Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Daniel 1:1-2:23

Si Daniel at ang kaniyang tatlong kaibigan ay hindi kumain ng pagkain ng hari.

Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay (A)dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon.

At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng (B)bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao'y (C)dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: (D)at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios.

At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya'y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y sa lahing hari at sa mga mahal na tao;

Mga binatang walang kapintasan, kundi may mabubuting bikas, at matatalino sa lahat na karunungan, at bihasa sa kaalaman, at nakakaunawa ng dunong, at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo.

At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi (E)sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y (F)mangakatayo sila sa harap ng hari.

Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si (G)Ananias, si Misael, at si Azarias.

At (H)pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating: kay Daniel ang ipinangalan ay (I)Beltsasar, at kay (J)Ananias ay Sadrach; at kay Misael ay Mesach; at kay Azarias ay Abed-nego.

Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak (K)sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak.

Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios, ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating.

10 At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel, Ako'y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin: sapagka't bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari.

11 Nang magkagayo'y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias:

12 Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.

13 Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.

14 Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.

15 At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.

16 Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.

Sila ay naging panguna sa karunungan at pangangatawan.

17 Tungkol nga sa apat na binatang ito, (L)pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may (M)pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga (N)panaginip.

18 At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila, ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor.

19 At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel, ni Ananias, ni Misael, at ni Azarias: kaya't sila'y nanganatili sa harap ng hari.

20 At sa bawa't bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng (O)mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian.

21 At si Daniel ay namalagi hanggang sa unang taon ng haring Ciro.

Ang nakalimutang panaginip ng hari at ang kaniyang bala.

At (P)nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.

Nang magkagayo'y (Q)ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga (R)Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.

At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.

Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.

Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y (S)pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.

Nguni't (T)kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.

Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.

Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.

Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.

10 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.

11 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, (U)liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.

12 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat (V)na pantas na tao sa Babilonia.

13 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.

Si Daniel ay humingi ng panahon; nagkaroon ng panaginip.

14 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;

15 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.

16 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.

17 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay (W)Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:

18 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.

19 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.

20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, (X)Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.

21 At kaniyang binabago (Y)ang mga panahon at mga kapanahunan; (Z)siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng (AA)kaalaman sa makakaalam ng unawa;

22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at (AB)ang liwanag ay tumatahang kasama niya.

23 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na (AC)Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.

1 Pedro 3:8-4:6

Katapustapusan, (A)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (B)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (C)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

(D)Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, (E)o ng alipusta ang pagalipusta; kundi (F)ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

10 Sapagka't,

(G)Ang magnais umibig sa buhay,
At makakita ng mabubuting araw,
Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,
At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;
Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:
Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.

13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14 Datapuwa't (H)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (I)ay mapapalad kayo: at (J)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (K)huwag kayong mangagulo;

15 Kundi (L)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (M)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (N)kaamuan at (O)takot:

16 Na taglay (P)ang mabuting budhi; (Q)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (R)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (S)pamumuhay kay Cristo.

17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.

18 Sapagka't si Cristo man ay (T)nagbata ring (U)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (V)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (W)sa laman, nguni't (X)binuhay (Y)sa espiritu;

19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at (Z)nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (AA)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (AB)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

21 Na ayon sa tunay (AC)na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y (AD)ang bautismo, hindi sa pagaalis (AE)ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng (AF)isang mabuting budhi sa Dios, (AG)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (AH)ipinasakop (AI)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

Kung paano ngang si (AJ)Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya (AK)na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;

(AL)Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa (AM)mga masamang pita ng mga tao, (AN)kundi sa kalooban ng Dios.

Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon (AO)upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na (AP)pagsamba sa mga diosdiosan:

Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, (AQ)kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama:

Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang (AR)humukom sa mga buhay at sa mga patay.

Sapagka't dahil dito'y (AS)ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.

Mga Awit 119:65-80

TETH.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (A)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (B)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (C)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (D)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (E)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (F)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (G)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.

JOD.

73 (H)Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay:
(I)Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
74 (J)Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa;
Sapagka't ako'y umasa (K)sa iyong salita;
75 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid,
At sa (L)pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
77 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay:
Sapagka't (M)ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
78 (N)Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan:
Nguni't (O)ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
79 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo,
At silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
80 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan;
Upang huwag akong mapahiya.

Mga Kawikaan 28:14

14 Masaya ang tao na natatakot na lagi:
Nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978