Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 1:1-2:30

Ang pagkatawag at pagkasugo kay Jeremias.

Ang mga salita ni (A)Jeremias na anak ni Hilcias, isa sa mga saserdote na (B)nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin:

Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni (C)Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda, (D)nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari.

Dumating din nang kaarawan ni (E)Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni (F)Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, (G)hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Bago (H)kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta (I)sa mga bansa.

Nang magkagayo'y sinabi ko, (J)Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.

Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay (K)sasalitain mo.

Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.

(L)Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at (M)hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:

10 Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.

Ang tungkod na almendro at ang palyok ay nakita sa pangitain.

11 Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.

12 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.

13 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsasabi, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng (N)isang palyok na pinagpapakuluan; at paharap sa hilagaan.

14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, (O)Mula sa hilagaan ay lalabasin ng kasamaan ang lahat na nananahan sa lupain.

15 Sapagka't, narito, aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisiparoon, at sila'y (P)maglalagay bawa't isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem, at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot, at laban sa lahat na bayan ng Juda.

16 At aking sasalitain ang aking mga kahatulan laban sa kanila (Q)tungkol sa lahat nilang kasamaan, sa kanilang nangagpabaya sa akin, at nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay.

17 Ikaw nga'y (R)magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: (S)huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila.

18 Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain.

19 At sila'y magsisilaban sa iyo; nguni't hindi sila mangananaig laban sa iyo: sapagka't ako'y sumasa iyo, sabi ng Panginoon, upang iligtas ka.

Ang kagandahang-loob noong una at ang pagkawalang kabuluhan ngayon.

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng (T)iyong kabataan, (U)ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, (V)sa lupain na hindi hinasikan.

Ang Israel ay (W)kabanalan sa Panginoon, na mga (X)pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:

Ganito ang sabi ng Panginoon, (Y)Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?

At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at (Z)ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak (AA)ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga (AB)pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga (AC)propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

Kaya't (AD)ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

10 (AE)Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng (AF)Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa (AG)Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

11 (AH)Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na (AI)hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.

12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; (AJ)kanilang iniwan ako na (AK)bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

Ang kanilang pagpapabaya ay huwag tularan.

14 Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.

15 Ang mga batang (AL)leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.

16 Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.

17 Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

18 At ngayo'y anong ipakikialam mo (AM)sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig (AN)sa ilog?

19 Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang pagasa sa sarili ay walang kabuluhan.

20 Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't (AO)sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na (AP)nagpatutot.

21 Gayon ma'y (AQ)tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

22 Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios.

23 Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan (AR)sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;

24 Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.

25 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.

26 Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,

27 Na nangagsasabi (AS)sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon (AT)ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.

28 Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, (AU)kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: (AV)sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.

Ang pagtitiis ng Panginoon sa kanilang kasalanan.

29 Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.

30 Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang (AW)inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling (AX)tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.

Filipos 4

Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at (A)pinananabikan, aking (B)katuwaan at putong, (C)magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko.

Ipinamamanhik ko kay Euodias, at (D)ipinamamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon.

Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa (E)aklat ng buhay.

Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: (F)muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.

Makilala nawa (G)ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. (H)Ang Panginoon ay malapit na.

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (I)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

At (J)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (K)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.

Ang mga bagay na inyong natutuhan (L)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (M)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

10 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang (N)inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't (O)kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.

11 Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang (P)masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.

12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.

13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa (Q)doon sa (R)nagpapalakas sa akin.

14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na (S)kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.

15 At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na (T)nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa (U)Macedonia, (V)alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;

16 Sapagka't sa (W)Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.

17 (X)Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.

18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap (Y)kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, (Z)na isang samyo ng masarap na amoy, isang (AA)handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.

19 At (AB)pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo (AC)ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

20 Ngayon nawa'y suma ating (AD)Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

21 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo (AE)ng mga kapatid na kasama ko.

22 Binabati kayo (AF)ng lahat ng mga banal, (AG)lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.

23 Ang biyaya (AH)ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.

Mga Awit 75

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.

75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (A)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (B)haligi niyaon. (Selah)
Aking sinabi sa (C)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (D)matigas na ulo.
Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
Kundi ang (E)Dios ay siyang hukom:
(F)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
Sapagka't (G)sa kamay ng Panginoon ay may (H)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (I)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (J)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

Mga Kawikaan 24:17-20

17 Huwag kang magalak (A)pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal,
At huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
18 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya,
At kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama;
Ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao;
(B)Ang ilawan ng masama ay papatayin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978