The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Pagtawag ni Jeremias.
12 (A)Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: (B)bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?
2 Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila (C)sa kaarawan ng pagpatay.
4 Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.
Ang sagot ng Panginoon.
5 Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa (D)kapalaluan ng Jordan?
6 Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.
Ang hatol ng Panginoon sa Juda at sa kaniyang mga kaaway.
7 Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil (E)ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
8 Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.
9 Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.
10 Sinira ng maraming (F)pastor (G)ang aking ubasan, (H)kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.
11 Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't (I)walang taong gumugunita.
12 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.
13 Sila'y nangaghasik ng (J)trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama (K)kong kapuwa, (L)na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin (M)silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.
15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (N)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.
16 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, (O)ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila (P)sa gitna ng aking bayan.
17 Nguni't kung hindi nila (Q)didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.
Ang tanda ng bulok na pamigkis.
13 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang (R)pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig.
2 (S)Sa gayo'y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking mga bayawang.
3 At ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsabi,
4 Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong mga bayawang, at ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato.
5 Sa gayo'y yumaon ako, at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.
6 At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon.
7 Nang magkagayo'y yumaon ako sa Eufrates, at hinukay ko, at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan; at, narito, ang pamigkis ay bulok, hindi mapapakinabangan sa anoman.
8 Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay (T)aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.
10 Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman.
11 Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y (U)maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig.
Ang tanda ng sisidlang balat na mapupuno.
12 Kaya't sasalitain mo sa kanila ang salitang ito. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bawa't sisidlang balat ay (V)mapupuno ng alak: at kanilang sasabihin sa iyo, Hindi baga namin nalalaman na ang bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak?
13 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking pupunuin (W)ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito, (X)ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David, at ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat na nananahan sa Jerusalem.
14 At aking itutulak ang isa laban sa isa, sa makatuwid baga'y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon: hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag man, na sila'y lilipulin ko.
Ibinabala ang pagkabihag.
15 Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon.
16 Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago (Y)siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing (Z)lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang (AA)kadiliman.
17 Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.
18 Iyong sabihin (AB)sa hari at sa ina ng hari, Kayo'y mangagpapakababa, magsiupo kayo; sapagka't ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak, ang putong ng inyong kaluwalhatian.
19 Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag.
20 Inyong itanaw ang inyong mga mata, at inyong masdan sila (AC)na nanganggagaling sa hilagaan: saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?
21 Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? (AD)hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?
22 At kung iyong sabihin sa puso, (AE)Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay (AF)nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.
23 Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? (AG)kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.
24 Kaya't aking pangangalatin sila, (AH)gaya ng dayami na dumaraan, sa pamamagitan ng hangin sa ilang.
25 Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan.
26 Kaya't akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha, at ang (AI)iyong kahihiyan ay malilitaw.
27 Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, sa makatuwid baga'y ang iyong mga pangangalunya, at (AJ)ang iyong mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, (AK)sa mga burol sa parang. Sa aba mo, Oh Jerusalem! (AL)ikaw ay hindi malilinis; hanggang kailan pa magkakaganyan?
Ang pagkatuyo, at ang panalangin sa paghingi ng awa.
14 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.
2 Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan (AM)niya ay nagsisihapay, mga bagsak na (AN)nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.
3 At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at (AO)nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.
4 Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't (AP)hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.
5 Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.
6 At (AQ)ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.
7 Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka (AR)alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.
8 Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (AS)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?
9 Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (AT)na hindi makapagligtas? gayon man (AU)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (AV)huwag mo kaming iwan.
Sinasabi ng Panginoon na ang pamamagitan ay walang kabuluhan.
10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
1 Si (A)Pablo, at si (B)Silvano, at si (C)Timoteo, sa (D)iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: (E)Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
2 (F)Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, (G)na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;
3 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, (H)ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at (I)pagtitiis sa pagasa sa ating (J)Panginoong Jesucristo;
4 Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, (K)ang pagkahirang sa inyo,
5 Kung paanong ang (L)aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at (M)sa lubos na katiwasayan; na gaya ng (N)inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.
6 At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, (O)nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, (P)na may katuwaan sa Espiritu Santo;
7 Ano pa't kayo'y naging (Q)uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa (R)Macedonia at nangasa Acaya.
8 Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi (S)sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.
9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin (T)kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at (U)kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga (V)diosdiosan, upang mangaglingkod sa (W)Dios na buhay at tunay,
10 (X)At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga (Y)na nagligtas (Z)sa atin mula sa galit na darating.
2 Kaya nga nalalaman ninyo rin, (AA)mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:
2 Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (AB)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (AC)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.
3 Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (AD)karumihan, ni sa pagdaraya.
4 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (AE)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
5 Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng (AF)kasakiman, saksi ang Dios;
6 Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit (AG)kami ng kapamahalaan (AH)gaya ng mga apostol ni Cristo.
7 Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:
8 Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng (AI)aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.
Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.
79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
2 Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
3 Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.
4 (G)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
5 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(H)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
6 (I)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
7 Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
8 (J)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
9 Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (K)dahil sa iyong pangalan.
10 (L)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (M)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (N)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (O)makapito (P)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (Q)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.
30 (A)Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad,
At sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31 At, (B)narito, tinubuang lahat ng mga tinik,
Ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag,
(C)At ang bakod na bato ay nabagsak.
32 Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti:
Aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
33 (D)Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
34 Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw;
At ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978