na (W)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (X)magpakalayaw kung araw, (Y)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (Z)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (AA)nangakikipagpiging sa inyo;

14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,

15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (AB)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;

16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (AC)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.

17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, (AD)mga ulap na tinatangay ng unos; (AE)na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;

18 Sapagka't, (AF)sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian;

19 Na pinangangakuan ng (AG)kalayaan, (AH)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.

20 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan (AI)sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama (AJ)ang huling kalagayan nila kay sa nang una.

21 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.

22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli (AK)ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Mga Awit 119:113-128

SAMECH.

113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip;
Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
114 Ikaw ang (A)kublihan kong dako at (B)kalasag ko:
Ako'y umaasa (C)sa iyong salita.
115 (D)Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan;
Upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(E)At huwag mo akong hiyain (F)sa aking pagasa.
117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas,
At magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
118 (G)Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan;
Sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal;
(H)Kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
120 (I)Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo;
At ako'y takot sa iyong mga kahatulan.

AIN.

121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan:
Huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
122 (J)Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti:
Huwag mong ipapighati ako sa palalo.
123 Pinangangalumatahan (K)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob,
At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
125 (L)Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa;
Upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa;
Sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
127 (M)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay;
At ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.

Mga Kawikaan 28:19-20

19 (A)Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.
20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala:
(B)Nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978