The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NRSVUE. Switch to the NRSVUE to read along with the audio.
Inilarawan ang pagkalagim nang sakupin.
4 Ano't ang ginto ay naging malabo! ano't ang pinakadalisay na ginto ay nagbago!
Ang mga bato ng santuario ay natapon sa (A)dulo ng lahat na lansangan.
2 Ang mga mahalagang anak ng Sion, na katulad ng dalisay na ginto,
(B)Ano't pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalyok!
3 Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso, nangagpapasuso sa kanilang mga anak:
Ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik, (C)parang mga avestruz sa ilang.
4 Ang dila ng (D)sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw:
(E)Ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay, at walang taong magpuputol nito sa kanila.
5 Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan:
Silang nagsilaki sa matingkad na pula ay (F)nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi.
6 Sapagka't ang kasamaan ng anak na babae ng aking bayan ay lalong malaki kay sa kasalanan ng Sodoma,
Na (G)nagiba sa isang sangdali, at walang mga kamay na humawak sa kaniya.
7 Ang kaniyang (H)mga mahal na tao ay lalong malinis kay sa nieve, mga lalong maputi kay sa gatas;
Sila'y lalong mapula sa katawan kay sa mga rubi, ang kanilang kinis ay parang zafiro.
8 Ang kanilang anyo ay lalong maitim kay sa uling; sila'y hindi makilala sa mga lansangan:
(I)Ang kanilang balat ay naninikit sa kanilang mga buto; natutuyo, nagiging parang tungkod.
9 Silang napatay ng tabak ay maigi kay sa kanila na napatay ng gutom;
Sapagka't ang mga ito ay nagsisihapay, na napalagpasan, dahil sa pangangailangan ng mga bunga sa parang.
10 (J)Ang mga kamay ng mga (K)mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak;
Mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
11 Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan, kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit;
At siya'y nagpaalab ng apoy sa Sion, na pumugnaw ng mga patibayan niyaon.
12 Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala, o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan,
Na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem.
13 (L)Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote,
(M)Na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya.
14 Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag, sila'y nangadudumhan ng dugo,
Na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot.
15 Magsihiwalay kayo, (N)sila'y nagsisihiyaw sa kanila, Marurumi! magsihiwalay kayo, magsihiwalay kayo, huwag ninyong hipuin:
Nang sila'y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa, Hindi na sila nangingibang bayan pa rito.
16 Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa.
(O)Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.
17 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay (P)ng walang kabuluhang tulong:
Sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang (Q)bansa na hindi makapagligtas.
18 Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, (R)upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan:
Ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating.
19 Ang mga manghahabol sa amin ay (S)lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid:
Kanilang hinabol kami sa mga bundok, kanilang binakayan kami sa ilang.
20 Ang hinga ng aming mga butas ng ilong, ang pinahiran ng Panginoon (T)ay nahuli sa kanilang mga hukay;
Na siya naming pinagsasabihan, sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa.
21 Ikaw ay magalak at matuwa. Oh anak na babae ng Edom, na tumatahan sa lupain ng (U)Uz:
Ang saro ay darating (V)din sa iyo; ikaw ay malalango, at magpapakahubad.
22 Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap, Oh anak na babae ng Sion, hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag:
Kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan, Oh anak na babae ng Edom; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan.
Idinaing ang kapighatian sa pagkabihag. Panalangin upang humingi ng habag.
5 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, (W)kung anong dumating sa amin:
Iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
2 Ang aming mana ay (X)napasa mga taga ibang lupa,
Ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
3 Kami ay mga ulila at walang ama;
Ang aming mga ina ay parang mga bao.
4 Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi;
Ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
5 Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg:
Kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
6 Kami ay nakipagkamay (Y)sa mga taga Egipto,
At sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
7 Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na;
At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
8 Mga alipin ay nangagpupuno (Z)sa amin:
Walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
9 Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay,
Dahil sa tabak sa ilang.
10 Ang aming balat (AA)ay maitim na parang hurno,
Dahil sa maningas na init ng kagutom.
11 Kanilang dinahas ang mga babae, (AB)sa Sion,
Ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12 Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay:
Ang mga mukha ng mga matanda ay (AC)hindi iginagalang.
13 Ang mga binata ay nangagpapasan (AD)ng gilingan,
At ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14 Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan.
Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15 Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat;
Ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16 Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo:
Sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
17 Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay;
Dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18 Dahil sa bundok ng Sion na nasira;
Nilalakaran ng mga zora.
19 Ikaw, Oh Panginoon, (AE)nananatili magpakailan man:
(AF)Ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
20 Bakit mo kami nililimot (AG)magpakailan man,
At pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21 Manumbalik ka sa amin, (AH)Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik:
Baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22 Nguni't itinakuwil mo kaming lubos,
Ikaw ay totoong napoot sa amin.
2 Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos.
2 Sapagka't kung ang ipinangusap na salita (A)sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran;
3 Paanong makatatanan (B)tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? (C)na ipinangusap ng Panginoon noong una ay (D)pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;
4 Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng (E)mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang (F)kapangyarihan, at (G)ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban.
5 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel (H)ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.
6 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi,
(I)Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin?
O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
7 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel;
Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,
At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
8 Inilagay mo (J)ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. (K)Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.
9 Kundi nakikita natin ang (L)ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay (M)lasapin niya ang kamatayan (N)dahil sa bawa't tao.
10 (O)Sapagka't marapat sa kaniya na (P)pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian (Q)na (R)gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.
11 Sapagka't (S)ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang (T)sa isa: na dahil dito'y (U)hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na sinasabi,
(V)Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid,
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.
13 At muli, (W)ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, (X)Narito, ako at ang mga (Y)anak na ibinigay sa akin ng Dios.
14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, (Z)siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; (AA)upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo:
15 At mailigtas silang lahat (AB)na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng (AC)maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan.
18 (AD)Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.
Awit ni David.
103 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3 (B)Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
(C)Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4 (D)Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng (E)kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang (F)iyong kabataan ay nababagong parang agila.
6 (G)Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
7 Kaniyang ipinabatid ang (H)kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
8 Ang Panginoon ay puspos (I)ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
9 (J)Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 (K)Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 (L)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (M)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (N)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
(O)Kaniyang inaalaala na (P)tayo'y alabok.
15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang (Q)bulaklak sa parang ay gayon siya.
16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa (R)mga anak ng mga anak;
18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19 Itinatag ng Panginoon ang (S)kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang (T)kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 (U)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(V)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (W)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(X)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
23 Mga mapusok na labi at masamang puso
Ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978