The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Si Hananias ay nanghula ng kabulaanan.
28 At nangyari, nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikaapat na taon, sa ikalimang buwan, na si Hananias na anak ni Azur na propeta, na taga Gabaon, ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon, sa harapan ng mga saserdote, at ng buong bayan, na nagsasabi,
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia.
3 Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia:
4 At aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim, na hari sa Juda, sangpu ng lahat na bihag sa Juda, na nangaparoon sa Babilonia, sabi ng Panginoon: sapagka't aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia.
5 Nang magkagayo'y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote, at sa harapan ng buong bayan, na nakatayo sa bahay ng Panginoon,
6 Sinabi nga ng propeta Jeremias, (A)Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.
7 Gayon ma'y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig, at sa mga pakinig ng buong bayan:
8 Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain, at laban sa mga malaking kaharian, tungkol sa digma, at tungkol sa kasamaan, at tungkol sa salot.
9 Ang propeta, na nanghuhula (B)ng tungkol sa kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita ng propeta ay mangyayari.
10 Nang magkagayo'y kinuha ng propeta Hananias (C)ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, at binali.
11 At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap (D)sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad.
Ang kamatayan ni Hananias.
12 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi,
13 Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal.
14 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (E)Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod (F)kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko (G)rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.
15 Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi (H)iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.
16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagka't ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.
17 Sa gayo'y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan.
Pinayuhan na mamanatag ang mga nadalang bihag.
29 Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa (I)mga matanda sa pagkabihag, at sa (J)mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:
2 (Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si (K)Jechonias na hari, at ang ina ng hari, at ang mga bating, at ang mga (L)prinsipe sa Juda at sa Jerusalem, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal;)
3 Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni (M)Saphan, at ni Gemarias na anak ni (N)Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia,) na nagsasabi,
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,
5 Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, (O)at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.
6 Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.
7 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, (P)at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng (Q)inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.
9 Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (R)Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, (S)at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, (T)upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
14 At (U)ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin (V)kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.
15 Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na (W)nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
17 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang (X)tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang (Y)masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at (Z)aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (AA)upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
19 Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.
20 Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, (AB)na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.
Ang mga bulaang propeta ay tinutulan ni Jeremias.
21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan (AC)sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;
22 At sa kanila kukuha ng (AD)kasumpaan sa lahat ng bihag (AE)sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na (AF)iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.
23 Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at (AG)ako'y saksi, sabi ng Panginoon.
24 At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain, na sasabihin,
25 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at (AH)kay Sophonias na anak ni (AI)Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi,
26 Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y (AJ)maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na (AK)ulol, at (AL)nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at (AM)sa mga tanikala.
27 Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si (AN)Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,
28 Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: (AO)kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?
29 At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.
30 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
31 Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, (AP)at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.
32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, (AQ)o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)ayon sa utos ng (B)Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na (C)ating pagasa;
2 Kay (D)Timoteo na aking (E)tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
3 Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao (F)na huwag magsipagturo ng ibang aral,
4 Ni huwag makinig (G)sa mga katha at sa mga (H)kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng (I)pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
5 Nguni't (J)ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na (K)puso at sa (L)mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
6 Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;
7 Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.
8 (M)Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at (N)mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
10 Dahil sa (O)mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga (P)nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga (Q)mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban (R)sa mabuting aral;
11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, (S)na ipinagkatiwala sa akin.
12 Nagpapasalamat (T)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (U)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (V)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (W)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
14 At totoong sumagana (X)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (Y)na si (Z)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (AA)sa mga ito;
16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
17 Ngayon (AB)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (AC)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
18 Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking (AD)anak, ayon sa mga (AE)hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay (AF)makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka;
19 (AG)Na ingatan mo ang pananampalataya (AH)at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila (AI)ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20 Na sa mga ito'y si (AJ)Himeneo at si (AK)Alejandro; (AL)na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
Dalangin ni David.
86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 (F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 (G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 (I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (K)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (L)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (M)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (N)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (O)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (P)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (Q)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (R)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.
17 Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa;
Baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978