The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Pinaalalahanan ni Jeremias ang mga Judio na huwag pumunta sa Egipto.
42 Nang magkagayo'y ang (A)lahat na kapitan sa mga kawal, (B)at si Johanan na anak ni Carea, at si Jezanias na anak ni Osaia, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, ay nagsilapit,
2 At nangagsabi kay Jeremias na propeta, Isinasamo namin sa iyo, na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo, at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios, sa makatuwid baga'y ang lahat na nalabing ito (sapagka't kaming naiwan ay kaunti sa karamihan, gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin),
3 Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran, at ang bagay na marapat naming gawin.
4 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila, Aking narinig kayo; narito, aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita; at mangyayari, na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo; aking ipahahayag sa inyo; hindi ako maglilihim sa inyo.
5 Nang magkagayo'y sinabi nila kay Jeremias, (C)Ang Panginoon ay maging tunay at (D)tapat na saksi sa gitna natin, kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin.
6 Maging mabuti, o maging masama, aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios, na siya naming pinagsusuguan sa iyo; upang ikabuti namin, pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios.
7 At nangyari, pagkatapos ng sangpung araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias.
8 Nang magkagayo'y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan,
9 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya:
10 Kung kayo'y magsisitahan pa sa lupaing ito, akin ngang itatayo (E)kayo, at hindi ko kayo itutulak, at itatatag kayo, at hindi ko kayo paaalisin; sapagka't (F)aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo.
11 Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay.
12 At pagpapakitaan ko (G)kayo ng kaawaan, upang kaawaan niya kayo, at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain.
13 Nguni't kung inyong sabihin, Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito; na anopa't hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios,
14 Na nagsasabi, Hindi; (H)kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto, na hindi namin kakikitaan ng digma, o kariringgan man ng tunog ng pakakak, o kagugutuman ng tinapay: at doon kami magsisitahan:
15 Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh nalabi sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Kung inyong (I)lubos na ihaharap ang (J)inyong mukha na pumasok sa Egipto, at magsiparoon upang mangibang bayan doon;
16 Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay.
17 Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto, upang mangibang bayan doon; (K)sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom at ng salot: at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila.
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito.
19 Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo, Oh nalabi sa Juda, Huwag kayong pumasok sa Egipto: talastasin ninyong tunay na ako'y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito.
20 Sapagka't dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka't inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios: at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin.
21 At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito; nguni't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo.
22 Ngayon nga'y talastasin ninyong tunay na kayo'y mangapapatay ng tabak, ng kagutom, at ng salot, sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan.
Si Jeremias at ang mga nalabi sa Juda ay dinala sa Egipto.
43 At nangyari, na nang si Jeremias ay makatapos ng pagsasalita sa buong bayan ng lahat ng mga salita ng Panginoon nilang Dios, na ipinasugo sa kaniya ng Panginoon nilang Dios sa kanila, sa makatuwid ang lahat ng mga salitang ito;
2 Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na (L)anak ni Osaias, at si (M)Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na palalong lalake, na nangagsasabi, Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan: hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios, na magsabi, Kayo'y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon;
3 Kundi hinikayat ka ni (N)Baruch na anak ni Nerias laban sa amin, upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay nila kami, at mangadala kaming bihag sa Babilonia.
4 Sa gayo'y si Johanan na anak ni Carea, at (O)ang lahat na kapitan sa mga kawal, at ang buong bayan, ay hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon na tumahan sa lupain ng Juda.
5 Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda;
6 Ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, (P)at ang mga anak na babae ng hari, (Q)at bawa't tao na naiwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay na kasama ni Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, at si Jeremias na propeta, at si Baruch na anak ni Nerias:
7 At sila'y nagsipasok sa lupain ng Egipto; sapagka't hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon: at sila'y nagsiparoon hanggang sa (R)Taphnes.
Ang pagkatalo ng Egipto ay hinulaan.
8 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias sa Taphnes, na nagsasabi,
9 Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay, at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan, na nasa pasukan ng bahay ni Faraon, sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda;
10 At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na (S)aking lingkod, at aking ilalagay ang kaniyang luklukan sa mga batong ito na aking ikinubli; at kaniyang ilaladlad ang kaniyang pabillong hari sa mga yaon.
11 At siya'y paririto, at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan, at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag, at yaong sa tabak ay sa tabak.
12 At ako'y magsisilab ng apoy sa mga bahay ng (T)mga dios ng Egipto; at kaniyang mga susunugin, at sila'y (U)dadalhing bihag: at kaniyang aariin ang lupain ng Egipto na parang pastor na nagaari ng kaniyang kasuutan; at siya'y lalabas na payapa mula riyan.
