The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Ang pangitain ng mga tuyong buto.
37 Ang (A)kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako (B)sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto.
2 At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo.
3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; (C)ikaw ang nakakaalam.
4 Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.
5 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking (D)papapasukin ang (E)hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.
6 At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Ang mga buto na tuyo ay nagkaroon ng buhay.
7 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto.
8 At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila.
9 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa (F)apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.
10 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, (G)at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.
Ang mga buto na tuyo ay katulad ng bayan ng Panginoon.
11 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, (H)Ang ating mga buto ay natuyo, (I)at ang ating pagasa ay nawala; (J)tayo'y lubos na nahiwalay.
12 Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (K)aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin (L)kayo sa lupain ng Israel.
13 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko.
14 At (M)aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.
Ang muling pagsasama ng Juda at Israel.
15 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:
16 At ikaw, anak ng tao, (N)kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, (O)Sa Juda at sa (P)mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: (Q)Sa Jose, na siyang tungkod ng (R)Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:
17 At (S)iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay.
18 At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito?
19 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.
20 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo (T)sa harap ng kanilang mga mata.
21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (U)aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:
22 At gagawin ko (V)silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; (W)at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;
23 At hindi na naman mapapahamak pa sila (X)ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko (Y)sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.
Si David ang magiging kanilang hari.
24 At ang aking lingkod na si David ay (Z)magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.
25 At (AA)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (AB)magpakailan man: at si David na (AC)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.
26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng (AD)tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario (AE)sa gitna nila magpakailan man.
27 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
28 At malalaman ng mga bansa na (AF)ako ang Panginoon na (AG)nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.
Ang hula tungkol sa Gog. Sasalakay sa Israel.
38 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 (AH)Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha (AI)sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa (AJ)Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,
3 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:
4 At aking ipipihit ka sa palibot, (AK)at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak:
5 (AL)Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante;
6 (AM)Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni (AN)Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.
7 Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila.
8 (AO)Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na (AP)napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y (AQ)magsisitahang tiwasay, silang lahat.
9 At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating (AR)na parang bagyo, ikaw ay magiging parang (AS)ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo.
10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala:
11 At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man;
12 (AT)Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pagaari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa.
13 Ang Seba, (AU)at ang (AV)Dedan, at ang mga (AW)mangangalakal sa Tarsis, sangpu ng (AX)lahat ng batang leon niyaon, ay magsasabi sa iyo, Naparito ka baga upang kumuha ng samsam? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam? upang magdala ng pilak at ginto, upang magdala ng mga hayop at mga pagaari, upang kumuha ng malaking samsam?
14 Kaya't, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman?
15 At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, (AY)mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo;
16 At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari (AZ)sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, (BA)pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.
Ang galit ng Panginoon laban sa Gog.
17 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila?
18 At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay (BB)sasampa sa aking mga butas ng ilong.
19 Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, (BC)Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel;
20 Na anopa't ang mga isda sa dagat, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa parang, at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa, magsisipanginig sa aking harapan, at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa, at bawa't kuta ay mangababagsak sa lupa.
21 At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya, sabi ng Panginoong Dios: ang tabak ng bawa't lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid.
22 (BD)At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga (BE)pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.
23 At ako'y pakikitang dakila (BF)at banal, at ako'y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't (A)magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, (B)magmakupad sa pananalita, (C)magmakupad sa pagkagalit;
20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.
21 Kaya't (D)ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, (E)na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
22 Datapuwa't maging (F)tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
23 Sapagka't (G)kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa (H)salamin:
24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.
25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na (I)kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.
26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso (J)samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.
27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating (K)Dios at Ama ay ito, (L)dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, (M)at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
2 Mga kapatid ko, (N)yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon (O)ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.
2 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak;
3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;
4 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?
5 Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; (P)hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging (Q)mayayaman sa pananampalataya, at mga (R)tagapagmana (S)ng kahariang (T)ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya?
6 Nguni't (U)inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, (V)at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?
7 Hindi baga (W)nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y (X)itinatawag?
8 Gayon man kung inyong ganapin (Y)ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, (Z)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti:
9 Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.
10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, (AA)ay nagiging makasalanan sa lahat.
11 Sapagka't ang nagsabi, (AB)Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan.
12 Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan (AC)ng kautusan ng kalayaan.
13 Sapagka't ang (AD)paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.
14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
15 Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,
16 At (AE)ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?
17 Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.
Mga kawikaang nagkakalaban.
28 (A)Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol:
Nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978