13 Kaniya ring babaliin ang mga haligi ng Beth-semes na nasa lupain ng Egipto; at ang mga bahay ng mga dios ng Egipto ay susunugin ng apoy.
Ibinala ni Jeremias ang kagibaan sa mga Judio na nasa Egipto.
44 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa lahat na Judio na nagsitahan sa lupain ng Egipto sa (V)Migdol, at sa (W)Taphnes, at sa (X)Memphis, at sa lupain ng Patros, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Inyong nakita ang buong kasamaan na aking dinala sa Jerusalem, at sa lahat ng mga bayan ng Juda; at, narito, sa araw na ito, sila'y kagibaan, at walang taong tumatahan doon,
3 Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man.
4 Gayon ma'y (Y)sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan.
5 Nguni't hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.
6 Kaya't ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos, at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at mga sira at giba, gaya sa araw na ito.
7 Kaya't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Bakit kayo'y nagsigawa nitong malaking kasamaan (Z)laban sa inyong sariling mga kaluluwa, upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae, ng sanggol at pasusuhin, sa gitna ng Juda, upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi;
8 Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay, na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto, na inyong kinaparoonan na mangibang bayan; upang kayo'y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa?
9 Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang, at ang kasamaan ng mga hari sa Juda, at ang kasamaan ng (AA)kanilang mga asawa, at ang inyong sariling kasamaan, at ang kasamaan ng inyong mga asawa, na kanilang ginawa sa lupain ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem?
10 Sila'y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito, o nangatakot man sila, o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan, o sa aking mga palatuntunan man, na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang.
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama, sa makatuwid baga'y upang ihiwalay ang buong Juda.
12 At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; (AB)sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; (AC)at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan.
13 Sapagka't aking parurusahan (AD)silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot;
14 Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan.
Ang mga Judio ay tumutol.
15 Nang magkagayo'y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at ang lahat na babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga'y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa (AE)Pathros, ay sumagot kay Jeremias, na nagsasabi,
16 Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka namin didinggin.
17 Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan (AF)ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan.
18 Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom.
19 At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa reina ng langit at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa?
Inulit ni Jeremias ang kaniyang babala.
20 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalake, at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon, na nagsasabi,
21 Ang kamangyan na inyong sinunog sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ninyo, at ng inyong mga magulang, ng inyong mga hari at ng inyong mga prinsipe, at ng bayan ng lupain, hindi baga (AG)inalaala ng Panginoon, at hindi baga pumasok sa kaniyang pagiisip?
22 Na anopa't ang Panginoon ay hindi nakapagpigil ng maluwat, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa, at dahil sa mga kasuklamsuklam na inyong ginawa; kaya't ang inyong lupain ay naging sira, at katigilan, at kasumpaan, na walang mananahan gaya sa araw na ito.
23 Sapagka't kayo'y nangagsunog ng kamangyan, at sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon, o nagsilakad man sa kaniyang kautusan, o sa kaniyang palatuntunan man, o sa kaniyang mga patotoo man; (AH)dahil dito ang kasamaang ito ay nangyari sa inyo, gaya sa araw na ito.
2 Ikaw nga, (A)anak ko, (B)magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 At (C)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (D)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
3 (E)Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na (F)gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
5 At kung ang sinoman ay (G)makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi (H)pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
6 Ang magsasaka na nagpapagal (I)ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Jesucristo na (J)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (K)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (L)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (M)dahil sa (N)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
11 (O)Tapat ang pasabi: (P)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
12 (Q)Kung tayo'y mangagtiis, ay (R)mangaghahari naman tayong kasama niya: (S)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (T)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (U)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, (V)na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
16 Datapuwa't (W)ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si (X)Himeneo at si Fileto;
18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, (Y)Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay (Z)hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at (AA)lupa; (AB)at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
Salmo, Awit sa araw ng sabbath.
92 Isang mabuting bagay (A)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
2 Upang (B)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
3 (C)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
4 Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
5 (D)Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay (E)totoong malalim.
6 (F)Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
7 Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
9 Sapagka't, narito, (G)ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga (H)manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10 Nguni't ang sungay ko'y (I)iyong pinataas na parang sungay ng (J)mailap na toro:
(K)Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 (L)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (M)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (N)cedro sa Libano.
13 (O)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (P)aking malaking bato, (Q)at walang kalikuan sa kaniya.
Ang karangalan ng Panginoon.
93 Ang Panginoon ay (R)naghahari; (S)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (T)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (U)natatag, na hindi mababago.
2 (V)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(W)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.
3 (A)Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno,
At (B)ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
4 (C)Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
5 (D)Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan,
Baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978